Sunshine Cruz does not regret marrying Cesar Montano: “Kasi ang sarap magmahal and I will do it over and over again.”

“Kung anuman ang pinagdaanan ko—kaligayahan, kalungkutan, kahirapan—mas naging matibay ako, e. ’Coz everybody knows before that I was a dependent person to my parents and then naging boyfriend ko si Buboy. He was my first boyfriend, first sa lahat, and I became very dependent pati sa kanya. So I think wala akong dapat i-regret. Wala akong dapat babaguhin. Right now, I’m a very independent single mom and I can say that I’m stron


Si Sunshine Cruz ang naging guest ni Boy Abunda sa segment nitong “Ikaw Na!” sa late-night news program ng ABS-CBN Bandila kagabi, April 3.

Sa pinagdaanan niyang bagyo sa kanyang persnal life, ano ang mga plano niya ngayon sa kanyang buhay?

Sagot ni Sunshine, “Mga plano? Heto ako ngayon, very busy sa Dugong Buhay—ang bagong teleserye na aabangan. Sa April 8 na ito magsisimula.

“Yun lang muna.”

Matagal siyang nawala sa limelight.

“Thirteen years,” sabi ni Sunshine.

“Nagkaroon ako ng guestings—like yung sa Be Careful With My Heart, Marina, Lastikman—pero hindi talaga tulad nito na talagang isang character talaga ang pinu-portray ko.

“I feel so lucky and honored I was given this chance.”

Ano ba ang mga na-miss niya sa showiz sa matagal niyang pagkawala?

“Na-miss ko yung naka-dress up, yung naka-high heels. Yung ganitong kulut-kulot na hair,” sabay turo sa kanyang hairstyle.

Patuloy niya, “Siyempre, kung ikaw ay isang ordinaryong ina lang na nag-aalaga ng bata, lagi ka lang naka-maong, naka-flat shoes, at halos hindi ka nagme-makeup.

“So, yun ang mga nami-miss ko.”

Dugtong pa niya, “Marami talaga akong na-miss, like yung puyatan sa tapings.

“Kung tutuusin, parang hindi nakaka-miss, pero nami-miss ko yun.

“Tulad ngayon, kahit puyat ako, okey ako. And I want to tape every day.”

Kahit nga raw pagod siya, pero ito ay kakaibang klaseng pagod.

“Yeah, it’s a fulfilment for me,” pag-amin ni Sunshine.



FHM COVER. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa muling pagpu-pose ni Sunshine sa cover ng men’s magazine na FHM.

Matatandaan na si Sunshine ang kauna-unahang Pinay celebrity na nasa cover nito noong 2000.

“Yes, I was the first Pinay movie star na naging cover nito. That was April 2000.

“Ginawa ko uli dahil kay Tito Alfie,” pagbibiro ni Sunshine tungkol sa kanyang manager na si Alfie Lorenzo.

“No, lagi akong may offer to do it again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero no para sa akin before kasi I’m a plain housewife.”

Tapos, kinumbinsi na nga siya ni Alfie.

“Sabi nga niya sa akin, ‘You have to do this because it’s your 13th anniversary for them. And kung ano man ang limitations na gusto mo e masusunod.’

“So, we had na pre-prod meeting at wala namang naging problema kasi lahat sila napakabait.

“Ang galing ng stylist ko, si Bea Pantino. Ang make-up arist ko si Jake Mayuga.

“So, lahat ng requirements, pinag-usapan. Okey sila lahat sa limitasyon ko.

“Kasi, I explained to them na I have three kids na all girls, so sinabi ko na, ‘I can do this, why not, pero may limitasyon na tayo.’”

Sa tingin ba niya mas powerful ang dating ng kanyang FHM cover ngayon kumpara sa unang cover niya dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay?

Sagot ni Sunshine, “Yes, I can say, yes. Ibang-iba na pati yung emosyon.

“What Doc Marlon said, ‘Ibang-iba na, ba’t sinasabi mo, kinalawang ka na, e, hindi naman.’

“Siguro yun ang nagawa sa akin ng pagiging isang ina. I became a stronger person.

“At kung anuman yung pagsubok na dumating sa akin, I can probably say na I became a better person, that’s it.”



RELATIONSHIP WITH CESAR. Talking about mga pagsubok sa buhay, kumusta na ang relasyon nila ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano?

Sabi ni Sunshine, “Okey naman. We text. Nagte-text siya sa akin.

“Lagi niyang ka-date ang aming mga anak.

“Yesterday lang kasama niya sa Neo Salon, then nanood sila ng movie while I’m taping sa Tagaytay.

“So, wala namang problema.”

Dagdag pa niya. “I’ve been very open naman and I always tell everyone that Buboy [palayaw ni Cesar] is very caring to our children.

“Alam na alam niya kung ano ang gagawin niya at mahal na mahal ang mga anak niya—and that’s one thing na hindi ko made-deny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka hindi ko puwedeng ipagdamot sa ama kasi mabuti siya, e.”

Ano ang pinakaimportanteng bagay na natutunan niya sa kanyang pinagdaanan?

Sagot ni Sunshine, “Huwag mag-regret kung ano ang ginawa mo before.

“Kung anumang pagmamahal ang ibinuhos ko sa aking family at sa isang tao, I don’t regret doing it.

“Kasi ang sarap magmahal and I will do it over and over again.”

May tuldok na ba talaga ang relasyon nila ni Cesar?

Mabilis pero matipid na sagot ni Sunshine, “Only God knows.”

Mayroon ba siyang babaguhin sa kanyang buhay?

“Wala,” nakangiting sagot ni Sunshine.

“Kung anuman ang pinagdaanan ko—kaligayahan, kalungkutan, kahirapan—mas naging matibay ako, e.

“’Coz everybody knows before that I was a dependent person to my parents and then naging boyfriend ko si Buboy.

“He was my first boyfriend, first sa lahat, and I became very dependent pati sa kanya.

“So I think wala akong dapat i-regret. Wala akong dapat babaguhin.

“Right now, I’m a very independent single mom and I can say that I’m stronger and happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN