Sunshine Cruz forgives husband Cesar Montano but non-committal about possible reconciliation

Sa Sunshine Cruz and Cesar Montano, people asked why the former seems to be giving up now? Sunshine replied, “Tao lang din naman tayo. Napapagod at nasasaktan din tayo.”


Napatawad na raw ni Sunshine Cruz ang asawang si Cesar Montano, pero hindi siya sigurado kung maaayos pa ang kasalukuyang problema nila.

Matatandaan na nagkaroon muli ng hindi pagkakaunawaan ang celebrity couple matapos ma-link si Cesar sa starlet na si Krista Miller.

(CLICK HERE to read related article.)

Sa press conference ng bago niyang TV project, ang Dugong Buhay, kagabi, April 3, inamin ni Sunshine, “Siguro kaya nga masaya ako ngayon at nakakangiti na tayo kasi nga nakapagpatawad na tayo.”

Marahil may ilang magtataka kung bakit tila ang bilis mapatawad ni Sunshine ang kanyang 50-year-old na asawa.

Ang simpleng dahilan ng 35-year-old actress, “Kristiyano tayo. Mahirap magtanim ng sama ng loob. Dadami ang wrinkles natin diyan.”

Gayunman, hindi diretsong masagot ni Sunshine ang tanong kung posibleng magkaayos na rin sila kaagad ng ama ng kanyang tatlong anak na babae.

“Ay, naku, sa totoo lang, mahirap…

“Only God knows. Only God knows talaga!

“Pero sa ngayon talaga… biglang hindi ako nakapagsalita!

“Only God knows,” paputul-putol na pahayag ni Sunshine.

Hindi rin niya masagot ang tanong kung isinasara na niya ang kanyang pintuan at puso para sa kay Cesar.

Ang tanging sabi niya, “Sa ngayon talaga, kung ano yung mga dumarating sa akin na trabaho, doon lang ako naka-focus.

“Huwag na muna. Pabayaan na muna natin ang isa’t isa.”



WHY ONLY NOW? Kung tutuusin, hindi ito ang unang pagsubok na dumating sa relasyon ng mag-asawang Sunshine at Cesar.

Ilang beses na rin noon na-link si Cesar sa ibang female celebrities, subalit ngayon lamang nagpahayag si Sunshine na nais niyang humiwalay sa kanyang asawa.

Para kay Sunshine, “exhausted” na ang kanyang puso sa mga pinagdaanan nilang mag-asawa.

Sabi pa niya, “Siyempre, tao lang din naman tayo. Napapagod at nasasaktan din tayo.

“Pero it will heal, nandiyan naman ang Diyos.

“Sa totoo lang, wala naman akong dapat ireklamo kasi kung anuman ang mga nangyari sa akin, it made me a stronger person, a better person.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ngayon lang siya mas naging bukas tungkol sa kanyang saloobin?

Sagot ni Sunshine, “I’m not getting any younger, I’m thirty-five years old.

“Ano ang gagawin ko sa buhay ko? Gano’n na lang ba palagi? It’s a neverending cycle? Ayaw ko na.

“Of course, kapag kids na kasi ang nadadamay, mga babae ang anak ko, so kailangan ko lang gawin kung ano ang the best for the children.”



DAUGHTERS ARE AFFECTED. Aminado si Sunshine na kahit ang kanilang tatlong anak na babae ay naaapektuhan na ng kasalukuyang problema nila ni Cesar.

Kuwento ni Sunshine, "There was a time na nagkaroon sila ng konting hinanakit kasi nakakapagbasa na ’yan, naggu-Google na ’yan.

“It’s really hard to explain so I told them to ask their daddy about it.

“Ano ang gagawin ko? Sisiraan ko?

“Hindi ako ganoon. I’ve never been that way.

“Though minsan, nag-i-snap tayo, nagagalit tayo at nagpo-post tayo ng kung anu-ano.

“But I think karapatan ko ’yon bilang asawa dahil kahit sino ’yon, e, ganoon ang mararamdaman.”



BUBOY IS STILL THE FATHER. Bagamat mayroon silang problema, sinisiguro naman ni Sunshine na hindi niya ipinagkakait kay Cesar ang pagiging ama nito sa kanilang mga anak.

Sa katunayan, kamakailan lang ay nag-post pa si Sunshine ng larawan nilang pamilya sa Instagram. Ito ay kuha mula sa graduation ng kanilang mga anak.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Sunshine, “Of course, tatay ‘yon, tinext talaga ng principal na kailangan kaming pumunta both.

“Wala namang problema. Piniktyuran ko pa siya, nagpiktyuran pa kami.

“After that, inaya niya ang kids for lunch. I was there with them for lunch.

“Wala namang problem.

"Kaya nga kagaya ng sinabi ko, kagaya ng inilagay ko sa Instagram, it’s from my heart.”

Dagdag na pahayag pa ni Sunshine tungkol sa asawa, “Buboy is really a good father, a good provider, and he is really generous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as a father, hindi ko ipagdadamot sa kanya ang mga anak ko. Anak niya rin ‘yan.

“At napakabuti niya sa mga anak ko. Kaya nga kapag nagte-taping ako, nasa kanya yung mga kids.

“Wala namang problema. Nagte-text kami with regard to our children.”

Katulad ng kanyang mga naunang sinabi, hindi itinanggi ni Sunshine na nananatili ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Paliwanag niya, “Of course, kapag ang isang tao minahal mo, you want to do what will make him happy.

“Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, kung saan siya masaya, so let it be.

“The love, I will not deny that he’s my first boyfriend, my first everything.

“So, ang pagmamahal na ‘yan, kahit naman sa kanya sinabi ko, it will always be there.

“Hindi mawawala ‘yan kasi talagang minahal mo at marami kang isinakripisyo para sa taong ‘yon.

“Kaya hindi mo puwedeng sabihin na after a month or two ay wala na.

“Hindi mawawala ‘yon.

"Kahit pa siguro magkaroon pa kami ng iba’t ibang buhay, nandiyan yung pagmamahal ko sa kanya dahil siya ang tatay ng mga anak namin.

“Kamukhang-kamukha niya ang bunso naming anak. Mayroon akong little Buboy na babaeng anak!”

Sa ngayon, nakabukod na si Sunshine at kanyang mga anak kay Cesar.

Mabuti naman daw ang adjustment nila, ayon kay Sunshine, “Of course, mas simple ang bahay namin ngayon, pero happy naman kami.”

Samantala, nang subukan tanungin si Sunshine tungkol sa babaeng nali-link kay Cesar, agad itong umiwas.

Nagbiro na lamang siya at nag-promote ng bagong teleserye, “Ayan na naman ang kulot ko, nawawala na.

“Yung dugo ko, nabubuhay! Dugong Buhay, maganda! Panoorin n’yo ‘yan sa April 8!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN