Christian Bautista on leaving ABS-CBN and moving to GMA-7: "No bridges were burned."

Nang mag-expire ang kontrata ni Christian Bautista last year, nakatanggap daw ng parehong offers mula sa ABS-CBN at GMA-7. Pero sa huli ay mas pinili nila ang offer ng GMA-7. Sabi ni Christian, “Both of them were good offers. So, now, kailangan na lang isipin what will happen in the next stage in my life—personally and for my career as well. And then, you look at the two, and then you choose. It was a choice not by myself also, but my management, family, friends, ad


Ang nakaraang airing ng Party Pilipinas noong Linggo, March 24, ang unang live appearance ni Christian Bautista matapos siyang pumirma ng three-year exclusive contract sa GMA-7.

Siyam na taon na naging talent ng ABS-CBN si Christian, mula nang maging finalist siya sa Star In A Million kung saan ang nag-champion ay si Erik Santos.

Sa pocket interview na ipinatawag ng GMA Corporate Communications para kay Christian, na naganap sa isang function room malapit sa studio ng Party Pilipinas noong Linggo, kinumusta agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actor sa unang pagsalang niya sa Sunday musical-variety show ng Kapuso network.

Hindi ba siya nanibago sa kapaligiran at sa mga kasama niya sa show? Dati kasing lumalabas si Christian sa katapat na programa ng Party Pilipinas, ang ASAP ng ABS-CBN.

“Alam mo, hindi masyado,” tugon ni Christian.

“Kasi pagdating ko, na-realize ko, nakatrabako ko na nga pala almost everybody sa corporate shows, award shows.

"Yung mga banda, halos kilala ko nang lahat. Yun na lang mga new stars.

“Parang, ‘Wow!’ At home agad pagdating sa rehearsal at sa mga ibang events as well.

“So, nawala yung kaba.

“Ang nangyari, nandun yung excitement at yung happiness nandun.”

THE NEGOTIATION. Paano ba nangyari ang negosasyon sa pagitan niya at ng GMA-7? Paano siya nagpaalam sa ABS-CBN?

Sagot ni Christian, “Of course, it was a hard decision.

“I’ve been with ABS-CBN 2 for nine years… I mean, I’m in my tenth year now.

“Pero through different deliberations, meetings, and even prayer, nag-show talaga yung right options.”

Nagkaroon ba ng counter-offer ang ABS-CBN?

Sagot ni Christian, “Of course, we met both parties.

“Pero naging at peace ako when we all decided—my management, my family even—that the best move for me in my stage right now and my life is with GMA-7.

“I formally went to ABS one last time and I said goodbye to my ASAP family and they were emotional because most of them are my friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then I went to see Ma’am Charo [Santos-Concio], Ma’am Cory [Vidanes], Direk Lauren [Dyogi] to say goodbye.

“And they appreciated it… it was done the right way. No bridges were burned.”

Sabi pa niya tungkol sa mga taga-Kapamilya network, “Salamat po sa pag-buildup sa akin through these years and thank you po for everything.”

Noong isang taon pa raw natapos ang kontrata ni Christian sa ABS-CBN kaya hindi naging problema ang paglipat niya sa Kapuso network.

NEXT DIRECTION. Isa ba sa rason ng pag-alis ni Christian sa ABS-CBN ay dahil hindi siya mabigyan ng acting project, na gusto niyang i-pursue this time?

Tugon ng balladeer, “Ayoko kasing gamitin na yun ang reason kasi binibigyan din naman ako ng roles, ‘no?

“Pero ngayon… it’s not an easy answer. There’s no one, two, three that’s why I moved.

“It’s a lot… pero to give some, for example, ano ba yung the next direction namin ngayon in my personal career?

“One is I want to be build more sa Asia. Mas mapalakas pa sa Indonesia.

“And who has a franchised Filipino show in Indonesia? Eat Bulaga!.

“So, Eat Bulaga! has franchise there. I went there twice already—Eat Bulaga! Indonesia.

“I believe if I can develop a good relation in Eat Bulaga Philippines and Indonesia, two markets agad. Magiging okey agad ang exposure ko."

Dagdag niya, “Saka, kasama na rin po yung acting.

“I’d love to explore iba’t ibang roles po na hindi ko pa nagagawa, since I’m more of singer.

“So, it’s a challenge sa akin. I’m more of a stage actor.

“So, I’m more challenged na ibalik ko yun uli, yung acting for TV and film.

“Hopefully, I will do a good job.”

Sa ngayon, Party Pilipinas muna ang lalabasang show ni Christian sa GMA-7, at sa susunod na linggo ay ilalatag na sa kanya ang iba pa niyang gagawin sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang naging laman ng pakikipag-usap niya sa GMA-7 at pumirma siya ng three-year contract dito?

Sabi ni Christian, “I will have shows for hosting, acting. Of course, for singing.

“Another is I want to be part of a show that will help my organization that I’m helping—that’s World Vision or Operation: Blessing.

“So, doon na puwedeng pumunta rin to charity.

“Ngayon kasi, after ten years, I wanna give back also… something different.”

ABS-CBN OFFER VS GMA-7 OFFER. Pinigilan ba siya ng ABS-CBN sa pag-alis niya?

“Very hard question!” bulalas ni Christian.

Pero dugtong niya, “I don’t want to say… ayokong gano’n.

“There were both offers. Both of them were good offers.

“So, now, kailangan na lang isipin what will happen in the next stage in my life—personally and for my career as well.

“And then, you look at the two, and then you choose.

“It was a choice not by myself also, but my management, family, friends, advisers.

“So, ang lumamang is the GMA because yun ang nag-align sa the plan of my life as well.”

Hindi ba kasama sa naging deciding factor malaking talent fee na offer ng GMA-7?

“Sabihin na lang nating yes!... Hindi!” bigla niyang bawi sa nasambit.

“Pero ano… siyempre it’s part of it.

“Pero everything is ano, e… So please don’t write na I chose the money, I’m gonna die!

“So, never will I put money about my choice. Hindi po kasama yun.”

Paglilinaw ni Christian, may offer din naman ang ABS-CBN sa kanya to renew his contract sa istasyon.

Pero noong nalaman daw ng GMA-7 na nag-expire na ang kontrata niya sa Kapamilya network, agad daw na nag-alok ang Kapuso network.

“Yun nga, when GMA heard na my contract expired, again, they offered.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘We heard your contract has expired.’ Tapos, ‘Can we offer again?’

“Kasi this is the second time that GMA-7 offered. Kasi they offered na before.”

Ayon kay Christian, ang unang offer ng GMA-7 sa kanya ay nangyari dalawang taon na ang nakararaan.

Noong nalaman ba ng ABS-CBN na may offer ang GMA-7, nag-counter-offer ba ito sa kanya?

“Hindi kasi kami ganun na, ‘O, may offer kami, meron ba kayong offer?’ Hindi kami ganun.

“So, parang, ‘Ano pong offer ninyo? Okey…’

“Tapos, kami na yun. Kami na magdi-discuss.

“Hindi yung, ‘Eto po yung offer nila, ano po yung maibibigay ninyo? Eto po yung sa kanila.’

“Ayoko ng ganun.”

Nagkaroon din ba siya ng offer sa TV5?

“Before, for Kanta Pilipinas. It did not fit the proper time lang talaga.”



FREEDOM. Puwede bang masabing magkakaroon siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya pagdating sa kanyang career kaya siya pumirma sa GMA-7?

Sagot ni Christian, “May collaboration po kami na puwede naming gawin. More on collaboration, not necessarily force-demand… collaboration po.

“We suggest and they can suggest and, hopefully po, we can meet halfway and then we can produce something.”

Iba ba ito sa kontrata niya noon sa ABS-CBN?

“Well, iba rin kasi yung… the channels have different systems. We gotta understand both systems.

“We actually… hindi siya gano’n kadali, e. It’s not one, two, three, e. Meron pa siyang relationships, meron pang other factors.

“Yun nga, I did not choose the better contract.

"Yun nga, the better direction for my life. Something like that.”



MEETING THE GMA EXECUTIVES. Ikinuwento rin ni Christian ang karanasan niya nang ma-meet niya ang bosses ng GMA-7.

Ramdam daw niya agad ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.

“Na-meet ko sina Mr. Gozon, Mr. Duavit… ‘Thank you, thank you!’

“Ang sarap! Ang sarap ng feeling. ‘Thank you for being here!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa bigla si Christian nang sabihin naming hindi ba niya ito naramdaman noong pumirma siya ng kontrata sa ABS CBN?

Sabi niya, “A, ayokong i-compare. I don’t wanna burn bridges.

“Kasi I felt that too when I said goodbye kina Ma’am Charo, Ma’am Cory and Direk Lauren… when I formally said goodbye to them.

“’Christian, we thank you.’ And sabi niya, ‘We’re grateful that you did it the right way na you talked to us.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN