PEPtalk. What do Kakambal Ni Eliana lead stars — Enzo Pineda, Lexi Fernandez and Kristoffer Martin — think of their characters?

(L-R) Enzo Pineda, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin and Kim Rodriguez (not in photo) star in the upcoming afternoon-prime drama series on GMA, Kakambal Ni Eliana. (CLICK HERE to watch their PEPtalk episode)


Para sa 12th episode ng PEPtalk, ang lead stars naman ng pinakabagong GMA-7 afternoon-prime serye na Kakambal Ni Eliana ang nagpaunlak ng aming imbitasyon para mag-guest.

Noong March 21, maagang dumating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) office ang tatlo sa pangunahing mga tauhan ng show— sina Lexi Fernandez, Enzo Pineda, at Kristoffer Martin.

Malugod silang sinalubong ng PEP staff at ng PEPtalk hosts na sina Nerisa Almo, PEP senior staff writer at Kathleen Benavidez, staff writer.

Naging masaya ang interview kina Lexi, Enzo, at Kristoffer dahil sa biruan at kulitan ng tatlo mapa-on- or off-cam. Kaya masasabi ngang medyo nabitin ang PEP sa kanilang pagbisita.

Kabilang sa mga napag-usapan sa unang bahagi ng PEPtalk interview sa kanilang tatlo ay ang roles nila sa Kakambal Ni Eliana.


CHALLENGING ROLES. Sa umpisa ay tila hindi makapag-decide sina Enzo at Kristoffer kung sino sa kanila ang mauunang magkuwento tungkol sa roles nila sa bagong GMA-7 show, kaya si Lexi na ang nanguna.

“Ang role ko dito, si Margarita. Ako ang magpapahirap sa buhay ni Eliana na si Kim,” kuwento ni Lexi.

Neri: “So, Lexi, since nasabi mo na makakalaban mo si Kim dito, ano yung... paano magiging kakaiba ’to sa mga naging role mo na kontrabida?”

Lexi: “Siguro, ito yung mas mature type na kontrabida. Hindi na siya yung pa... alam mo yun? Yung ang umaarte-arte lang, yung walang magawa kaya masama.

“Ito talaga, medyo may depth na yung pagka-kontrabida niya."

Neri: “So, paano mo pinaghahandaan? Do you get advice from your mom [character actress Maritoni Fernandez] na, di ba, nagkokontrabida rin?”

Lexi: “Oo naman. Kapag may hindi ako maintindihan na eksena, kung paano ko aatakihin, sasabihin niya yung mga ideas niya. Ganun lang naman. Pero other than that, I just study the script.”

Tinanong din ng PEP senior staff writer kung ayos lang ba kay Lexi kung malinya siya sa mga kontrabida roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sagot ni Lexi, “Ayos lang naman.”

“Yung maganda naman kasi sa GMA, hindi lang... per show it’s different. Hindi siya masyadong pare-pareho lang yung ginagawa ko…

“Like in Magdalena, it’s so different from this show so nakaka-excite."

Neri: “Sa nakikita ko, iba talaga yung character mo now sa personal, no?”

Pabirong hirit ni Kristoffer, “Magaling lang talaga siya umarte! Hindi, joke lang…”

Neri: “So, Enzo at Kristoffer, ano yung mga roles nyo?”

Kristoffer: “Ako dito si Gabo. Ako yung parang unang makikilala dito ni Eliana, ni Kim.”

“Wow!” hirit ni Lexi, sabay tawa.

Kristoffer: “Yun naman talaga, e…”

Enzo: “Ako kaya yun nung bata pa [yung characters].”

Kristoffer: “A, o sige, siya yung una… Never mind!”

“Ay, hindi nagbabasa ng script,” biro ni Lexi.

“Nanggulo lang ako, e,” hirit naman ni Enzo.

Kristoffer: “Hindi, parang ako dito yung ano... batang kalye, siga. Pero once na makilala ko si Eliana, once na makilala ko siya, paunti-unting lumalambot.

“Kumbaga, nai-in love ako sa kanyang ganun. So, yun... complicated kasi ng character ko, e.”

Hindi pa man nakakapagtanong ng follow-up question ang mga PEPtalk host ay agad nang sinagot ni Kristoffer ang katanungan kung may challenge ba sa pagganap niyang muli ng ganitong klaseng character.

Kuwento ni Kristoffer, “May challenge naman. Kasi ano, e, hindi ko na maano, kasi ilang beses na rin akong gumaganap ng ganito na mahirap, batang kalye, nai-in love.

“Pero sa akin, ang challenge sa akin, parang different attack.

“Kumbaga, paano ko aatakihin na mas iba kaysa sa mga past roles ko.”

Kathleen: “Kristoffer, di ba nagka-work na kayo ni Kim sa Oros at saka sa Tween Hearts? Ngayon ba mas masasabi mong mas kumportable na kayong magka-work together?”

Kristoffer: “Siguro na-build up yun nung nag-workshop kami. Kasi nung Oros naman, ’tsaka yung ano [Tween Hearts], nag-uusap kami pero may ilangan. Siyempre bago, hindi kami masyadong magkakilala, parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, may pagka-anti-social, hindi naman. Pero mas na-buildup siya nung nag-work kami at saka nag-start na magtaping.

“Mas nakikilala ko na siya at mas nakikilala na rin niya ako.”

Neri: “Ikaw, Enzo, ano naman ang character mo?”

Enzo: “My character here is Julian…”

“Tagalog-speaker tayo,” hirit ni Kristoffer.

Enzo: “Okey, magta-Tagalog ako… Ang character ko po ay pangalan ay si Julian.

“Isa akong fashion photographer na siguro seryoso, tahimik, at I express myself through photography.

“’Tapos girlfriend ko dito si Lexi, ’tapos nung nakilala ko si Eliana, mai-in love ako kay Eliana. So, parang ganun yung mangyayari sa story.”

Kathleen: “Bilang leading men ni Eliana, meron bang competition sa inyong dalawa?”

Kristoffer: “Wala, actually hinihingi nga namin na kami [ni Enzo] magkatuluyan [sa Kakambal ni Eliana], e.”

Enzo: “Sa DOTA lang…”

Neri: “Pero dun sa characters nyo magkakaroon ng conflict?”

Enzo: “Yes…”

Kristoffer: “May rivalry…”

Neri: “Kanino mas malapit si Kim?”

Kristoffer: “A, abangan nyo ’yan. Yun yung dapat nyong abangan.”

“Kasi hindi pa nasusulat…”

Enzo: “Wala pa yung script, e. So parang…"

Neri: “Pero dun sa characters nyong dalawa, sino yung good guy, sino yung bad guy?”

Enzo: “Parang wala pa…”

Kristoffer: “Kasi, actually, parehas kaming mabait, e. Walang masama, walang kontrabida sa aming dalawa. Siya [sabay turo kay Lexi].”

Enzo: “Siguro siya lang [turo rin kay Lexi]. Pero mas makulit si Kristoffer kaysa sa akin.”

Kristoffer: “Yung character, ’tapos mas maangas yung character ko, kasi ano, e, batang-labas.”

Tinanong din ng PEP hosts kung paano makukuha ng dalawang leading man ang puso ni Kim sa Kakambal Ni Eliana.


Saad ni Kristofer, “Kasi ako nag-start na ako kay Kim [mag-taping].

“Siguro, mga two tapings na kaming ano… Kasi parang pag sinabi ko, parang na-spoil ko na, e. Basta may isang situation na mangyayari at nandun ako para iligtas siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, dun kami mag-start.”

Kuwento naman ni Enzo, “Kami naman ni Kim, parang magkakabanggaan kami, ’tapos bigla na lang siya maa-attract sa akin. Kasi nakasulat dun [sa script], ‘Pogi,’ e. Nakasulat ‘pogi,’ e.”

Hindi napigilang mapangisi nina Kristoffer at Lexi nang sabihin ito ni Enzo.

Enzo: “’Tapos ’ayun, mai-in love siya dahil nakilala ko na siya dati, ’tapos maaalala ako ni Kim.

“Siyempre, magaling ako na photographer. So, matutuwa siya, kasi maganda yung pictures niya.”

Neri: “So, parang magkakaroon ng ano [rift] with [Lexi’s character]?”

Lexi: “Dun nga papasok yung parang kontrabida talaga ako…”

REAL-LIFE RIVALRY. Tinanong ng PEPtalk host na si Kathleen kung meron nga bang real-life rivalry sa pagitan nina Kim Rodriguez at Lexi Fernandez, dahil naunang nabigyan si Kim ng title role kaysa kay Lexi na mas naunang pumasok sa showbiz industry.

Sagot ni Lexi, “No, there’s no issue naman. Kasi para sa akin, feeling ko yung... yung feeling ko naman parang it just depends on the role, on the show, on the concept, and kung nababagay sa artista.

"So, wala naman issue na yung Kakambal [Ni Eliana], wala naman…

“’Tsaka masaya naman ako sa lahat ng shows ko at basta mai-deliver ko yung best ko, okey na ako.”

“Galing! Kanina pa niya nire-rehearse ’yang line na ’yan,” biro naman ni Kristoffer pagkatapos sumagot ni Lexi.

Kathleen: “In the future, gusto mo rin bang magkaroon ng lead role?”

Lexi: “Of course naman, sino naming hindi? Pero I’m in no rush naman.

“I know, alam naman ng GMA kung kelan darating yun, kung if ever there is the right project, ganun.”

Dagdag pa ni Enzo, “At saka kontrabida is a lead role…”

Lexi: “Yes, it’s not ‘not’ a lead role. I’m very happy...nakaka-excite. Actually, nakaka-excite talaga itong project na ‘to because it’s original, it’s fresh. So, nakaka-excite.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRESH AND ORIGINAL. Gaya ng sabi ni Lexi, ano nga ba ang kaibahan ng Kakambal Ni Eliana sa ibang fantaseryeng nagawa na ng GMA?

Pagmamalaking sagot ni Enzo, “Siguro yung mga characters namin. Kasi, let’s say, for me, wala pa namang character na fashion photographer sa mga teleserye. So, it’s kinda unique.

“Si Lexi, model. Si Kristoffer iba yung pagka-tambay niya…”

Dagdag pa ni Lexi, “It’s different for everyone.”

Sa pagtatapos ng unang bahaging ito ng PEPtalk, tinanong naman sina Enzo, Lexi, at Kristoffer kung posibleng mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa.

Ang kanilang sagot, abangan sa susunod na bahagi ng PEPtalk with the Kakambal Ni Eliana cast.

CLICK HERE to view photo gallery of their PEPtalk visit.

CLICK HERE to watch their PEPtalk episode.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN