Jennylyn Mercado on relationship with Luis Manzano: "Parang ganoon pa rin… parang nililigawan pa rin niya ako."

Hindi raw kataka-takang mahalin ni Jennylyn Mercado ang kasintahang si Luis Manzano dahil sa ugali nito. Sabi ni Jennylyn, “Yung humor naman niya, talagang malakas, e—ang bilis mag-isip, smart. Saka palabiro parati. Mabait naman kasi yung tao, e. Wala akong problema sa kanya.”


Naging pagkakataon pa rin na magkaroon ng bonding moments ang magkasintahang Jennylyn Mercado at Luis Manzano sa out-of-town trip nila nitong nakaraang Holy Week.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn, bago siya sumalang sa Sunday talk-magazine show niya sa GMA-7 na H.O.T. TV, nagkuwento si Jennylyn tungkol sa kanilang bakasyon ni Luis.

“Dive, swimming, nag-jetski kami… mga ganun-ganoon lang.

“Kumain—mahilig kaming kumain,” nangingiting sabi ni Jennylyn.

Pinagdudahan namin ang tugon ng Kapuso star dahil napanatili pa rin niya ang magandang pigura.

“Hindi, totoo talaga!” giit niya.

“Mahilig kaming kumain, lalo na ang dami naming baong matatamis, cookies, chocolates, chichirya. Diyos ko!

“Sinabi naming wala munang diet. Pinag-usapan namin na wala munang diet for now… pagbalik namin, saka na lang kami magda-diet uli.

“Kasi bakasyon, e. Sayang naman yung bakasyon kung hindi mo mai-enjoy, tapos diet ka pa?”

JENNLYN’S HEALTH. Medyo masama ang boses ni Jennylyn habang ini-interview namin siya at inirereklamo niya ang kanyang sipon.

“Eto, may sakit ako. Dumating kami noong Friday morning lang,” banggit niya.

Maganda naman daw ang kalusugan ng anak niyang si Alex Jazz at, ayon kay Jen, nag-enjoy ito sa swimming.

“Saka marami ring batang kasama na anak-anak ng mga kaibigan namin, kaya nag-enjoy siya.”



CLOSE FRIENDS. Sa bahay-bakasyunan ng mommy ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at stepdad na si Ralph Recto sa Punta Fuego tumuloy sina Jennylyn at ang kanilang mga kaibigan noong Holy Week.

Kuwento ni Jennylyn, “Last taping ko for Indio, Saturday, last week pa. So, pagdating ng Monday, bakasyon na.

“Bale, two dives lang kami, tapos nag-punta kami sa Punta Fuego [resort subdivision sa Nasugbu, Batangas].

“Mga 20-plus kaming lahat, kasama yung mga friends namin.

“May iba rin kaming group of friends na nakakasama namin pag ganitong bakasyon.”

Sinabi rin ni Jennylyn na kasama sa Batangas trip nila si Billy Crawford, na co-host ni Luis sa Pilipinas Got Talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sunday, Monday, Tuesday, kasama namin si Billy. Tapos si Nikki [Gil, Billy’s girlfriend], parang sumunod noong Thursday or Friday ‘ata?

“Pero hindi kami nagkita ni Nikki. Dumating siya, wala na kami. Si Billy na lang yung naiwan doon.

“Nasa Punta Fuego na kami ng Friday. Si Nikki dumating sa Anilao either Thursday or Friday ‘ata.”

Extraordinary para kay Jennylyn ang diving experience niya sa Anilao, hindi dahil kasama niya si Luis at ang buo niyang pamilya, kundi dahil na rin sa underwater scenery na meron ang lugar.

“Para sa akin, sa lahat ng mga na-dive-an ko, Anilao pa rin ang pinakamaganda.

“Kung saan-saan na ako nakarating para mag-dive, pero Anilao pa rin ang the best.”



BONDING MOMENTS. Wala ba siyang nadiskubre na bago kay Luis sa trip nilang ito?

“Wala naman… ganoon pa rin siya. Saka ano, e… hindi naman siya nagbabago, e.

“Parang ganoon pa rin… parang nililigawan pa rin niya ako.

“Yung malambing pa rin siya, ‘Anong gusto mong pagkain?’ Tapos, nagmamasahe.

“Mga ganyan—imamasahe niya yung paa mo pag pagod ka… Ganun pa rin siya, mula noong niligawan niya ako hanggang ngayon.

“Tatlong taon na kaming nagsasama. Kasama na doon yung panliligaw na one and half years, tapos yung official na kami.

“Yun, ganoon pa rin siya kahit wala kami sa bakasyon… malambing, maalalahanin, kunwari tatanong siya kung anong gusto kong pagkain.

“Mag-o-order siya pag pagod ka… ‘Anong gusto mong kainin para mabawi naman yung pagod mo?’”

Meron ba silang moment na silang dalawa lang sa nakaraang nilang bakasyon?

“Wala, e, wala. Kasama ko ang family ko, e. Tapos, ang dami namin.

“Tapos, ang gulu-gulo namin, tapos ang saya-saya. Eto yung grupo na taun-taon, umaalis… same group pa rin.”

Ano ang mga nakakatawang gestures o mga antics ni Luis na nakita o naoobserbahan ni Jennylyn?

“Lahat naman, e… Yung humor naman niya talagang malakas, e—ang bilis mag-isip, smart. Saka palabiro parati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw kahit anong instance na napikon si Jennylyn kay Luis sa mga pagpapakuwela o pagbibiro nito sa kanya.

“Mabait naman kasi yung tao, e. Wala akong problema sa kanya.”

Sa katatapos na bakasyon, lalong nabanaag sa mukha ni Jennylyn ang kasiyahan sa status ng kanyang lovelife.

Walang nabalitang nagkatampuhan sila ni Luis dahil sa kani-kanilang workload kahit parang hindi na sila halos nagkikita.

Sabi ni Jennylyn, “Maganda kasi na naiintindihan namin ang trabaho namin… pareho kaming artista.

“Naiintindihan namin kung paano nagwu-work yung show business.

“Yun ang maganda, kasi yun rin naman ang advantage na tiga-showbiz rin yung karelasyon mo.”



TRIATHLON. Pinagtatakhan namin ang pagiging athletic ni Jennylyn gayong meron siyang heart ailment.

Hindi ba siya natatakot sa posibleng pag-atake ng sakit niya sa extreme sports na kinahihiligan?

Ang ibang sports activity na nakakahiligan ni Jen ay ang triathlon. Wala rin siyang palya sa pagdyi-gym at pagba-biking.

Sagot niya, “Medyo binabawas-bawasan ko yung extreme cardio ko kasi alam kong masama yun talaga.

“Lalo na pag-pinu-push mo yung heart sa activity, napapagod siya.

“Medyo binabawas-bawasan ko ng konti. Saka may mga research… nagbabasa-basa rin ako ng mga research.

“Masama talaga pag may heart problem ka gaya ng triathlon. Babawasan ko na pero hindi ko bibitiwan.

“Pero para sa akin, malaking tulong yung mga sports na ginagawa ko.

“Kasi, kung wala akong ginagawa, baka naging sakitin ako sobra.

“Lalo pa yung trabaho namin… laging pagod, puyat. Kahit paano lumalakas yung resistensiya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN