Louise delos Reyes on breakup with Enzo Pineda: “Wala namang perpektong pagmamahalan at wala ring perpektong nagmamahal.”

Hindi malinaw kay Louise delos Reyes kung sino ang nag-initiate ng breakup nila ni Enzo Pineda. Paliwanag niya, “Mutual… pareho. Hindi rin namin alam kung sino ang nag-initiate ng breakup. Hindi namin naramdaman.”


Walang balak makisabay sa karamihan ng magbabakasyon ngayong Holy Week si Louise delos Reyes.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Louise noong Linggo, March 24, matapos ang live airing ng Party Pilipinas, ipinaliwanag niya kung bakit sa bahay lang siya ngayong Semana Santa.

Sabi ni Louise, “Since Mundo Ma’y Magunaw, naging busy po ako.

“Tapos, madalas out of town din ang mga shoots ko, kaya mas okay na sa family na lang ako magho-Holy Week.”

Tatlong araw na magkakasunod mula Lunes hanggang ngayong araw, Miyerkules, ang taping ni Louise sa kanyang serye.

Nakangiti pa niyang dagdag, “Walang tulugan kami, walang uwian.

“Hindi ka naman dapat magreklamo, dahil the mere fact na binigyan ako ng panibagong opportunity ng GMA-7, dapat lang ibalik yung magandang gestures nila sa iyo, sa pamamagitan ng dedication mo sa trabaho.”

Ang ibang Kapuso stars ay nasa bakasyon at nag-e-enjoy na sa pamamasyal.

Pero sabi ni Louise, “Hindi naman ako naiinggit, kasi natengga rin ako ng six months na wala akong ginagawang soap.

“So, at least ngayon, puro trabaho naman ang inaasikaso at merong mga time para sa family ko… na mag-spend naman ako ng panahon para sa kanila at ‘eto na nga yun.”


ALONE AND LONELY. Since wala na sila ni Enzo Pineda, mag-isa na lang ba niyang gugugulin ang pagninilay-nilay ngayong Semana Santa?

Hindi ba siya naninibago ngayon dahil parang may kulang? Wala ba siyang lovelife sa ngayon?

Sagot ni Louise, “Siyempre, nararamdaman mo yung minsan malulungkot ka, kasi you can’t share your happiness, siyempre sa karelasyon mo.

“Pero, I think it’s better na rin this way. At least, naggu-grow kami individually.

“Tapos, mas meron kaming time sa mga bagay na mas importante sa aming dalawa.”

Totoo ba ang balita na hindi pa rin nag-uusap hanggang ngayon sina Louise at Enzo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit, e,” mabilis niyang sagot agad habang pilit ang mga ngiti.

“Masakit pag nakakausap mo, e.

"Pero ayun, nagkakamustahan for a while, dito sa Party Pilipinas pag nagkikita kami—it’s not like before.”


ABRUPT CHANGE. Hanggang “hi” and “hello” na lang daw ang batian nila sa isa’t-isa kapag nagkikita sila ni Enzo, ayon kay Louise.

Hindi ba mas masakit yung ganoon na parang hindi sila nagkasama nang matagal sa klase ng kanilang batian?

“Oo, siyempre. Mahirap yung abrupt na biglang ano… hindi na kayo magiging ganoon.

“Siyempre, nakaka-miss and, at the same time, masakit na parang dati tinitingnan mo siya as your boyfriend…

“And now, parang stranger na lang siya para sa iyo.

"Pero talagang ganoon ‘ata… it’s part of it, e.”

May pinagsisisihan ba siya sa mga nangyari sa kanila ni Enzo?

“Siyempre, marami rin,” mabilis niyang tugon.

“Hindi mo maibigay nang buo yung commitment sa relationship.

"It’s more on time kasi… oo, yung time and… actually, marami rin, e.

"Wala namang perpektong pagmamahalan at wala ring perpektong nagmamahal.

“Pero gaya ng sabi ko, ganoon talaga…

"Okay lang—it’s part of life na kailangang pagdaanan yata.”


MOVE ON. Hindi pa ba siya nakaka-recover?

“Hindi naman nakukuha yun nang biglaan, e.

"Siguro lang ano, let God heal everything.

“Ipinagpi-pray ko na lang na sana someday, mawala na yung extra grudges sa sarili mo—yung bigat na nararamdaman ko.”

Ang sinasabi ba niyang bigat ay dahil sa pagkakamali niya sa relasyon o kay Enzo, o dahil sa pagkakamali ni Enzo sa relasyon kay Louise?

“Bigat it’s more on… sinasabi nga nila na parang yung mahirap na part is reminiscing the memories.

“You once had it all, e.

"Parang once in your life, naging ganoon kaganda yung relationship mo, tapos ngayon wala na.

“Siguro iyon yung mabigat lang—it’s going back to the memories.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STILL HURTING. Open pa ba si Louise sa reconciliation?

“Yes naman, open ako for that.

"Pero siguro it’s better this way.

“At least, nakakapag-focus kami sa mga bagay na mas importante.

"And at the same time, naggu-grow kami na magkahiwalay.”

Ibig sabihin nito, hindi sila puwedeng ma-in love uli? Hindi pa muna siyang puwedeng ligawan?

Tugon ni Louise, “Hindi ko hinahayaan… ayoko.

"Siyempre, fresh pa lahat, e. So, ako, mas okay na akong sarado.”

Umiiyak pa ba siya kapag naiisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Enzo?

“Oo, hindi mo maiwasan, e,” pag-amin ng dalaga.


MUTUAL DECISION. Ano ba yung saturation point para desisyunan niyang makipaghiwalay kay Enzo?

“Kasi, kahit simpleng bagay, nagkakaroon kami ng misunderstanding.

“Parang iniiwasan namin na mas lumalim pa doon, kasi alam namin na bata masyado yung reason.”

Si Louise ba ang nag-initiate ng breakup?

Tugon niya, “Mutual… pareho.

"Hindi rin namin alam kung sino ang nag-initiate ng breakup. Hindi namin naramdaman.

“Kasi, pag nandoon ka sa sitwasyon, hindi mo na alam kung sino ang nag-initiate, e… it’s mutual talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN