Rafael Rosell on his willingness to tackle gay roles: “For now, hindi siguro.”

Rafael Rosell on why he’s not affected by gay rumors: “Kung itsitsismis akong bading pero masaya naman ako bilang single at alam ko sa totoong buhay at sa sarili ko na hindi naman ako gay, then why should it matter what other people think, di ba?”


Umalagwa nang husto ang career ni Rafel Rosell bilang si Nigel sa Temptation of Wife ng GMA-7.

Dito ay leading man din siya ni Marian Rivera, as Angeline, along with Dennis Trillo na gumaganap naman bilang Marcel.

Sa pagtatapos ng Temptation Of Wife sa April 5, puro na ba leading men roles ang gusto ni Rafael?

“Hindi naman po, kasi ako enjoy naman ako sa lahat ng roles, e.

“Pero I think iyon ang gusto ni Popoy [Caritativo, Rafael’s manager] at agree din naman ako dun na, yeah, tara... let’s try the leading man [roles], not muna yung mga character-character.

“Game! Kung anong i-offer... kung anong role... kung anong adventure,” panimulang pahayag ni Rafael nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Temptation OF Wife sa Our Lady of Victoneta Chapel sa Malabon City.



LEADING-MAN STATUS. Nang lumipat si Rafael sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, hindi niya akalain na leading-man status agad ang kalalagyan niya sa Kapuso network.

“Hindi ko na-expect. Ang ini-expect ko lang new environment, new environment lang.

"Everything that came to me after I moved, super-surprise talaga.

“Naghahanap lang ako ng bagong environment, mga bagong katrabaho at sumunod na ito,” saad niya.

Ano ang mami-miss niya kay Marian sa pagtatapos ng Temptation of Wife?

“Yung pagiging honest niya.

"Para sa akin, hindi niya pini-filter yung mga gusto niyang sabihin so what you get is pure honesty, di ba?”

NOT CHOOSY WITH NEW PROJECTS. Ano ang susunod niyang proyekto sa GMA-7?

“Wala pa kaming puwedeng i-disclose.

“Meron yun, meron yun,” paniniguro niya.

Paano kung ang next project niya ay “one of those” lang siya o support lang siya ng bida?

“Di kukulayan ko nang sobra-sobra yung character na yun para maging masaya, di ba?

"We just have to enjoy every opportunity that we’re given,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING SCENE. Nang dumalaw ang PEP sa taping ng Temptation of Wife ay wedding scene ang nakatakdang kunan.

Kaya tinanong namin si Rafael: Ilang beses na ba siyang ikinasal sa eksena sa TV at sa pelikula?

“Sa show na ito, ewan ko, pero dito sa show na ’to siguro, sampu, plus hindi ko alam... ang dami na siguro!

“Parang nakakatakot baka maudlot na yung totoong kasal sa totoong buhay, e!” at muli siyang natawa.

Dagdag niya, “Parang feeling ko, na-experience ko na yung totoong kasal, e, dahil sa lahat ng beses na ikinasal ako sa show so…”

Sa totoong buhay ay may papakasalan na ba siya?

“Ngayon, for now, wala pa. Hindi pa ako ready sa commitment, e.”

PROUDLY SINGLE. Single si Rafael ngayon.

“Yes, single as can be, single and ready to mingle!”

Hindi siya natatakot na baka itsismis siyang bading dahil matagal na siyang walang girlfriend?

“Kung itsitsismis akong bading pero masaya naman ako bilang single at alam ko sa totoong buhay at sa sarili ko na hindi naman ako gay, then why should it matter what other people think, di ba?” sagot ng binata.

NO TO GAY ROLES? Papayag ba siya sa gay role?

“Papayag! Kung papayag sila.

“Kasi ako na-try ko na, e... hindi ako pumasa, e.

“Nag-audition ako sa indie film dati, hindi sila naniniwala, e, kaya I have to work on that,” sabi niya.

Kung may kissing scene sa kapwa niya lalaking artista?

“Ano, yung showbiz answer?

“If it’s artistically done, if it has meaning.”

Ang totoong sagot…

“For now, hindi siguro,” diin niya.

Pero paano kung may eksenang kailangang magkaroon siya ng kissing scene sa lalaki?

“Sabi ko lang naman, for now, hindi muna, di ba?

“Dahil kakatapos lang natin sa Temptation of Wife, I think there’s more to build on this, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We can… puwede pa itong i-stretch, puwede pang i-enhance yung side ng career na ito, di ba?

“Hindi ko naman puwedeng tanggapin kung ang basehan lang ay isang eksena, mahirap tanggapin ang isang project para sa ganun,” sabi ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN