Matet de Leon describes work experience with Marian Rivera: “Alam naman niya kung sino ang nanay ko, at ma-respeto naman siya.”

Hindi aware si Matet de Leon sa pagiging emosyonal ni John Lloyd Cruz noong nakaraang presscon ng It Takes A Man and a Woman. Bulalas niya nang pabiro: “Arte niya... Wala naman akong napansin… Baka nga pagod na.” Kasama sa cast ng pelikula ang aktres.


Tulad ng nakagawian ni Matet de Leon, makakasama niya ngayong Holy Week ang asawang si Mickey at dalawang anak na sina Mikka and Mishka.

“Dito lang sa house,” sabi ni Matet nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, noong Tuesday, March 19.

“Hindi kami nag-a-outing ‘pag Holy Week. ‘Yan ang turo ni ‘ermats’ [mother Nora Aunor] ... Oo naman...” sabi ni Matet.

Happy si Matet sa naging tagumpay ng mommy niya sa nakaraang Asian Film Awards (AFA), kung saan nanalong Best Actress si Nora, para sa Thy Womb.

“Oo naman. Si Mommy pa... proud kaming magkakapatid sa kanya,” simpleng tugon ni Matet.


ON JOHN LLOYD. Tamang-tama naman ang bakasyon ngayong Semana Santa dahil tapos na ni Matet ang It Takes A Man and a Woman, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Last installment na ito ng nasabing pelikula ng John Lloyd-Sarah team-up.

At muli, si Matet ang gumaganap bilang si Zoila, ang editorial assistant ng magazine na pag-aari ng pamilya nina Miggy Montenegro (John Lloyd).

Naging empleyado rin dito si Laida Magtalas (Sarah), bago sila naging mag-on ni Miggy.

Inusisa namin siya tungkol sa pag-iyak ni John Lloyd sa presscon ng It Takes A Man and a Woman.

“Arte niya...” birong komento ni Matet.

“Bakit daw umiyak?

“Wala naman akong napansin… Ang saya-saya nga namin noon, noong Sabado [March 16] lang kami natapos o Linggo ng umaga, nakauwi ako, umaga na, 10 a.m.

“Baka nga pagod na [si John Lloyd],” naisip ni Matet.


ON MARIAN. Bukod sa It Takes A Man and a Woman, kasali rin si Matet de Leon sa cast ng My Lady Boss, ang co-production ng GMA Films at Regal Films.

Sa My Lady Boss, si Marian Rivera ang female lead, kasama si Richard Gutierrez. Ang pelikula ay sa ilalim ng direksiyon ni Jade Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli, inusisa namin siya tungkol sa work experience niya kay Marian.

Para kay Matet, “Okay naman siya [Marian]. Wala namang naging conflict.

“Alam naman niya kung sino ang nanay ko, at ma-respeto naman siya,” ang banggit ni Matet.

Sa TV, bahagi rin si Matet ng kasalukuyang itini-tape na Huwag Ka Nang Mawawala, na dating Against All Odds, para sa ABS-CBN.

Sina Judy Ann Santos at Sam Milby ang mga bida sa kuwento ng HKNM.

“Baka April pa ang airing noon,” sabi ni Matet.

Halos magkasunod ang playdates ng dalawang pelikulang kinasasalihan niya.

And since start na ng airing ng teleserye, magiging busy si Matet sa mga susunod pang buwan.

“Thank you naman. Blessing talaga yun, kaya laki ng pasasalamat ko sa Diyos,” wika ng minsan ay tinaguriang child wonder.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN