Sunshine Cruz poses for FHM again after separating from husband Cesar Montano

Pagkatapos ng 13 years ay muling nagbabalik si Sunshine Cruz bilang cover girl ng men’s magazine na FHM. Si Sunshine ang kauna-unahang cover girl ng FHM nang ilunsad ito noong 2000.


Hindi napigilan si Sunshine Cruz na muling magpakita ng kanyang seksing katawan para sa April 2013 issue ng FHM magazine.

Matatandaang si Sunshine ang kauna-unahang cover girl ng FHM Philippines noong i-launch ang magazine thirteen years ago.

Ang pagku-cover na ito ng comebacking actress ay nagsilbi ring reunion ng FHM at ni Sunshine, na tinalikuran ang pagpapa-sexy noong magpakasal siya kay Cesar Montano noong September 2000.

Ipinost kaagad ni Sunshine sa kanyang Twitter at Instagram accounts na @sunshinecruz77 ang kanyang pictorial with Doc Marlon Pecjo para sa FHM.

Unang lumabas ang sexy pictures ni Sunshine sa website ng FHM kahapon, Tuesday, March 26.

Ngayong araw, March 27, Wednesday, naman ay available na ang naturang magazine sa bookstores at newsstands.

Pinatunayan ni Sunshine na sa kanyang edad (35 years old) at kahit may tatlo na siyang anak, hindi pa rin nagbabago ang kanyang pangangatawan.

Sa labintatlong taon na pagsasama nila ni Cesar ay inalagaan niya ang kanyang katawan, kahit na halos magkakasunod ang edad ng kanilang mga anak.

REVIVING HER CAREER. Ngayong hiwalay na siya kay Cesar, nagdesisyon si Sunshine na maging active ulit sa showbiz.

Ang huling regular TV show na ginawa niya ay ang Marina sa ABS-CBN noong 2004.

Nagkaroon din siya noon ng guest role sa mga series na Lastikman (ABS-CBN), Palos (ABS-CBN), Asian Treasures (GMA-7), at Ilumina (GMA-7).

Kailan lang ay nag-guest siya sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Nakapag-taping na si Sunshine para sa bagong series ng Dos na Dugong Buhay, kunsaan bida si EJ Falcon.

Sabi ni Sunshine sa panayam sa kanya ng TV Patrol kamakailan, “I’m very honored and thankful to ABS-CBN dahil nandito ulit ako.

“It’s been a while. Masaya ako at excited.

“At the same time, of course, nandoon yung nerbiyos.”



FHM COVER. Katulad din daw ng nerbiyos na naramdaman niya sa first day taping ng Dugong Buhay ang ginawang pictorial ulit ni Sunshine for FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa summer edition cover ng FHM, ipinasuot kay Sunshine ang isang black one-piece bathing suit.

Saad ng aktres, “At first I couldn’t imagine myself doing a sexy pictorial again.

“But at the same time, I’d like you to know that I was really excited to do this cover.

“Matagal din naman talaga akong nag-lie low, thirteen years nga to be exact.

“I’m very honored you never stopped asking me back, kahit may tatlong kids na ako,” sabi ni Sunshine sa kanyang interview with FHM.



CESAR’S REACTION. Hinihintay naman ng marami ang magiging reaction ni Cesar Montano tungkol sa pagku-cover muli ni Sunshine sa FHM.

Noong magkaroon sila ng relasyon at magpakasal, pinagbawalan na ni Cesar si Sunshine na magpa-sexy sa pelikula at magazine covers.

Sumisikat pa naman noon si Sunshine bilang isang sexy star pagkatapos nitong magbago ng image at pumayag na magpa-sexy via Virgin People 2 noong 1996.

Nasundan ito ng Lihim Ni Madonna (1997), Ang Kabit Ni Mrs. Montero (1999), at Ekis (1999).

Sa pelikulang Bullet noong 1999 unang nagtambal sina Cesar at Sunshine. Niligawan agad siya ni Cesar at ikinasal sila a year after.

May isang sexy movie na nasimulan si Sunshine with Jay Manalo titled Dukot Queen.

Pero dahil sa pinagbawalan na nga siya ni Cesar na magpa-sexy, na-shelve na ang project at balitang binili pa ni Cesar ang mga nakunang mga eksena ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN