Marian Rivera says she does not need boyfriend Dingdong Dantes’s permission to do daring scenes

"May mga bagay kasi na malaki ang respeto namin ni Dong sa bawat isa. Na dumarating kami sa punto na hindi na namin kailangang magpaalam sa bawat aksyong gagawin namin. Kumbaga ay nagkakaintindihan kami na ang trabaho ay trabaho, ang personal ay iba. So, may mga bagay na hindi na dapat ipinagpapaalam sa kanya at ganun din siya sa akin," pahayag ni Marian Rivera nang tanungin kung nagpapaalam pa ba siya kay Dingdong Dantes tungkol sa mga daring scenes na ginagawa niya sa peli


Inamin ni Marian Rivera na sobrang kumportable siyang katrabaho si Richard Gutierrez dahil sa may pinagsamahan na rin sila noon sa pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend (2008).

Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Siguro dahil honest kami sa isa’t isa, wala kaming itinatago—personal man ‘yan o sa trabaho.

“Tsaka noong BFGF kasi, nagkaroon na kami ng something na bonding noon, e.

“So ngayon, mas lalo na, mas matured na kami parehas, may mga bagay na kaming pinag-uusapan na personal na kaming dalawa ay nagkakaintindihan sa mga ganung bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 si Marian sa presscon ng My Lady Boss last March 19, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.



THE SEXY BOSS. Hindi na bago ang usaping pagpapa-sexy ni Marian.

Nagpa-sexy na siya noon sa mga teleseryeng Marimar at Ang Babae Hinugot Sa Aking Tadyang ng GMA-7 at, lately, nag-pose na rin siya sa FHM Philippines para sa January 2013 issue ng nasabing men’s magazine.

Pero dito raw sa My Lady Boss, ibang kaseksihan ni Marian ang mapapanood. May kumalat pa ngang balitang magpapakita raw siya ng behind.

Natatawang sabi ng aktres, “Manood na lang sila.

“Hindi naman masyadong daring, pero first time kong nagkaroon ng mga ganyang eksena with Richard.

“Tapos first time na maging boss, at first time ko din sa pelikulang maging masungit.

“Kasi lahat ng mga pelikulang ginawa ko, hindi ako masungit, bubbly lang… ewan ko na minsan parang napakabait na anak.

“So this time, iba naman.”

Pero hindi tinumbok ni Marian kung nagpakita nga ba siya dito ng kanyang behind.

Masarap kayang maging boss sa isang guwapong lalaki?

Tugon niya, “Ay, hindi ko alam. Parang ayaw ko ng ganung klaseng boss, hindi ko yata kakayanin.

“Pero pag lumambot na ang boss na yun ay iba namang magmahal siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kuwento kasi ng My Lady Boss, ang role niya ay isang istriktong brand manager ng isang kumpanya kung saan ang assistant niya ay si Richard.



DONG’S PERMISSION. Nagpaalam ba si Marian sa boyfriend niyang si Dingong Dantes na sexy ang kanyang role sa pelikula?

Medyo seryosong tugon nito, “Alam mo, may mga bagay na ayokong sabihin na nao-offend ako pag tinatanong sa akin ‘yan, e.

“Pero may mga bagay kasi na malaki ang respeto namin ni Dong sa bawat isa.

“Na dumarating kami sa punto na hindi na namin kailangang magpaalam sa bawat aksyong gagawin namin.

“Kumbaga ay nagkakaintindihan kami na ang trabaho ay trabaho, ang personal ay iba.

“So, may mga bagay na hindi na dapat ipinagpapaalam sa kanya at ganun din siya sa akin.”



LIKE RICHARD’S MOM. Naunang naikuwento ni Richard na parang mommy niya na si Annabelle Rama ang ugali ni Marian kapag nasa set sila.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Actually, palagi niyang sinasabi sa akin ‘yan, okay lang naman siguro.

“Nakikita niya lang yung pagiging… yung personality ko na matapang akong babae kapag may gusto ako, gagawin ko talaga yun.

“As long as tama ako at wala akong sinasaktang ibang tao, gagawin ko talaga kung anong gusto kong gawin.

Suportado ba ng die-hard fans nila ni Dingdong, ang DongYanatics, ang tambalan nila ni Richard?

Pagmamalaki ni Marian, “Oo naman, ang mga DongYan naman ay wala namang pinipiling project ‘yan.

“Basta may kasamang Marian o Dingdong, sinusuportahan naman nila ‘yan.”

Hindi naman daw seloso ang kanilang fans dahil nag-mature na raw ang mga ito.

Saad niya, “Siguro before… ngayon, hindi na kasi nag-mature na rin sila kasabay namin.

“So, hindi na maging mahirap para sa kanila yun na may kanya-kanya talaga kaming trabaho.

“At minsan talaga, nagkakahiwalay kami sa mga proyekto na wala naman kaming choice kasi ang trabaho ay trabaho lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN