Face To Face hosts Amy Perez and Gelli de Belen react to latest showbiz controversies — Heart & Chiz vs Ongpaucos, Kris vs James, and Angelica vs Derek

by Glen Sibonga
Apr 4, 2013
Bilang hosts ng Face To Face, ang programa ng TV5 na tumatalakay sa mga suliranin ng mga oridinaryong mamamayan, tinanong sina Amy Perez (kaliwa) at Gelli de Belen ng kanilang opinyon sa mga maiinit na isyu ngayon sa pagitan ng mga celebrity. Naging bukas naman ang dalawa s apaglalahad ng kanilang saloobin sa mga suliraning ito.

Magdiriwang na ng ikatlong anibersaryo ang tinaguring “barangay hall on-air” at isa sa mga toprating program ng TV5—ang Face to Face.

Kaya naman nagpatawag ng press conference ang Kapatid network kahapon, Abril 3, sa TV5 Broadway Studio, na dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Present sa presscon ang dalawang hosts nito na sina Amy Perez at Gelli de Belen.

Originally, si Amy talaga ang host ng show. Pero nang umabot na siya sa maselang bahagi ng kanyang pagbubuntis last year ay pansamantalang humalili sa kanya si Gelli sa loob ng ilang buwan.

Isang linggong ipagdiriwang ng Face to Face ang anibersaryo nito simula Abril 8-12 sa bago nitong timeslot na 4:30 p.m. sa TV5.

Mapapanood pa sa ilang episode ng programa si Gelli bago tuluyang bumalik si Amy sa April 10, Miyerkules, kung saan magsasama silang mag-host ng show.

Bilang mga host ng Face to Face, kasama rin sina Amy at Gelli sa nagbibigay ng mga payo sa mga nag-aaway na magkakapamilya, magkakapatid, magkakaibigan o magkakakilala.

Continue reading below ↓

Bukod iyan sa mga payong nanggagaling sa resident advisers o "Trio Tagapayo" ng show na kinabibilangan nina Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta at Atty. Benedicto Acosta Jr. bilang mga legal expert; Father Sonny Merida bilang spiritual adviser; at Dr. Camille Garcia bilang resident psychologist.

Kaya naman sa presscon ay hindi naiwasang hingan ng komento at payo ng entertainment press sina Amy at Gelli tungkol sa nagaganap na mga kontrobersiyal na awayan sa showbiz ngayon.

Kabilang na nga rito ang iringan ng magkasintahang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero kontra sa mga magulang ng aktres na sina Rey at Cecile Ongpauco.

Gayundin ang umabot na sa legal battle na problema ng dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap.

At ang tila hindi pa maka-move on na nakaraan ng dating magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.



HEART & CHIZ VS. THE ONGPAUCOS. Tinanong muna sina Gelli at Amy tungkol sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang ni Heart sa relasyon ng aktres kay Chiz.

Matapos malaman ang isyu ay nagbigay na ng kanyang panig si Gelli.

Aniya, “E, ganyan talaga ang magulang. Dahil sa kanilang pagmamalasakit sa kanilang mga anak, may pangaral sila sa kanilang mga anak na gusto nilang mangyari, which is their right because they are the parents.

“And of course, si Heart, buhay niya naman iyon and she’s of age, it’s really up to her.”

Kanino siya naka-side?

Sagot ni Gelli, “Wala. We [as hosts] are not allowed [to take sides]. Kailangan nasa gitna ka.”

Ano naman ang maibibigay niyang payo?

“Ang payo ko na lang ay kung maaayos na hindi kinakailangan na ipinamamalita sa buong mundo, mas maigi siguro para mas tahimik.

“Kasi pag mas maraming nasasabi, mas maraming nasasaktan. Pag nagkabati, meron nang nalamat na mga relasyon.

“Yun lang sa akin siguro.

“Kasi wala naman akong alam talaga kung ano yung puno’t dulo ng kanilang problema.

“But I guess, less said, less harm done.

Continue reading below ↓

“If you can talk about it amongst yourselves, within the family, it would be best for everybody.

“If magkatuluyan man si Chiz at saka si Heart, it’s their life.

“E, kung hindi, if she chose to listen to her parents, which will be okay also.

“Ayusin na lang nila privately, since maraming nadadamay.

“Pag nagsasalita, lalaki ang gulo.

“Baka mamaya, yung pinsala, hindi na talaga maayos.”

Tama ba na kahit 28 years old na si Heart ay pinakikialaman pa ng parents niya?

Saad ni Gelli, “Iyan ang right talaga ng magulang. Karapatan nila iyan, anak nila iyan, e.

“Kahit ako, pag trenta na ang anak ko, wala akong paki [pakialam]. I will say what I want to say and kung kailangan ko siyang pangaralan.

“Kasi hindi naman tumitigil ang pagiging magulang, e, just because you’re of age.

“Iyan ang natutunan ko sa pagkakaroon ng mga anak.

“Kasi noong bata ako, noong twenty-four ako, iyan ang sinasabi ko, ‘I’m twenty-four already. I can decide for myself.’

Continue reading below ↓

“But you know, now that I’m a parent, I realize na hindi natatapos ang pagiging magulang porke ikaw ay of age, porke ikaw ay may anak at asawa na, hindi natatapos.

“Kasi magulang ka, e, gusto mo yung best para sa anak mo. Ayaw mo siyang masaktan, mapariwara.

“Right ng magulang iyon.

“Ngayon, kung makikinig ang anak, nasa kanila iyon.”

Nakikita rin ba niya yung side ni Heart na ipinaglalaban si Chiz?

“Oo naman. E, siyempre pag-ibig iyan, e—pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Sumasang-ayon din si Amy sa mga sinabi ni Gelli.

Dagdag pa ni Amy, “Siguro if you’re going to ask us that question at nasa edad kami ng 26, 27, baka maging iba yung sagot namin.

“But we are answering that question now, coming from a parent’s ano [point of view]…

“Magulang na rin kami at nanay kami pareho na mga lalaki ang mga anak namin pareho.

Continue reading below ↓

“So, siguro tama yung sinabi ni Gelli na hindi matatapos yung pagiging magulang natin.

“Lagi ko iyang sinasabi kay Adi [panganay na anak ni Amy], walang bata na lumabas sa sinapupunan ng nanay na alam na niya ang lahat.

“Walang bata na lumabas na college graduate na, na alam na ang dapat sundin ng isang bata in a natural way, na alam naman natin na kailangan, di ba?

“Kahit yung simpleng pagsisipilyo, sinasabi ko iyon kay Adi, ‘I know nagagalit ka sa akin but I have to remind you every now and then that you have to brush your teeth. But you know, these are the things that I need to do because I am your mom. Wala nang ibang magsasabi sa iyo nito kundi ako din.’

“So, siguro yung nangyayari din sa parents ni Heart ngayon… kasi like speaking from experience, kung nakinig lang ako sa mga magulang ko when I was twenty-seven, when I got married, siguro baka mas nasa mabuting sitwasyon ako ngayon.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Amy ay ang pagpapakasal niya sa dating frontman ng South Border na si Brix Ferraris, na nauwi sa hiwalayan. Hanggang ngayon ay hindi pa naa-annul ang kanilang kasal.

Singit ni Gelli, “But if you think about it, you would not be the person you are right now [if not for that experience].”

Sinegundahan ito ni Amy, “Yun din, kumbaga, hindi naman din ako magiging ganito katatag sa buhay kung hindi ko naranasan kung ano yung dinanas ko na iyon.

“Ako, hindi sa proud ako na sine-share ko iyon, but I always tell that sa lahat ng nagiging bisita namin na babae dito [sa Face to Face] na,. ‘Huwag kayong magmadali. Huwag kayong mag-boyfriend agad-agad.’

“Kasi ako, lahat minadali ko iyon, e. So, ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko masasabing puwede kong ipagmalaki, di ba?

“Pero lahat ng pinagdaanan ko na iyon, it made me a better person and it made me realize a lot of things.

Continue reading below ↓

“It made me realize now, actually mga ten years ago iyon when I was thirty, na-realize ko yung worth ng mga magulang ko.

“Noong una, feeling ko parang napakalaking ano iyon… na paulit-ulit sila sa akin, na very strict sila sa akin.

“So, now that I’m a parent, doon ko na-realize yung kahalagahan ng ginagawa na kaya pala ganun ang mommy ko at daddy ko sa akin, because may maganda silang pangarap para sa akin.

“So, sa tingin ko, doon sa nangyayari kay Heart at doon sa problema sa family niya, maganda lang siguro din, tama si Gelli, na pag-usapan nila iyon na, kumbaga, wala na masyadong sakitan.

“Kasi mahirap ngayon, e, hindi mo na puwedeng i-delete.

“Kapag nagpa-interview ka, mamaya lang nasa Internet na, di ba?

“So, ngayon you have to be very, very careful with what you say and what you do kasi ang anak mo, in the future, makikita’t makikita nila iyon.”

Continue reading below ↓

Biro tuloy ni Gelli, “Ang suwerte natin ‘no, kasi noong time natin, hindi pa uso masyado yung Internet.”

Natatawa namang dagdag ni Amy, “Oo, noong araw, nung maeskandalo pa ang mga buhay natin, wala iyan.”



TO VOTE OR NOT TO VOTE FOR CHIZ. Tumatakbo ulit bilang senador si Chiz sa May 2013 elections. Iboboto ba nila ito?

“Pag-isipan pa natin,” sabi ni Gelli. “Last time ibinoto ko siya. Isipin natin ulit.”

May kinalaman ba ang intriga sa senador ngayon kaya hindi pa siya sigurado kung iboboto niya ito ngayon?

Sabi ni Gelli, “Ay hindi, not because of that. It has nothing to do with his job.

“If ever I vote for him or don’t vote for him it’s not because of the Heart issue. It has nothing to do with that.”



KRIS VS. JAMES. Sumunod namang hiningi ang payo nina Gelli at Amy sa sigalot sa pagitan nina Kris at James na apektado rin ang anak nilang si Baby James o Bimby.

Continue reading below ↓

Unang nagsalita si Amy.

Aniya, “Mahirap kasi yung kaso since hindi namin alam kung ano yung pinagmulan ng away talaga nila.

“But I guess lahat ng mga mothers sasang-ayon sa sasabihin siguro naming dalawa ni Gelli na it would be best na mapag-usapan na lang nila iyon privately.

“Kasi, at the end of the day, na-realize din namin dito sa Face to Face, na ang palaging biktima in any separation—whether mayaman, mahirap, middle-class—always ang biktima ay yung bata.

“At always ang bumibitbit ng epekto ng paghihiwalay ng bawat mga magulang ay ang bata.

“So, alam ko iyan kasi nanggaling din ako doon sa experience na nahiwalay ako at yung anak ko hanggang ngayon ay inaalalayan ko, mino-monitor ko at hinahanda ko siya na makaharap din niya yung tatay niya, di ba?

“So, sana yun lang maayos na sana nila privately para na rin sa bata.”

Ang tinutukoy ni Amy na nahiwalay siya ay kay Brix Ferraris, dating lead vocalist ng bandang South Border at tatay nga ng anak niyang si Adi.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang partner ngayon ni Amy ang radio host na si Carlo Castillo, kung saan may dalawa siyang anak.

Sumang-ayon naman si Gelli sa payo ni Amy.

Sabi nga ni Gelli, “I totally agree. Totoo iyan, kasi kahit anong sabihin mo, talagang may differences.

“So, less talk , ess mistake.

“Kasi parang yung bata [Bimby], kahit na he’s very young, imposibleng he does not understand or he does not know what’s going on.

“So, kahit ano pa man, I’m sure may mga problema talaga sila, but since we don’t really know kung ano ang puno’t dulo, ang masasabi lang natin siguro sa dulong iyon, ang isipin lang nila, kung ano ang kapakanan nung bata, kung ano ba ang mangyayari sa batang iyon.

“Kung manalo si ganito [sa kaso], kung matalo si ganito, sino ba talaga ang panalo, di ba?

“Yung bata lang talaga ang isipin nila sa lahat-lahat.”



ANGELICA VS. DEREK. Matagal nang hiwalay sina Angelica at Derek pero hanggang ngayon ay hindi pa maka-move on ang isyu sa kanila dahil diumano’y panay pa rin ang pagsasalita ni Angelica tungkol sa nakaraan nila ni Derek.

Continue reading below ↓

Reaksiyon ni Gelli dito, “Baka kasi may pinanggagalingan pa si Angelica. Baka may sinasabi sa kanya, may ipinaparating.

“Kasi bilang artista din naman ako, alam ko iyan e na parang tapos na yung isyu, pero parang may bumubulong sa iyo, ‘Ay naku, sinabi ni ganito. Isinulat ni ganito na ganyan ka pala.’

“Hay naku, kung alam n’yo lang ang pinagdaanan ko. Kumbaga, may hurt pa.”

Pero tama bang magsalita pa kahit tapos na ang relasyon?

“E, kasi ang point of view namin, yung point of view na natapos na diyan, e.

“Sasabihin namin dapat hindi na. Pero kung bagets ka pang ganyan…”

Biglang singit ni Amy, “Nung nandun kami sa edad na yun, ganun din kami, e. Ngawa kami nang ngawa.

“Kaya lang, masuwerte kami ni Gelli, wala pang Internet. Wala pang mga ganun, so hindi pa masyado [maingay tulad ngayon].

“Ang dapat interbyuhin n’yo diyan, yung mga operator ng Easy Call at Bayantel, kasi sila ang nakakaalam.

Continue reading below ↓

“Bawal ang mga mura. ‘Ma’am, bawal po iyan. Paki-delete.’ Hindi pupuwede.”

Noong panahon daw kasi nila ay pager pa ang uso. Wala pa ang high-tech cellphones at social networking media gaya ng Twitter at Facebook.

Pakiramdam ba nila nakaka-relate din sila kay Angelica?

Sagot ni Amy, “Lahat naman tayong mga babae, aminin naman natin dumaan tayo sa mga karumal-dumal na mga pangyayari pagdating sa kuwento ng pag-ibig.

“At sa isang punto rin ng buhay natin ay naging T-A-N-G-A tayo lahat sa mga pag-ibig natin.

“So, talagang ganun. Let’s just wait na ma-overcome nila yun pareho para tapos na.”

“Lilipas din iyan,” sabi naman ni Gelli.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang hosts ng Face To Face, ang programa ng TV5 na tumatalakay sa mga suliranin ng mga oridinaryong mamamayan, tinanong sina Amy Perez (kaliwa) at Gelli de Belen ng kanilang opinyon sa mga maiinit na isyu ngayon sa pagitan ng mga celebrity. Naging bukas naman ang dalawa s apaglalahad ng kanilang saloobin sa mga suliraning ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results