Isabelle Daza on being compared to mom Gloria Diaz: “It’s kind of hard to make a name for yourself when you’re always under the shadow of someone.”

Aminado si Isabelle Daza na “challenge” para sa kanya ang maikumpara sa kanyang ina o sa kahit sa iba pang aktres pagdating sa pag-arte. Pero kung ang pagsali naman sa beauty contests ang pag-uusapan, masasabi raw ni Isabelle na “I don’t think I would be happier if I join and I win [in the pageant] as to where I am today.”


Masaya si Isabelle Daza dahil sa unang bahagi ng taon ay dalawang pelikula agad ang kanyang pinagkakaabalahan.

Una na rito ang debut film niyang It Takes A Man and A Woman, kung saan kasama niya sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ito ay idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

At ngayon ay sinimulan na rin niya ang independent film na Lihis, kung saan makakasama niya naman sina Jake Cuenca, Joem Bascon, at Lovi Poe. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

“Sobrang nakakapagod!” bulalas ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press noong Lunes ng gabi, Marso 25, sa Ryu Ramen, sa Tomas Morato, Quezon City.

Pagpapatuloy niya, “But I’m excited and, of course, I’m proud of my work.

“My first movie with Ms. Cathy, and next is with Joel Lamangan.

“Excited na nga ako na mapapalabas siya [It Takes A Man and A Woman], e, kasi six to seven months [ginawa].”


WORKING WITH HER MOM. Makakasama rin ni Isabelle sa indie film na Lihis ay ang kanyang ina na si Gloria Diaz.

Sabi ng Kapuso TV host-actress, “mahirap” katrabaho ang kanyang mommy, lalo na at ibang-iba daw ito kapag nasa bahay sila.

“Mahirap kasi siyempre it’s with your mom,” paliwanag ng 25-year-old na si Isabelle.

“Tapos your mom is telling you one thing and the director tells you another thing. So parang, ‘Ano ba ang gagawin ko?’

“I can say na iba ang mom ko sa work at iba siya at home.

“When I see her at work, parang she reads the script paulit-ulit, she memorizes it, she has to throw lines.

"Tpos kapag nagre-rest siya, nag-i-earphones siya tapos quiet lang.

“Hindi siya gano’n at home or anywhere else—ang ingay-ingay niya, ang harot-harot.

"At sa work, talagang seryoso, talagang work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naalala pa nga ni Isabelle nang kunan ang kanilang confrontation scene sa Lihis.

“Napaiyak na lang ako because of her! Parang I just reacted to her acting.”


CAREER PATH. Ngayong nasubukan na ni Isabelle ang mag-host, gumawa ng teleserye at pelikula, nakita raw niyang mas na-enjoy niya ang paggawa ng pelikula.

Pero bukod dito, tila isang patunay na rin ito na kahit papaano ay napapansin na ng mga tao ang kanyang “hard work” at “best” na ibinibigay sa bawat proyekto niya.

Bagamat aminado ang baguhang aktres na malaking bagay na ipinakilala siya sa industriyang ito na anak ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Aniya, “I wouldn’t be here if weren’t for my mom. So I also embrace that feeling, that aspect also.

"People introduce me as daughter of Gloria Diaz, so I’m happy.”

Iyon nga lang, tingin niya, “It’s a challenge kasi people will always compare me with my mom, and if not my mom, somebody else.

“So it’s kind of hard to make a name for yourself when you’re always under the shadow of someone.”

IT’S NOT MY THING. Pero hindi naman daw ito ang dahilan ni Isabelle kung bakit kailanman ay hindi niya naisipang sumali sa anumang beauty contest.

Noong pumasok kasi siya sa showbiz ay ito ang isa sa mga inaasahan ng publiko sa kanya—ang sumunod sa yapak ng kanyang ina na nagwaging Miss Universe noong 1969.

Gayunman, alam daw kasi ni Isabelle sa kanyang sarili na, “I don’t think I would be happier if I join and I win [in the pageant] as to where I am today.

“Pero I’m flattered, don’t get me wrong.

“Ang daming nagsasabi na, ‘You should join Binibini [Binibining Pilipinas], we’ll be waiting for you,’ especially the gay community. They are so, so excited about it!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin din daw niya ay hindi babagay sa personalidad niya ang maging beaty queen.

Ani Isabelle, “I’m more of a tomboy—I like sports, I like cooking, I like eating.

“In fact, if I join, pressure ‘yon na every time I go out, I have to be beautiful.

"There are days na ayaw ko mag-makeup, if I will just go in the grocery or go shopping, di ba?

“Well, I don’t feel the most beautiful person in this room.

“So what will make me think that I’m the most beautiful person in the Philippines or let alone Universe?

“Parang ang dami nang maganda diyan, magko-compete pa ba ako?” ang nakangiting pagtatapos ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN