Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz relationship still going strong amidst rumors

Ipinost ni Angelica Panganiban ang larawan niyang ito kasama ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account. Sa caption ay inilagay ng aktres ang mensaheng ito: "We cannot Ask for more... ilove you. :) "


Taliwas sa mga lumalabas na balita, tila going strong pa rin ang relasyon nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Base sa pinakabagong post ni Angelica sa kanyang Instagram account (@iamangelicap), makikita ang isang masayang moment sa pagitan ng dalawang magkasintahan,

Dagdag pa rito ang caption ni Angelica na, "We cannot Ask for more... ilove you. :) "

Matatandaan na sa press conference ng pelikulang It Takes A Man And A Woman noong nakaraang dalawang linggo, naging emotional ang lead actor ng pelikula na si John Lloyd.

Marami rin ang nagtaka kung bakit nasabi ni John Lloyd ang balak niyang mag-early retirement.

May ilan tuloy na nagtanong kung may problema bang pinagdadaanan sina John Lloyd at Angelica.

Kung ang larawang nasa itaas ang pagbasehan, masasabing maayos at masaya ang relasyon nila sa isa’t isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN