Carmina Villarroel-BB Gandanghari and Janice de Belen-John Estrada interviews on Showbiz Inside Report: Possible or not?

Tinanong sina (L-R) Ogie Diaz, Janice de Belen, at Carmina Villarroel kung kakayanin ba nila kung sakaling kailangang interbyuhin ang ilang personalidad na iniintriga sa kanila. Sinabi ni Carmina na hindi na niya kailangang kausapin sa harap ng camera ang ex-husband niyang si Rustom Padilla, na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari. Habang ang sagot ni Janice sa pag-i-interview sa ex-husband na si John Estrada, “Kaya is different from ayaw.”


Suportado nina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Ogie Diaz ang kanilang co-host sa Showbiz Inside Report na si Joey Marquez.

Si Joey ay pansamantalang mamamaalam sa showbiz-talk show na ito ng ABS-CBN dahil tatakbo siyang congressman ng Parañaque.

Gayunman, hindi maaaring ikampanya ni Janice si Joey dahil na rin sa ipinagbabawal ito sa kanyang relihiyon na Iglesia Ni Cristo.

Isang mabilis na “oo” naman ang sagot ni Ogie nang tanungin kung suportado niya ang pagbabalik-pulitika ni Joey.

Dagdag niya, “Siyempre Manong namin ‘yon, e! Alam naman niya kung gaano namin siya kamahal.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sina Janice, Carmina, at Ogie kahapon, Abril 2, sa pictorial ng Showbiz Inside Report sa STI University sa The Fort, Taguig.

Ito’y para sa unang anibersaryo ng kanilang programa na ipagdiriwang sa April 6 episode ng show.



DREAM INTERVIEWS. Samantala, ipinagmamalaki ng tatlong hosts na ang isang lamang ng kanilang show sa ibang showbiz-oriented shows ay ang “profiling” na ginagawa nila sa kanilang mga interviewee kasabay ng pagtatalakay sa iba’t ibang intriga.

Naitanong ng isang miyembro ng press sa hosts ng Showbiz Inside Report kung kakayanin ba nila kung sakaling ipa-interview sa kanila ang mga personalidad na iniintriga sa kanila.

Tulad na lamang kay Carmina sa kanyang kanyang ex-husband na si Rustom Padilla, na ngayo’y mas kilala na sa bagong katauhan nito bilang si BB Gandanghari.

Habang si Janice naman ay sa ex-husband niyang si John Estrada.

“Kaya is different from ayaw,” ang simpleng sagot ni Janice sa tanong.

Pahabol na tanong sa actress-TV host: Paano kung kailangan ito para sa trabaho?

“Hindi naman,” nangingiting sagot ni Janice.

“Hindi rin naman din gano’n, maliwanag ang usapan,” biro pa niya.

“Nasa kontrata ba ‘yan?” tanong naman ng co-host niyang si Ogie.

“Ipapa-add ko!” sagot ni Janice sabay tawa nang malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang pag-i-interview naman ni Carmina kay BB ang pag-uusapan, sinabi ng actress-TV host na hindi naman na nila kailangang mag-usap sa harap ng camera.

Ani Carmina, “Ako naman kasi, parang… sa haba ng panahon, parang dapat kung ginawa ko ‘yon, dapat matagal na.

“Parang feeling ko, nakapag-move on na kami sa mga buhay namin tapos babalikan pa natin.

“So, feeling ko, kung maghaharap kami, okay na kahit walang camera, magtsismisan na lang kami kahit walang camera.”

Dagdag namang biro ni Ogie, “Tsaka baka malito ang televiewers, ‘Sino ba dyan si Carmina?’”

“Uy, ang layo, ha!” natatawa namang pagtutol ni Carmina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN