Alden Richards: "Never get tired of learning, especially sa acting."

Ngayong Holy Week, ano ang planong gawin ni Alden Richards? Sagot ng Kapuso heartthrob: "Kasi yun lang yung time ng year na makapag-reflect ka on what has been done these past years... time na mag-evalute sa mga natanggap mong blessings, the hardships, the challenges na dumating sa buhay namin, sa akin."


Maganda ang ratings ng bagong primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo Ay Akin, na pinagbibidahan ng tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Kapag gagamitin ni Alden sa isang sentence ang titulo ng kanilang teleserye, ano kaya ang salitang mabubuo nito?

Sagot ni Alden, “Mundo Mo Ay Akin dahil mahal kita.”

Sa teleserye, gumaganap bilang ina-inahan ni Alden si Jolina Magdangal. Hindi ba naiilang ang young actor na hindi naman masyadong magkalayo ang edad nilang dalawa para maging ina niya si Jolina sa isang soap?

Di nga ba’t ang palayaw ni Jolina na Jolens ang tawag pa ni Alden sa actress/singer?

Saad ni Alden, “Parang, siyempre, meron po akong reservations kasi si Jolens, bata pa.

“And then, ang dating po ay batang-ina sa akin.

“E, ako naman, sa serye, ay adopted lang naman niya ako.

"Pero excited naman po ako na maka-work siya, and gusto ko po maipakita sa kanya kung ano pa yung kaya kong ibigay pagdating sa acting.”



BE MORE INNOVATIVE. Ano ang isang malaking bagay na naipayo sa kanya sa pag-arte na nagmarka sa utak niya?

Seryosong sagot ni Alden, “Never get tired of learning, especially sa acting.

“Every single day, you find time to reinvent yourself kasi ampangit naman na arte ka lang nang arte—the same thing [lagi].

“Sasabihin ng mga viewers, ‘Ay, si Alden na dati ‘yan, nakita na namin ‘yan.’

“So, yun yung trabaho namin as an actor—to be more innovative on our craft and to exert more hard work and galingan lagi sa acting.

“Every role has something to be different; every role has to be something new, a new phase of Alden.”



ANNE CURTIS AND HEART EVANGELISTA. Pagdating sa mga gusting tularan, hayagang sinasabi ni Alden na si John Lloyd Cruz sa ABS-CBN at si Dingdong Dantes naman sa GMA-7 ang mga gusto niyang sundan ang yapak pagdating sa kanilang karera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At wish din niya na makatrabaho ang dalawa in the future.

Sa mga leading ladies naman, sino kaya ang nasa isip niya at pangarap na makatrabaho?

Nakangiting wika ng 21-year-old Kapuso actor, “Sana, si Anne Curtis, given a chance.

“And sana pakinggan ng Diyos at ng network ang dasal ko... sana po.

"And I know libre namang mangarap.”

If ever na darating yung pagkakaton na yun, anong klaseng tema ng pelikula kaya ito?

Tugon niya, “Romantic, horror, action, drama—all those four pagsamahin sa isang project. Very exciting, very new.”

Kung pangarap niyang una si Anne, ang kapwa naman niyang Kapuso na si Heart Evangelista ay nagpahayag sa isang panayam na isa sa mga gusto niyang makatrabaho si Alden.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Alden, “Narinig ko nga po ‘yan… Of course, flattered and talagang honored kasi hindi ko naman po ini-expect na it’s coming from the mouth of Miss Heart Evangelista—one of the most beautiful girls in the business, talented…

“And talagang I hope so, na maka-partner din po si Miss Heart sa isang project.

“And I’m really looking forward na maka-work siya lalo na now she has already renewed her contract sa GMA, so there might be a chance.

“And sana po magkaroon ng chance na magka-partner kami.”

Dati ba ay crush na niya si Heart?

“A, what’s not to like kay Heart, di ba? Beautiful, talented, good family, so yun po.”

Naramdaman ba niyang “he has arrived” sa industriya dahil isa ang pangalan niya sa mga nabanggit ni Heart?

Nahihiyang sagot ni Alden, “Naku, hindi po naman siguro.

“Baka ano lang po, nakita lang niya yung One True Love, kasi ibinigay ko po talaga yung best ko sa One True Love.

“And yun po, honored lang po talaga ako na isa po ako sa mga gustong maka-partner ni Heart Evangelista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WHAT TO DO THIS HOLY WEEK? Noong Linggo, March 24, ay nagsimula na ang Kuwaresma.

At sa panahong ito, bukod sa pag-alala sa mga sakripisyo ng Diyos ay ang pagbabakasyon ng karamihan.

Ano ang plano niya sa Holy Week?

Sabi ni Alden, “As usual, family, focus kay Lord.

“Kasi yun lang yung time ng year na makapag-reflect ka on what has been done these past years.

“Parang yun yung recollection day, time na mag-evalute sa mga natanggap mong blessings, the hardships, the challenges na dumating sa buhay namin, sa akin… fasting.

“Of course, yung family na dapat maging inclined kay God at, yun lang, focus sa family at sa Diyos this Holy Week.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN