Carl Guevara denies taking advantage of rumored girlfriend Kris Bernal

Pinaparatangang "manggagamit" ang Kapuso hunk na si Carl Guevara, pero mariin niyang pinabubulaanan ito. Sabi niya, “Nagtatrabaho rin ako at meron akong kinikita. Siyempre, ako naman, ang gusto ko, yung binibiling gamit ko, galing sa kinikita ko… Pero hindi ako nagpapabili sa iba.”


Hindi na bago sa Kapuso actor na si Carl Guevara ang naiintriga.

Kamakailan, nababalitang sila na ulit ni Kris Bernal kahit inamin na ni Carl na nililigawan pa lang niya ang Kapuso actress.

Kaugnay nito, iniintriga ngayon si Carl na diumano’y meron na siyang "batang matrona" sa katauhan ni Kris.

Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl, ito na agad ang tinanong namin sa kanya.

Tanggi niya, “Sa akin, hindi. Hindi totoo ‘yan!

“Nagtatrabaho rin ako at meron akong kinikita.

"Siyempre, ako naman, ang gusto ko, yung binibiling gamit ko, galing sa kinikita ko.

“At saka, kapag meron akong gustong bagay, kumukuha ako sa account ko.

“Joint account din kami ng manager ko, si Perry Lansigan. Kaya kapag may gusto ko, inililista ko para yun lang talaga ang kukuhanin ko.

“Para at least, yung pera, may nase-save talaga.

“Yun ang reason kung bakit joint account din kami para hindi ko basta-basta magagastos yung pinaghihirapan ko rin."

Dugtong pa niya, “Kami naman ni Kris, kapag kumakain sa labas, minsan give and take rin.

“Madalas siyempre, ako ang nagbabayad.

"Pero parang siya, nahihiya raw siya na ako ang palaging nagbabayad sa kinakain namin.

“Pero sa akin kasi, tama lang naman dahil ako ang lalaki.

“So, talagang nagbabayad ako. Alam ko, kung saan ako lulugar.”



KRIS’S ACCOUNT. Ang lumalabas kasi sa balita, kesyo credit card daw ni Kris ang ginagamit nila at ito raw ang nagbabayad.

Nagpapabili nga ba siya sa kanyang rumored girlfriend?

“Hindi ako nagpapabili," tanggi muli ni Carl.

"Minsan, siya yung parang may something na ibibigay, pero never akong nagpabili sa kanya."

Kasalukuyang nagbabakasyon pa rin sa Europe si Kris.

Pero sabi nga ni Carl, kahit tinatanong daw siya ni Kris kung ano ang gusto niyang pasalubong, wala siyang sinabi.

“Wala e, wala talaga. Sabi ko lang sa kanya, basta bumalik lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong umalis nga siya, baka meron daw akong gusto sa Europe.

"Sabi ko, ’Wala akong gusto. Wala kang dapat ibili sa akin diyan.’

“Alam ko ang gastos ninyo at kung magkano ang ginastos ninyo riyan at ilalabas ninyong pera.

“So, sabi ko, kahit wala, basta masaya kayo riyan.”

Bakit naiisyu na kesyo nagpabili raw siya ng dalawang sapatos?

Nangiti si Carl at saka sinabing, “Hindi totoo ‘yan! Actually, ako nga ang nagbigay sa kanya ng dalawang sapatos.

“Yung Doc Martens na black at red. Hirap kasi siyang makahanap dito ng size niya. Yung boots, DM.

“Ang ginawa ko, may kaibigan ako sa UK, kinausap ko, then after two weeks, ayun, ibinigay ko sa kanya ang dalawang sapatos.

“So, wala talaga ako... nagulat din ako na may mga isyung lumalabas na ganyan.

“Sinabi rin sa akin ng nanay ko dahil ang nanay ko, mabasa ng diyaryo.

“So, natatawa nga ako. Sabi ko nga, ‘Ma, alam mo naman na ako ang gumagastos.’”

Hindi raw ugali ni Carl na iba ang nagbabayad.

“Hindi ako palibre!” natawang sabi niya.

“Sa totoo lang, nagagalit na nga sa akin ang manager ko dahil yung ibinibigay niyang allowance ko monthly, nakakapos pa.

“Kasi nga, pera ko lang yun, pero si Perry, parang siya ang nag-aayos.

“Kasi nga alam niya, gastador rin ako. Kaya hindi ako palibre.”

Nagagalit ba siya sa mga nang-iintriga sa kanya?

“Siyempre minsan, nakakapikon din, pero ayoko na lang isipin.

“Basta ako, kung may gusto akong bilhin para sa sarili ko, binibili ko na lang. Pero hindi ako nagpapabili sa iba.”



UNAFFECTED. Naaapektuhan din ba siya sa mga ganoong isyu?

“Sa akin kasi, kapag alam kong hindi totoo, hindi ako nagpapaapekto sa mga ganyan.

“So, natatawa lang ako. May mga sinasabi ako na, ’Bakit naman ganyan ang lumalabas?’ Pero, hindi ako naapektuhan.

“Hindi naman totoo, e. Kahit na anong sabihin ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isyu ring may gay benefactor siya at pinagdududahan din ang gender niya.

Sabi ni Carl, “Dati nga, naisyu pa akong bading.

"Kaya kahit anong sabihin sa akin, basta alam ko kung ano ang totoo, hindi ako naapektuhan."

Mahal ba niyang talaga si Kris?

“Siyempre, nililigawan ko siya, e. Halos araw-araw, ka-text ko siya, kinakamusta ko.

“Kapag may free time naman siya, kapag okay siya, sumasama siya sa akin kapag niyaya ko.

“Hindi ko rin siya ma-contact dahil hindi siya naka-roaming. Minsan kapag may wi-fi, yun.”

HOLY WEEK. Ngayong Holy Week naman, nasa bahay lang daw siya.

“Madalas naman kapag Holy Week, wala akong kasama. Sa bahay lang.

“Minsan naman yung family ko, nasa Lipa. Ako naman, parang mas gusto ko na solemn lang.

“Sa bahay lang. Isipin ko lang yung mga nangyayari sa buhay… yung ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN