BB Gandanghari on plans for Halik ng Tarantula provincial tour: “Yes, kasi sayang... fresh pa sa mga utak namin.”

BB Gandanghari on her wish for brother Robin Padilla to watch her stage play: “Hopefully one day, kung darating yung panahon na maging open siya, hindi ako mahihiyang ipapanood sa kanya.”


Marahil ay nasa bakasyon pa si BB Gandanghari sa ngayon dahil nung huli siyang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niyang sa Holy Week ay nasa isang private beach siya.

Saad pa niya, “Sa isang private beach, very private. Di ko pa alam kung sino ang mga makakasama ko— malamang kaibigan.”

Sa tanong kung may special guy ba siyang isama sa kanyang private getaway, natatawa naman niyang sabing, “I don’t want to speak too soon.”



NO MAKE UP. Bago ang hairstyle ni BB nung makausap namin, at kuwento niya na-miss daw niya ang pagkakaroon ng short hair. Wala rin siyang make-up noong araw na yun.

Sabi niya, “Oo, ganito lang ako, a... mas komportable akong walang make-up, yung ganyan lang, kaswal lang."

Pero mas natsa-challenge naman daw siya sa mga karakter niya sa TV na kuntodo make-up, katulad noong huling serye niya sa TV5 na Enchanted Garden.



HALIK NG TARANTULA NATIONWIDE TOUR. Habang inaantay ni BB ang kanyang order sa isang restaurant, kinumusta naman namin kung ano na ang magiging next project niya pagkatapos ng matagumpay na theater run ng Halik ng Tarantula.

Sabi niya, “Eto, nagpapahinga ang lola.

"Now we’re talking about yung future nung project but we’re sitting down and planning what to do next.

"Baka dun papunta yung show—na iikot namin sa iba’t ibang probinsiya.”

Bakit nga ba siya nalilinya sa theater ngayon?

Tugon niya, “Iba kasi yung experience, e... na after everything, parang hindi mo na basta-basta gustong bitawan din.

“Parang gusto muna na magkaroon ng longer run and possible na out-of-town because I think maganda yung naging resulta, yung mga nakapanood, they really enjoyed it.”

Ito raw muna ang pagtutuunan niya ng pansin ngayon.

“Yes, kasi sayang... fresh pa sa mga utak namin, hindi mo puwedeng itabi muna at saka babalikan na lang ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we’d rather do something na kung magiging possible yun, and then dun lang ako siguro makakagawa ng pelikula.

"But I wanna do a movie after this one.”

Balak naman niya talagang gumawa ng movie, pero baka daw sa kalagitanaan pa ng taon.

Wika niya, “Siguro middle of this year, basta tapusin ko lang ’tong… gusto ko lang mabuo yung kung ano ba... maka out-of-town ba kami, kasi ang hirap pagsabay-sabayin.

"Yun ang challenge nung play.”



WAITING FOR BROTHER ROBIN TO BE READY. Labis na ikinatuwa ni BB na sa isang pagtatanghal ng Halik ng Tarantula ay nanood ang kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla.

Kahit tapos na daw ito, patuloy pa rin daw ang papuri ng ina sa kanyang pagganap.

Lahad niya, “Nakausap ko siya kanina, I think ready na siya… kasi nakita kasi niya yung... na wala kasing nangyari dun sa play na hindi bagay sa istorya.

“Sabi nga niya, ang ganda-ganda daw nung script.

Sabi ko “Well, oo, in fairness dun sa script, oo kasi yun yung original, e.”

Pero ang wish niya kapag magkaroon ulit ito ng theater run, ay panoorin na ito ng kanyang mga kapatid na lalaki, lalo na ni Robin Padilla.

Aniya, “At saka sa akin, kung hindi kayang panoorin ni Robin, hindi mo naman kayang ipilit kasi ang importante may mga taong nag-e-enjoy.

“And hopefully one day, kung darating yung panahon na maging open siya, hindi ako mahihiyang ipapanood sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN