Janice de Belen’s three children graduate this year

Tatlo sa mga anak ni Janice de Belen sa aktor na si John Estrada ang nagtapos ngayong taon—si Moira na nagtapos sa kolehiyo, si Kyla na nagtapos sa high school, at si Yuan na nagtapos sa elementarya. “So ‘yon pala ang feeling na gustong maramdaman ng every parent,” wika ni Janice.


Isang proud mommy si Janice de Belen dahil sunud-sunod na nag-graduate ang tatlo sa kanyang apat na anak sa dating asawa na si John Estrada.

Ang panganay na si Moira (19 years old) ay nag-graduate ng kursong Communication Arts, si Kyla (16 years old) ay nagtapos sa high school, habang si Yuan (13 years old) ay nagtapos sa elementarya.

Sabi ni Janice, “Siyempre, masarap ‘yong feeling na nakikita mong nag-graduate sila.

“What I have wished, what my mom has wished to see me actually graduate from college.

"Pero hindi ko naman mabigay ‘yon sa kanila, graduate lang ako ng culinary school—di ko alam kung counted ‘yon as college.

“So ‘yon pala ang feeling na gustong maramdaman ng every parent.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa pictorial ng Showbiz Inside Report sa STI University sa The Fort, Taguig.

Ang pictorial ay kaugnay ng first anniversary ng Saturday showbiz talk show na ito ng ABS-CBN.



NO SECRET RELATIONSHIP. Dumalo rin sa graduation ng kanilang mga anak ang ex-husband ni Janice na si John Estrada.

“He’s also a parent. He’s the other parent,” ang maikling sagot ng actress-TV host nang tanungin tungkol dito.

Ngayong nakikita na ni Janice na lumalaki at nagkakaroon ng sariling buhay ang mga anak, hangga’t maaari ay pinipilit daw niyang magkaroon sila ng bukas na komunikasyon.

Iniiwasan niya rin daw na maging istrikto.

Rason niya, “Gagawin at gagawin pa rin nila. E, di tatakas lang sila sa ‘yo.

“So, mabuti na ‘yong I’m open with them… I’m very open with them.

"May mga bagay na okay, may mga bagay na hindi.

"So everything is discussed.”

Pero sa ngayon, ang pinaka “tine-treasure” daw ni Janice ay ang mga pagkakataong “nando’n sila sa ibabaw ng kama ko, nakikipagkulitan sa akin.”

Dahil ngayon daw nakikita ni Janice na, “Kapag maliliit ‘yong anak mo, gusto mo matanda na sila para mas maiintindihan ka nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[But] now that they’re starting to grow and having their own lives, ‘yon ang parang malungkot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN