Jiro Manio on his biggest regret in life: “Siguro yung di ko pag-amin sa mga kasalanang nagawa ko, lalo na dun sa mga taong hindi ko napagbigyan.”

Jiro Manio reveals that he cries even more intensely when he’s alone: “Pero sa personal, dun ako bumibigay... sa isang tabi lang ako. Sa sarili ko lang, hindi ko pinapakita.”


Katulad ni Angelo Ilagan, aminado si Jiro Manio na nahirapan din siya sa kanyang showbiz comeback.

Parehong child star ang dalawa noong sumikat at nakilala pero parehong nagkaroon ng problema sa kanya-kanyang career kaya nawala sa limelight.

Sa live guesting ni Jiro sa Ang Latest Uplate: Holy Week Special last March 25, sinabi nito na minsanan lang siyang naiimbitahan for appearances or TV guestings.

Saad ni Jiro, “Simula noong lumabas ako [ng rehab], wala pa talaga akong shows [na regular], guestings lang muna, tapos kaunting mga raket sa TV.”

Lagpas isang taon ding na-rehab si Jiro.

“I think one year ako sa rehab para nakapag-reflect, natutong magdasal and nakapagpahinga din.”

May baby na siya na mag-aapat na taon na sa ngayon kaya raw gusto na ni Jiro na magkaroon ng regular show para pangtustos sa bata.



MORE TEARS BEHIND THE CAMERA. Ano ba ang plano at inaasam na makamtan ngayon ni Jiro?

Sagot nito, “Siguro sa puntong ’to, parang medyo… parang medyo meron akong inaabot, e.

"Parang meron akong inaabot sa taas na siguro kailangan ko muna ng kaunting practice.”

Sabi naman ng mga host na sina Cristy Fermin, Joey Reyes, at Lucy Torres-Gomez, hindi na niya kailangang mag-practice sa acting dahil natural na magaling na ito.

Katunayan, si Jiro ngayon ang binansagang "youngest best actor" dahil sa kanyang mga nominasyon at rekognisyon sa markadong pagganap nito sa pelikulang Magnifico (2003).

Sunod na tanong sa batang amang si Jiro kung bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang pag-iyak sa harap ng kamera.

Saad ni Jiro, hindi niya alam basta isinasapuso lang daw niya yung mga karakter niya dati.

Pero sa totoong buhay, mas grabe daw siya kung lumuha at umiyak.

Kuwento niya, “Di ko alam, e, siguro sa ano po... sa mga tao siguro na sumusuporta sa akin.

"Pero sa personal, dun ako bumibigay... sa isang tabi lang ako. Sa sarili ko lang, hindi ko pinapakita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang dahilan ng kanyang pag-iyak?

Seryosong tugon nito, “Mga babae... ganyan... eskuwela, kaibigan... personal na bagay na hindi ko pa nakukuha at hindi ko pa nagagawa.”

BIGGEST DISAPPOINTMENT. Ano kaya ang malaking pagkakamali niya sa buhay na sa tingin niya ay gusto niyang mabago?

Saad niya, “Siguro yung di ko pag-amin sa mga kasalanang nagawa ko, lalo na dun sa mga taong hindi ko napagbigyan.”

At dahil nga panahon ng Semana Santa, ano kaya ang mga bagay ngayon na gusto niyang iparating sa Panginoon?

Seryoso pa ring sagot ni Jiro, “Yung mga taong hindi natutulungan, hindi napapansin, at pagpapatawad, siguro mas lakasan pa yung loob, tibay ng loob.”

Ano naman kaya ang true happiness para kay Jiro ngayon?

“Ang true happiness is yung duty ng bawat isang tao, yung bawat mamamayan na makatulong sa kapwa, na matuto tayong kumilala ng nahihirapang tao— yung nangangailangan.

“At isa pa huwag nating kalimutang magdasal, magdasal na kailangan natin ng gabay [mula sa Itaas].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN