Angelika dela Cruz excited about transgender role in indie film project

Angelika dela Cruz on what attracted her to the transgender role: “Wala e, kasi kinarir ko siya, e, so hindi ako masyadong nahirapan, e. Kasi talagang nung binasa ko yung script, talagang, ‘Ay gusto ko ito, gusto ko ito, read ko ito.’”


Matatapos na ang kontrata ni Angelika dela Cruz sa GMA-7.

“This year, after this, itong Mundo Mo’y Akin, meron pa akong isang soap ’tapos tapos na,” sabi ni Angelika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Babalik na ba siya sa Dos?

Tumawa muna siya bago sinabing, “Hindi ko alam kay Perry.”

Si Perry Lansigan ng PPL Management ang nagha-handle ng career ni Angelika.

At dahil yearly ang kontrata niya…

“Renew lang ng renew!”

Paano kung magdesisyon ang management niya na ibalik siya sa Dos o dalhin sa Singko?

Sagot ni Angelika, “I trust him, e! Kasi tapos na ako sa… di ba, dati, kami lang ni daddy?”

Ang ama niyang si Ernie dela Cruz ang nag-aasikaso ng showbiz career ni Angelika noon.

“Tapos na ako sa stage na ini-stress ko yung trabaho ko kasi hindi na iyon yung priority ko, e.

“Yung trabaho sa akin, parang day-off ko yun sa pagya-yaya.

"Priority ko ang anak ko, e, tsaka asawa ko,” sabi niya.

KAPUSO AT HEART. Limang taon na si Angelika sa GMA-7. Magiging madali ba para sa kanya na iwanan ang Kapuso network kung sakali?

“Mahal ko yung mga tao sa GMA, e. Pati yung mga boss ko, kaibigan ko, love ko talaga sila.

“Hindi yung plastik na love kasi boss mo sila, hindi, e. Yung love mo talaga sila.

“Kasi may concern sila sa iyo, yung ganun. Parang ang hirap kung sakali,” sabi niya.

SUPPORTIVE HUSBAND. Gustung-gusto ni Angelika na magtrabaho, at supportive naman ang mister niyang si Orion Casareo.

“Sobra! Kasi alam niyang gusto ko, e.

"Sabi nga niya sa akin, tinanong niya ako, ‘Honey, okay lang ba sa iyo kung huminto ka na sa pag-aartista?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Oo naman! Pero pag kumakain tayo tapos bigla kong tinabig yung pagkain, tapos umiyak ako, tapos sinabi kong, ‘Sorry, praktis lang, nami-miss ko... iintindihin mo ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos natawa siya, sabi niya, ‘O sige na, sige na, huwag ka nang huminto! Alam ko naman na gusto mo ’yan.’”

Mahal ni Angelika ang showbiz.

“Oo kasi… tsaka hindi... ayokong humingi ng pera sa kanya, ’no?

“Di ba, iba pa rin yung may sarili ka?”

Sixteen years na sa showbiz si Angelika.

INDIE MOVIE WITH OFFBEAT ROLE. Napagkuwentuhan naman namin ang tungkol sa isang indie movie na ginawa niya kung saan gumanap si Angelika bilang isang… bakla!

“May ginawa akong indie na hindi ko pa alam kung kailan ipapalabas kasi thesis yun ng friend ko, e.

“Pero ginastusan nila, alam ko iaano niyang indie, e.

“Ang role ko tranny, bakla ako. Ang title niya, Transgelika!” ang tumatawang kuwento ni Angelika.

“Kasi ang pangalan niya Angelo, tapos nung babae siya, naging Angelika siya. Naging operada siya.

“Bata yung Angelo tapos nag-States siya, pagbalik niya gel [girl] na, ako na!”

Ano ang ginawa niyang paghahanda sa kakaibang role na ito?

“Kinarir ko yung script at tsaka ang dami namang tao sa paligid ko na bading, so wala naman akong... tsaka meron akong friend na tranny, e, so natanong ko siya.

“Psychologically yun, e, kaya you have to prepare for that, e.”

Sa naturang indie movie, mayroon daw silang love scene ng kapareha niyang si Frank Garcia.

“Hindi naman grabe yung love scene... hindi naman, tasteful naman."

Alam ni Orion na may love scene sila.

“Alam naman niya kasi it’s work.

“Pero he doesn’t... given na iyon sa amin, siyempre I understand na he doesn’t wanna talk about it.

“He doesn’t want to watch it,” pagklaro niya.

So, hindi papanoorin ng mister niya ang indie movie niya?

“Expected na yun.

“Okay lang sa akin, yun ang ano niya sa akin, ‘Basta sa work mo, hindi ako makikialam.’”

TRANSGELIKA. First time ni Angelika na gumanap na bakla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited na excited nga ako nung nabasa ko yung script, e.

“Yung friend ko, si Nikki Sevilla, bagong graduate siya from school. Intended yun for thesis niya for school, sa La Salle, kaso ginastusan na niya,” kuwento pa niya.

Wala raw eksena na nahirapan si Angelika.

“Wala e, kasi kinarir ko siya, e, so hindi ako masyadong nahirapan, e.

"Kasi talagang nung binasa ko yung script, talagang, ‘Ay, gusto ko ito, gusto ko ito, read ko ito.’

“Ang gusto ko kasi dito, since indie, nagmumura ako, naninigarilyo ako... yung ganun.

“Sabi niya sa akin, kung hindi daw niya ipapalabas yun commercially, isa-submit lang niya yung thesis.

“Tapos, aayusin niya yung script, tapos ire-reshoot ulit namin yung movie kasi maganda siya, e, maganda siya ’tsaka kakaiba,” masaya niyang pagwawakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN