Coleen Garcia ends relationship with Gab Valenciano: “Right now, I love him, I love his family, pero I don’t think I should be with him.”

Malaking dahilan kung bakit nagdesisyon sina Coleen Garcia at Gab Valenciano na tapusin na ang kanilang relasyon ay dahil sa pagpunta ni Gab sa Amerika upang mag-aral. Sabi ni Coleen, “Habang palapit nang palapit sa pag-alis niya, dun nagiging mas totoo, mas nagiging klaro yung reality. Mas nakikita namin yung reality na baka hindi talaga mag-work. Ayaw namin na dumating sa point na away na lang nang away, na maa-affect yung work namin."


Nauwi na sa breakup ang isang taong relasyon nina Coleen Garcia at Gab Valenciano.

Nakaalis na ng bansa si Gab kahapon, March 25, patungong Amerika para tapusin ang two-year music course sa Full Sail University sa Orlando, Florida.

Ngunit hindi nagpunta si Coleen sa despidida party ni Gab sa Polo Club kasama ang pamilya nito at malalapit na kaibigan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Coleen last week, kinumpirma nito ang estado ng kanilang relasyon ni Gab.

Saad niya, “Alanganin kasi he’s leaving and mahirap.

“I’ve never been in a long-distance relationship.

“Hindi kami pareho ng age, magkalayo ang age namin—24 siya and 20 lang ako.

“Pero we’re in the same stage of our lives na paangat pa lang kami, so mahirap yun.

“We’re both starting… paangat pa lang.

“Siya, matagal na siya sa showbiz, pero yung papasukan niyang career, iba.

“We’re just gonna pulling each other down if we don’t stop it.

“Mahirap na yung long-distance relationship as it is, pero paano kaya kung dagdagan mo pa na paangat pa lang, tapos showbiz pa? Paano kaya?

“Parang lahat ng hirap na puwedeng mangyari sa isang relationship, nangyayari sa amin ngayon, so parang mahirap i-continue kung ganun."

Patuloy ni Coleen, “Ngayon, malabo na talaga, maaaring mauwi sa breakup.

“Pero we are trying pa din, pero sa tingin ko kasi, sa ngayon, we are trying and trying.

“And he is leaving on March 25, so parang hindi niya pa alam kung kailan siya babalik.

“So, parang walang hangganan ang pagpunta niya sa States.


“Alam mo yung nalilito ka pa rin na breakup… yung parang ganun.

“It’s not super-super na, like, ‘Okay breakup, wala na.’

“Suguro it’s been a month… hindi naman one month, magwa-one month pa lang.

“Di siya totally break na di kami nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkakalabuan na kami for about one month. Medyo malabo-labo talaga”



IN DENIAL. Aminado si Coleen na noong una ay in denial pa sila sa maaaring kapuntahan ng relasyon nila sa pag-alis ng bansa ni Gab. Pero habang papalapit ang araw ng pag-alis ng boyfriend ay doon daw nila nakita ang reyalidad.

“Dati, sinasabi namin na, ‘That’s fine, everything is fine.’

“Bago pa naging kami, alam namin na aalis siya.

"Kasi years and years before he even met me, plano na niya talaga yun, dream na talaga niya yun.

“Not once na naisip ko na pigilan siya o habulin ang pangarap na yun.

“Kasi years ago pa yun, it’s long overdue, kailangan na niyang matupad.

“We decided to fight for it, fight for it…

“Habang palapit nang palapit sa pag-alis niya, dun nagiging mas totoo, mas nagiging klaro yung reality.

“Mas nakikita namin yung reality na baka hindi talaga mag-work.

“Ayaw namin na dumating sa point na away na lang nang away, na maa-affect yung work namin.

“Kahit papaano, may matitira pa ring respeto para sa isa’t isa at saka kung anuman ang mayroon sa amin, i-preserve na lang kaysa unti-unting nade-drain."

Sabi pa niya, “Actually, wala namang nag-decide na ‘let’s break up,’ dahil sa sobrang pressure na nilalagay sa relationship namin.

“So many factors, tapos showbiz pa, aalis siya, we will both have different goals…

“Sa sobrang daming pressure na nalalagay sa relationship namin, away kami nang away, so ayun.

“I think isang malaking factor yun na away kami nang away.”

BIGGER PROBLEMS. Hindi nga itinago ni Coleen ang naging madalas na away nila ni Gab, kung saan pabigat din nang pabigat ang mga problema nila.

“Hindi ganitong mga klaseng away, kasi yung away namin before…

“Kasi we get along so well, Gab and I get along so well talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman araw-araw, hindi naman sa palaging nag-aaway, pero pabigat nang pabigat yung mga away.

“Kasi habang lumalapit na yung day ng pag-alis niya, pabigat nang pabigat yung mga problema.

“Hindi mo na naiisip na, ‘Uy, aalis na siya, mami-miss ko siya.’

“Iniisip mo, ‘Anong gagawin niya pag nandun siya? Ano ang gagawin ko pag nandito ako?’

“Kasi ako, I always think of long-term, e. Di ako, ‘Ay, bahala na!’

"Iniisip ko talaga, ‘Paano kaya?’”

Nagkaroon ba siya ng fear na dahil malayo nga sila sa isa’t isa ay baka makahanap ng iba si Gab?

Pag-amin ni Coleen, “May ganun, hindi naman mawawala yun. Marami talagang naging problema.”

COMMUNICATION LINE. Dahan-dahan daw nilang pinutol ni Gab ang komunikasyon isa’t isa dahil naniniwala si Coleen na mas magiging mahirap kung patuloy pa rin ang pag-uusap nila nang madalas.

Pahayag ng young singer-actress, “Naka-ilang days na hindi kami nag-uusap, pero we’re in good terms naman.

“We’re in speaking terms. Pag kailangang mag-usap, nag-uusap naman.

“Pero yung texts, wala. Not so much na kasi aalis na siya.

“So mahirap if he keeps on holding on, I keep on holding on, so we’re preparing ourselves na lang.

“Katulad ng sinabi ko, we ended our relationship na ganito, peaceful, na parang mutually, kasi para nandun pa rin yung respeto.”

Mahal pa ba niya si Gab?

Sagot ni Coleen, “Hindi naman mawawala yun.

"Kasi when you love a person, hindi naman mahal mo lang siya dahil nandito siya sa buhay mo or kasama mo siya—you’re with the person.

“I love Gab, I love his family, I still care about them.

“Siguro kasi, with Gab, it’s different when you love someone and when you want to be with someone.

“Right now, I love him, I love his family, pero I don’t think I should be with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REFLECTION. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gab, sinabi nito na plano nila na susunod si Coleen sa kanya at doon na rin sa Amerika mag-aaral.

Pero hindi ito ang mangyayari.

Saad ni Coleen, “Kasi, first of all, I reflected on it.

“He’s doing this for himself.

“If kunwari kung magpa-priority list yung relationship, e, di hindi siya pupunta.

“But it’s not how it should be, dapat on the top of your priority list—next to God and to your family—is yourself.

“Go there and work on yourself.

“If I go there to the States, I’m not prioritizing myself, I’m prioritizing the relationship.

“Right here in the Philippines, I have a good life here, I have my family here.

“More importantly, than my own life, may pamilya ako who’s depending on me kahit papaano.

“Biglaan na lang ako aalis, biglaan ko na lang iiwan yun saka yung career ko?

“Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN, sa mga breaks na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko basta-basta iiwan yun.

“So he’s prioritizing himself and I’m prioritizing myself also.

“I’m gonna stay here.”

Pero sinabi rin ni Coleen na maganda ang pinagsamahan nila ni Gab, lalo’t marami siyang natutunan mula rito.

“It changed me also in a way.

“I think I’m more responsible, I think I’m more mature, I understand so many things better now.

“I stopped being a little girl now. Kailangan kong maging independent, I need to think independently also.

“Ngayon, I have to take care of myself na.”

NOT READY YET. Ngayong single ulit siya, inaasahan na maraming manliligaw sa kanya.

Pero sabi ni Coleen, “Agad-agad?

“When it comes to love kasi, walang timing, e.

“When the right person comes, nandiyan na, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even if the right person does come, paghihintayin ko siya ng kaunti.

"Kasi when I was in a relationship with Gab, parang marami naman akong na-improve sa sarili ko, pero I just feel that there are other things I need to do on my own na di ko magawa pag may boyfriend ako.

“Tatapusin ko muna yun, yung responsibilities ko, lahat ng kailangan kong gawin, para ma-improve ko ang sarili ko.

"When I’m stable in the future, pag sobrang stable na ako mentally, emotionally, career-wise, doon na.

“Alanganin, e, kasi hindi ka pa buong tao .

“Kasi ako, pag nagka-boyfriend ako, yung pakakasalan ko na. Hindi yung syota-syota lang, di ba?

“I’m not ready for that.

“It’s like saying, ’Are you ready to be with someone you’re meant to be forever, are you ready na to commit in that way?’

“Sa ngayon, not yet.

“Hindi sa hindi ako marunong mag-commit. Right now, marami akong kailangang gawin na hindi maiintindihan ng boyfriend.

“Kunwari, nagte-taping, 4 a.m. na nakauwi, tapos di ko siya nakakasama… yung ganun.”

Napapanood si Coleen sa It’s Showtime at Little Champ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN