Christian Bautista on singing again with ex-girlfriend Rachelle Ann Go: "Parang bumalik yung dating feeling..."

Hindi raw maikukumpara ni Christian Bautista ang kasikatan niya sa Indonesia at dito sa Pilipinas. Paliwaang niya, "I’m popular there as a foreign artist. Dito, I’m popular as a local artist. When an international artist is here, iba naman yung… alam mo yung ibang level pag popular local artist ka versus a popular international artist? It can’t be compared.”


Isa sa mga nagpakulay ng unang appearance ni Christian Bautista sa Party Pilipinas noong Linggo, March 24, ay ang hiyawan ng live audience nang mag-duet sila ni Rachelle Ann Go, na isa sa mainstays ng show.

Maliban sa pagiging dati ring Kapamilya at regular na lumalabas noon sa ASAP, naging girlfriend ni Christian si Rachelle.

Kaya naman nagkaroon ng biruan at kiligan sa Party Pilipinas nang muli silang magkaharap.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian kung magkakabalikan ba sila ni Rachelle Ann as singing partners.

“As singing partners? Korek!” sagot niya.

“Kanina, ang galing! Na-miss ko na naman siya.

“Ako rin nagulat. Kasi dati, we’ve doing that for so many years before. Tapos, nagkaroon ng pause.

“Pagbalik, parang bumalik yung dating feeling pag kumakanta kami on stage… talagang wow! Ang sarap!

“Hindi lang sa amin kasi yun, e. Everyone feels it, e.

“Pag meron kayong energy on stage, everyone feels it, at nakita yun ng tao, na-feel ng mga tao.”

First time ba nila ni Rachelle na magkausap uli?

“No, kami namang Champions, hindi naman kami naghiwalay, e.

“Minsan kakain kami sa labas nina Sarah [Geronimo], Rachelle, Erik [Santos]… minsan si Jimmy [Marquez], Kris [Lawrence].

“Hindi kami nag-go around the way. Pag Christmas, nagkikita kami.”

Hindi ba nainggit si Erik dahil naiwan ito sa ASAP?

“Nagpaalam ako sa kanya because he’s a good friend.

“And he texted me today, ‘Congratulations on your show, God bless you.’

“Si Sir Gary [Valenciano], nag-tweet kanina, ‘Let your light shine.’

“Talagang yung mga friends namin sa ABS, hindi na rin mababali yung mga bonds namin.

“So, I’m in good hands and I believe the Lord will take care of me wherever I go.

“Doon naman po ako umaasa.”



CARLA DUNAREANU. Ano naman ang naging reaksiyon ng girlfriend ni Christian na si Carla Dunareanu, na naka-based dati sa Singapore pero dito na naninirahan sa Pinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She supports me in everything that’s why she’s so amazing.

"She knows my loveteam with Rachelle Ann and she understands.”

Hindi niya ba naisip na mali-link sila uli ni Rachelle ngayong magkasama na naman sila sa iisang programa?

“Ngayon pa lang nga nali-link na kami… na-link na nga talaga!

“Pero she’s [Carla] okay with it.

“Talagang pinag-usapan namin and she’s open about it.

“Kasi actress na rin siya, e.

“So, she just finished Repertory play na Boeing Boeing. So, she was kissing all these guys.

“Kasi she’s a flight stewardess in love with two men. So, it’s part of the job.

“She did a very good job.

“If you catch Repertory Philippines, Boeing-Boeing, ang galing niya dun.”

Hindi lang pag-arte ang pinasok ng kasintahan ni Christian kundi isa rin itong DJ sa Magic 89.9.

May plano na ba siyang pakasalan ang kasintahan?

“Sa ngayon, wala pa,” sagot ni Christian.

“Ngayon, it’s a new stage in my life. Siguro I want to get the feel of it.

“Yun din yung… okay, pagdating ko kanina [sa Party Pilipinas], kahit kakilala ko na sila, I’ve got to feel the system.

“Anong system? Meron palang Team A, Team B. Tapos kumusta na yung rehearsal practice? ’A, ganun pala yun.’

“Marami rin akong kailangang matutunan.”



PRINCE CHARMING. Sa isang interview, sinabi ni Christian na gusto niyang makasama sa isang teleserye si Marian Rivera.

Kinumpirma naman ito ng singer nang usisain ng PEP tungkol dito.

Pero aniya, “Yeah, well, of course, I don’t wanna force it. Dapat may pinagbabagayan.

“Ngayon nga, I’m gonna go to Resorts World kasi I’m gonna be Prince Charming for Cinderella in November-December.

“Now, I’m gonna meet every Cinderella. And I have to sing all of... kasi para ma-feel yung ano…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung chemistry, I have to feel it, e. If you pair people, merong chemistry, merong wala.

“Alam ko po final casting na. I was casted already for sure as Prince Charming.

“Imagine, from Rama Hari to Prince Charming naman for Cinderella.”

Paano yung appearances niya sa shows ng GMA-7, lalo na sa Party Pilipinas, ngayong may musical play pala siya bago matapos ang taon?

Sagot ni Christian, “Yun nga po, before the negotiation started, they knew about it.

“Mga thirty shows po yun. Two to three shows po yun.”

Dugtong niya, “Pero nagawa ko na po yun nung nag-West Side Story ako, meron din akong ASAP dati.

“Dun na ako sa first few numbers and then I fly.”



CAREER IN INDONESIA. Pagdating naman sa career niya sa Indonesia, ibinalita ni Christian na katatapos pa lang niyang i-launch ang kanyang album doon at babalik siya doon para i-promote ang kanyang project.

Ito yung First Class na inilabas na rin niya dito sa Pilipinas, at sa mga susunod na buwan ay ipu-promote naman niya ito sa Indonesia.

Ayaw magyabang ni Christian nong sabihin niyang “sakto lang” ang kasikatan niya sa Indonesia at hindi naman daw siya superstar na matatawag dun.

Iba ba ang kasikatan niya dun kaysa dito sa Pilipinas?

“Iba, e. I’m popular there as a foreign artist. Dito, I’m popular as a local artist.

“When an international artist is here, iba naman yung… alam mo yung ibang level pag popular local artist ka versus a popular international artist?

“It can’t be compared.”

Ayon kay Christian, 400 million ang market ng Indonesia at pang-lima sa pinakamalaking populasyon sa buong mundo.

THE SABAH CONFLICT. Bukod sa Indonesia, kilala rin si Christian sa Malaysia.

Kaya binanggit namin sa kanya ang alitan sa pagitan ng Pinoy Muslims versus Malaysian troops sa Sabah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya tungkol dito, “Oo nga, gusto ko ngang pumunta doon. Peace!

“Meron akong… mahirap din kasi ito, e.

“Kasi minsan may mga pumupunta doon, ginagamit lang yung issue para sumikat, ayoko naman ng ganon.

“Pero if I’m needed… if only I’m needed.”

Dagdag niya, “Ako, I am for peace, I am for peace.

“I hope that they will solve properly the right way.

“I don’t wanna choose side.

“Ako, as a musician, I’m friends with Kapuso, Kapamilya, at Kapatid.

“I don’t draw lines.

“When I work, I work.

“And when I’m out of work, you’re all my friends, you’re all my family, my brother, my sister, my mother, my dad.

"So, mas ganon ang outlook ko sa buhay.”

Seryoso ba siyang pumunta ng Sabah?

“If I can help, why not? Pero if I push it for my own publicity, huwag na lang.

“If I can help, yeah, why not?”

Nasa dugo raw talaga nina Christian ang pagiging palaban at matulungin para sa ikabubuti ng marami.

Banggit niya sa kanyang family tree, “Ang lolo ko, justice ng Court of Appeals.

“Yung great grandfather ko, si Liserio Bautista, general of the revolution. Meron sa dugo namin.”

HOLY WEEK IN HONG KONG. Kabilang si Christian sa mga celebrity na lalabas ng bansa para magbakasyon ngayong Holy Week.

Sa Hong Kong ang kanyang destinasyon.

“Parang... eye of the storm? When everything else starts rolling down, mag-relax muna and then find peace and then ano na... and then let’s go!

"Dire-diretso na,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN