Ritz Azul on possibility of kissing scene with Derek Ramsay in Kidlat: “Kung mangyayari man yung kissing scene na yun, first kiss ko siya.”

Ritz on being ready for her first on-screen kiss with Derek: “Hindi pa ako talaga ready. Siyempre ang guwapo ni Derek, sobrang matipuno, pero ako siyempre ... siguro kasi hindi pa ako sanay. Kaya ko nasasabing hindi pa ako ready, pero tingnan natin.”


Masaya si Ritz Azul sa naging takbo ng istorya ng heroseryeng Kidlat lalo na’t isa siya sa mga ka-loveteam ng bida nitong si Derek Ramsay.

Pero clueless pa daw siya sa takbo ng kanilang tambalan sa istorya.

Lahad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Abangan nila kasi, ako din nag-aabang kung anong mangyayari, kung saan patungo, inaasar na nga ako sa kissing scene, e.”

Parang hindi pa raw handa si Ritz na magkaroon ng maselang eksena sa show katulad ng halikan.

Pero, sabi niya, “Kung mangyayari man yung kissing scene na yun, first kiss ko siya... kung mangayari... haha! Kung, kung kung...[mangyayari nga].”

Dagdag pa niya, “Hindi pa ako talaga ready. Siyempre ang guapo ni Derek, sobrang matipuno, pero ako siyempre... siguro kasi hindi pa ako sanay. Kaya ko nasasabing hindi pa ako ready, pero tingnan natin.

“Di natin masasabi ang panahon.”

ON RIVALRY WITH EULA CABALLERO. Namataan ng PEP si Ritz kasama si Eula sa isang party. At sa mga events na may mga celebrities, palaging magkasama ang dalawa. So, wala talagang gap or iringan sa kanilang dalawa dahil sa mga proyektong napunta sa kanila?

Tugon nito, “Wala, tuwing lumalabas, mag party, lagi nga kaming magkasama, e.

“Then, nagti-text, andami na rin naming mga pinag-uusapan tungkol sa mga nangyayari sa amin sa showbiz, and yung rivalry, talagang wala naman.”

Si Ritz ay second runner-up ni Eula sa reality artista search ng TV5 noon na Star Factor. Kuwento pa ni Ritz, balanse ang pag-aalagang binibigay sa kanila ng kanilang home network.

Dagdag pa niya, “Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng mga executives, na binigyan kami ng opportunity and chance na maipakita kung anong kaya namin.

“And maging part ng Talent 5 [ang artist center ng TV5], siyempre pioneer din kami ni Eula, so siyempre masaya kami.”

HAPPY TO SHARE HER BLESSINGS. May mga nagsasabi namang nag-improve na si Ritz pagdating sa kanyang pag-arte. Pero sa Kidlat kaya, nakaka-ilang takes siya bago ma-perfect ang isang eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihiya pa niyang tugon, “Usually, one take kami pero may rehearsal na yun, may blocking, kapag ginagawa mo na makukuha mo na siya.

“Minsan may mga technical problems na lang. Kaya kinu-cure, minsan may times na siyempre, or nawawala ka sarili... nabubulol-bulol ka na.”

Kahit na naramdaman na raw ng kanyang katawan ang pagod, ang isip niya daw ay ayaw pang bumigay.

Aniya, “Minsan bumibigay yung katawan ko pero hindi ko nararamdaman, e, siguro dahil sa determinasyon ko sa trabaho.

“Kapag masayang-masaya ka sa ginagawa mo sobrang excited ka kahit na naramdaman mo yung pagod.”

Ilan daw sa mga dahilan kung bakit hindi niya iniinda ang pagod sa trabaho ay ang determinasyon niyang makapag-ipon at makatulong sa pamilya.

Kuwento ni Ritz, “Ngayon, masaya ako na bata pa lang ay medyo nakakapag-invest na ako and nakakapag-ipon.

“And yung mga pinsan ko nga minsan na-i-inggit sila sa akin at sinabi nilang ako daw ay may trabaho na at nabibili ko na yung gusto ko.

“And masaya ako kasi nakakatulong ako sa pamilya ko, dun ako sobrang masaya. And kapag nakakabili ka ng mga bagay na galing sa pinaghirapan mo di ba parang iingatan mo talaga yung bagay na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN