Marian Rivera on being happily in love: “Punumpuno nga ako ng pagmamahal, e! Kahit saan ako mapalingon.”

Marian Rivera on why she wants to do a sitcom after Temptation of Wife: “Para ma-break muna itong mabigat na mga nangyari sa Temptation Of Wife, para may hugot ulit ng panibagong Marian kung another soap na naman.”


Dahil huling linggo na ng pag-ere ng Temptation of Wife mula April 1 to 5, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bidang si Marian Rivera kung ano ang mga mami-miss niya sa pagtatapos ng primetime series niya sa GMA-7.

“Alam mo, bukod sa taping, yung mga tao dito... kasi yung staff and crew lalo na si Direk Dom [Dominic Zapata], mami-miss ko sila.

“Ayoko ngang isipin kasi nung isang eksena naming magkakaeksena, may sinasabi siya sa mga crying scenes namin, ‘O, isipin ninyo na lang magpapaalam na!’

“Ngalngal ako nang ngalngal!

“So, sabi ko nga, after ng Amaya siguro, ito yung iiyakan kong soap opera na napamahal talaga sa akin.”

Nakausap ng PEP si Marian sa set ng Temptation Of Wife sa Our Lady Of Victoneta Chapel sa Malabon.

WISHING FOR SITCOM. Ano ang susunod niyang TV project?

“Rest muna ako.

“Pero mukhang kinakantahan ako ng mga boss natin na magsi-sitcom ulit ako,” balita niya.

Hindi pa raw niya alam kung sino ang mga makakasama niya sa naturang sitcom.

Si Marian mismo ang nagsabing gusto niyang mabigyan naman ng isang magaan na show, tulad ng isang sitcom.

“Oo, para ma-break muna itong mabigat na mga nangyari sa Temptation of Wife, para may hugot ulit ng panibagong Marian kung another soap na naman.”

Siguradong magkakaroon ulit siya ng isang soap opera.

“Imposibleng wala. Siguro mga by August ’yan, July or August sasabak ulit ako diyan, sigurado ako diyan.”

GLAIZA FOR FHM? Nakumbinsi na ba niya ang Temptation Of Wife co-star niyang si Glaiza de Castro (na gumaganap na Heidi) na mag-pose na para sa FHM?

“Dati ko pa namang sinasabi sa kanya, e.

Napapayag na niya?

“Fifty-fifty! Feeling ko, oo, fifty-fifty siya sa akin. Tatanungin ko uli siya.”

ELECTION. Malapit na ang eleksyon, may susuportahan bang kandidato si Marian?

“Magge-guest lang siguro ako, pero yung mismong itatangkilik ko ay parang wala pa, pinag-iisipan pa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero marami akong magge-guest-guest ako sa kung saan-saan.”

Kailangan ba na pareho sila ng paniniwala ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes pagdating sa pulitika?

“Hindi naman pero si Dong sinasabi niya sa akin kung sino ang ikakampanya niya at tinatanong din niya ako so para hindi kami salungat.”

WEDDING GOWN DESIGNS. Sa Temptation of Wife ay nagsuot na naman siya ng wedding gown, tulad ng ginawa na niya ng maraming beses sa mga nakaraan niyang TV and movie projects.

Sa dami ng naisuot na niyang wedding gown, meron na ba siyang paborito; na naiisip niyang gagamitin niya kung sakaling ikakasal na siya sa tunay na buhay?

“Hindi ko pa alam. Pero taliwas sa mga nakikita ninyo na palagi na lang naka-tube at naka-ganun.”

Kapag ikinasal na siya for real ay balot na balot siya?

“Tingnan natin. Kapag dumating na yung pagkakataon na yun, mag-iisip ako.

“Ako ang magde-design.”

Sa Temptation Of Wife finale ay kulay ecru ang wedding gown niya. At kung si Marian ang tatanungin, kulay puti ang gusto niyang wedding gown niya kapag ikinasal na siya ng totohanan.

“Siyempre, yun pa rin sa lumang tradisyon natin na pure white talaga.”

Ang hindi niya makakalimutang wedding scene na ginawa niya...

“Siyempre [sa] Marimar dahil live yun, e... nag-live yun, e.

“Tapos yung may mga invitation pa talaga sa mga tao, tapos nag-live, may mga ninang.

"Yung mga ninang natin ay mga kilalang artista at mga boss din iyon,” pagbabalik-tanaw niya.

UNFORGETTABLE SCENE. Ano ang eksena o mga eksena na hindi niya makakalimutan sa Temptation of Wife?

“Yung pagiging Chantal. Kasi bago sa akin yun, e.

"Pero na-challenge ako at in fairness naman, mukhang nagawa ko naman siya nang tama.

“Kasi nung una, natakot akong mang-landi, although asawa ko yung lalandiin ko.

"Pero first time kong makipag-kiss nang ganun, first time kong manamit ng mga ganun, mang-eksena ng ganun kay Dennis o kung sinumang lalaki ang partner ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung pagiging Chantal ko...

“Pero at least, nasabi ko sa sarili ko na, ‘Ay, kaya naman pala!’”

Leading men ni Marian (as Angeline) sa Temptation of Wife sina Dennis Trillo (as Marcel) at Rafael Rosell (as Nigel).

So, sa tunay na buhay ay hindi niya kakayanin na manglandi?

“Sa asawa ko? E, kung konsepto ni Angeline and Marcel dahil si Marcel ay asawa ni Angeline, why not?

“Kung iyon ang paraan para makuha ko uli ang asawa ko at patunayan ko sa kanyang hindi niya ako dapat iniwan, why not?”

At kaya niya na ipaglaban ang pag-ibig…

“Ipaglaban natin kapag tama.”

Na huwag susuko sa ngalan ng pag-ibig?

“Oo! Alam mo kahit nasa iyo na ang lahat ng bagay kung wala kang love, empty ka, e.

"So, useless lahat so kailangan may love.”

Sa ngayon ay hindi nakakaramdam ng emptiness si Marian.

“Hindi, punumpuno nga ako ng pagmamahal, e! Kahit saan ako mapalingon.”

Nasa kanya na ba ang lahat?

“Well, kasi yung standard ko sa pagkakaroon ng lahat, e, kuntento ako, masasabi ko talaga na oo.

“Okay naman yung career ko, yung pamilya ko, at ang pag-ibig ko, so ano pa ba ang hihilingin ko?” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN