Sisters Ara Mina and Cristine Reyes reconcile; Ara to drop libel charge against Cristine

Pagkatapos ng mahigit isang taon ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes. Sabi ni Ara tungkol sa pagbabati nila ni Cristine, “This time, sa kanya rin nanggaling na wala namang nagtulak o nag-udyok sa kanya na gawin ito. Sarili niyang desisyon. And it came out sa nadesisyunan na rin niya munang paghahanap sa sarili niya."


Isang taon matapos ang pagpapalitan ng masasakit na salita ng magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes, isang larawan ang inilagay ni Cristine sa kanyang Instagram account na kumalat sa Internet noong Lunes, April 1.

Sa larawan ay kayakap ni Cristine ang kanyang half-sister na si Ara.

Ang nakalagay na caption ay ito: “With the gift of listening comes the gift of healing.”

Sa madaling-salita, nagkaayos na ang magkapatid.

Unang kinumpirma ni Ara ang pagbabati nila ni Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Gorgy Rula noon ding Lunes.

“This time, yes,” sagot pa ni Ara sa text nang tanungin ni Gorgy kung naramdaman niya ang sinseridad ni Cristine sa pakikipagbati nito sa kanya.

Matatandaang humantong sa demandahan ang alitan nina Ara at Cristine.

Nagsampa ng kasong libel at grave coercion si Ara laban kay Cristine sa Quezon City fiscal’s office noong April 18, 2012.

Ito ay dahil daw sa patutuloy na paninira ni Cristine kay Ara sa mga kamag-anak at kakilala nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

THE RECONCILIATION. Sa report naman ni Pilar Mateo para sa InterAksyon.com kahapon, April 2, sinabi ni Ara na naganap ang pag-aayos nila ni Cristine noong Biyernes Santo, March 29.

Kuwento ni Ara, nagpadala nang sunud-sunod na text messages sa kanya si Cristine noong Huwebes Santo, March 28.

Humingi si Cristine ng permiso na mabisita si Ara upang makapag-usap sila.

Sabi ni Ara, “Sabi niya, hindi na niya kaya. And sabi rin niya, kung hindi pa kami magkikita, pupunta na lang siya ng Baguio since nandun na ibang mga kasama niya.”

Hindi raw sinagot ni Ara si Cristine noong araw na iyon, kundi kinabukasan na.

Lahad ni Ara, “Good Friday, I decided na i-text siya para papuntahin siya sa bahay.

“Yun pala, on the way na siya sa Baguio. Nasa Tarlac na siya when she got my text na, ‘Sige, punta ka na dito sa bahay.’

“Sabi ko, ‘Sige, bumalik ka na lang.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Ara, kahit mag-isang nagmamaneho, pinili raw ni Cristine na mag-U turn para makapunta agad sa bahay ng kapatid.

Sa kamamadali nga nito, nahuli pa raw si Cristine ng overspeeding sa SCTEX.

Dagdag pa ni Ara, “Medyo nabilisan niya pagmamaneho kaya nahuli pa siya.

“Ibinigay na lang daw niya agad ang license niya para makaalis na. Lunchtime na nung dumating siya sa bahay.”



AWKWARD AT FIRST. Patuloy ni Ara, nagkailangan pa sila ni Cristine nang magkaharap na sila.

“Ang weird lang kasi parang ilang na ilang pa rin kami sa isa’t isa.

“Naupo lang kami sa sofa. Magkalayo pa.

“Nag-iiwasan pa nung una ng tingin. Di malaman paano sisimulan.

“Until sinabi niya lang na, ‘Ate, kasalanan ko lahat. I am very, very, very sorry.’

“Tapos, ayun na. Nag-breakdown na siya. Parang MMK [Maalaala Mo Kaya] ang eksena.

“Hindi na mapigilan yung iyak niya. Ako rin, naiyak na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos daw ang kanilang iyakan ay tinawagan ni Ara ang isa pa nilang kapatid na si Holy King, na nakaalitan din ni Cristine, para makumpleto na raw ang pagkakapatawaran nila.

Naramdaman na raw kasi ni Ara na sinsero at totoo ang paghingi ng tawad ng kapatid.

Sabi pa niya, “This time, sa kanya rin nanggaling na wala namang nagtulak o nag-udyok sa kanya na gawin ito. Sarili niyang desisyon.

“And it came out sa nadesisyunan na rin niya munang paghahanap sa sarili niya.

“Like, yung napagkasunduan nila ni Rayver [Cruz] sa relasyon nila.

“Kaya gusto muna talaga niya na mapag-isa—to think things over.

“So, yun pala ang mga inaayos niya sa buhay niya.”



A PICTURE OF A HAPPY FAMILY. Matapos noon, pinuntahan nina Ara at Cristine ang kanilang ina na si Frances Klenk.

Matatandaang nagsimula ang malaking away nina Ara at Cristine nang hindi magkaintindihan ang mga ito sa hatian sa condo unit na binili nila para sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na kuwento ni Ara, “Sabay kami pumasok sa bahay ni Mommy.

“E, alam mo naman si Mommy Klenk, mababaw din ang luha.

“Pero siyempre, she’s very thankful na we’re okay na.”

Ang mga litrato raw na ipinost ni Cristine sa social media ay kuha sa hotel kung saan nagkaroon sila ng family dinner noong Easter Sunday, March 31.

Sabi ni Ara, “Yung iba, lumabas ‘ata ng April 1, so akala nila, joke, dahil April Fools’ Day nga.”



TO WITHDRAW THE LIBEL CASE. Kasunod ng kanilang pagkakaayos ay ang pag-urong ni Ara sa isinampa niyang kaso laban kay Cristine.

Saad ni Ara, “Gaya naman ng sinabi ko before, ang purpose noon was to give her lang a lesson. Wala akong danyos na hiningi doon.

“So, God is really good. Ang prayer ko noon, maging maayos ang lahat. And what a better time para masagot ang dasal ko.”

Kuwento rin ni Ara, nangyari ang lahat ng gusot sa kanila ni Cristine noong Holy Week last year, at nagkaayos sila ng Holy Week ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangyari ito Semana Santa last year. Naayos ito, Season of Lent pa rin. O, hindi pa ba dapat na ipasalamat yun?”

NO TV INTERVIEWS. Sa ngayon daw, pinili nilang huwag munang magpa-interview sa mga television shows dahil nasa “healing process” pa silang lahat.

Paliwanag ni Ara, “Kasi awkward pa rin yung feeling.

“Na ayaw din naman naming magmukhang showbiz ang lahat sa panahong hindi pa rin kami ganoong ka-ready to talk about it.

“Kaya sinasabi ko na pabayaan muna kami to have our family moment. Our bonding.

“And then, pag talagang masasabi na na we have picked up the broken pieces, magpapa-interview na kami ng detalyado na.

“In the meantime, ginagamot pa rin muna ang mga sugat in the best way we know. In the best way we can.”

Humingi na rin daw ng pasensiya si Cristine sa boyfriend ni Ara na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

“She had to… sa rami rin naman ng mga taong nasagasaan niya at na-involve sa mga nagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-usap na rin sila,” sabi ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN