Senator Chiz Escudero drops to third spot in latest SWS pre-election survey

From second spot, re-electionist Senator Chiz Escudero dropped to third place in the latest SWS-BW pre-election survey on voters’ senatorial preference. He lost his previous spot to re-electionist Allan Peter Cayetano, who placed third in the SWS-BW survey in February.


Bumaba ng isang baitang ang re-electionist na si Senator Francis “Chiz” Escudero sa ranking ng senatorial candidates base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations.

Base sa Pre-Election Survey on Voters’ Senatorial Preference, na eksklusibong lumabas sa Business World Today ngayong araw, March 26, bumaba mula sa ikalawang puwesto patungo sa ikatlong puwesto ang senador na mula sa Sorsogon.

Kung isasagawa ang botohan ngayon, susundan ni Senator Escudero sa ranking ang re-electionist rin na si Senador Allan Peter Cayetano, na nasa ikatlong puwesto naman sa nakaraang SWS survey noong February.

Si Senator Chiz din ang may pinakamataas na ibinaba sa percentage ng boto mula sa 1,200 registered voters na tinanong ng SWS. Mula 62 percent ay naging 42 percent lamang ito ngayong buwan.

Samantala, hindi naman maiuugnay ang pagbaba ng puwesto ni Senator Chiz sa nasabing pre-election survey sa isyung lumabas sa pagitan niya, ng girlfriend niyang si Heart Evangelista, at ang ina ng aktres na si Cecile Ongpauco.

Ang survery ay isinagawa noong March 15 to 17. Samantalang ang pagpapahayag ng pagtutol ng mga magulang ni Heart sa relasyon niya kay Senator Chiz ay naganap noong nakaraang linggo lamang, March 19.

(CLICK HERE to read related article.)



EXCHANGE OF WORDS. Sa unang press conference na ipinatawag ni Mrs. Ongpauco, inakusahan niya ang senador na alcoholic at walang galang.

Aniya pa, “Hindi ako nagagandahan sa ugali niya.”

(CLICK HERE to read related article.)

Ito ay tahasang pinabulaanan naman ng senador sa press conference na naganap sa Naga noong nakaraang linggo, March 21.

Inihayag din niya na nadadamay na ang kanyang mga anak at ina sa isyung ito.

Gayunman, nilinaw ng ina ni Heart na wala silang intensiyon na siraan si Senator Chiz sa kanyang mga naging pahayag.

Sabi ni Mrs. Ongpauco, “I’m just simply narrating things as I’ve experienced things under Mr. Escudero, that’s all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t mean to cause their family pain.

“It’s just that we are really suffering now because we of think his actions towards our family, and about trying to control our daughter who was so innocent about these things.”

(CLICK HERE to read related article.)

Sa ngayon, nangako na ang parehong kampo na hindi na magbibigay ng anumang karagdagang pahayag tungkol sa isyu.



SWS SURVEY. Narito ang kabuuang resulta ng SWS-Business World March 2013 pre-election survey:

1. Loren Legarda – from 64% to 59%

2. Alan Cayetano – from 58% to 57%

3 to 4. JV Ejercito – from 42 to 48%

3 to 4. Chiz Escudero – from 62% to 48%

5 to 7. Nancy Binay – 47% to 47%

5 to 7. Cynthia Villar – from 53% to 47%

5 to 7. Koko Pimentel – from 48% to 47%

8. Sonny Trillanes – from 46% to 44%

9. Gringo Honasan – from 34% to 43%

10. Bam Aquino – from 42% to 42%

11. Grace Poe – from 48% to 40%

12. Sonny Angara – from 39% to 39%


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN