Bela Padilla on boyfriend Neil Arce: “It’s a bonus na he’s not from showbiz.”

Kilalang-kilala na raw ni Bela Padilla ang pinsan niyang si Kylie Padilla. Sabi niya, “Pero madali siyang mahulaan pag malungkot siya. Pag gusto niyang magkuwento, nagkukuwento siya. Pag hindi, okay lang.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bela Padilla noong March 31 ay kasama niya ang current boyfriend niyang si Neil Arce.

Hindi ba possessive ang boyfriend ni Bela kapag may kissing scenes siya sa kanyang leading men?

Sagot ng Kapuso actress, “No, not all! Ano lang… a, wala. Wala naman siyang sinasabi—he trusts my decisions.”

Paano niya binibigyan ng assurance na trabaho lang ito at wala siyang dapat na ikaselos?

“Parang hindi ko pa kinailangang gawin yun, ever… so, far. Parang hindi pa ako nagkaroon ng… speaking of.

“Parang hindi pa ako nagkaroon ng time na kailangan kong gawin yun.”



RELATIONSHIPS. Si Neil Arce ay ex-boyfriend ni Maxene Magalona, na ang boyfriend ngayon ay ang anak ni Lorna Tolentino na si Renz Fernandez.

Nabalitang hindi maayos ang hiwalayang Neil at Maxene kaya hindi pa puwedeng magkita ang dalawa.

Reaksyon naman ni Bela dito, “A, talaga? Hindi ko alam, e.

“Siguro I don’t wanna comment on that, kasi wala akong alam sa naging problem nila. Let’s leave it to them na lang.”

Sila ni Maxene, nagkikita ba?

“Pag kami, oo. Okay lang. Lagi naman kaming nagkakasalubong dito sa GMA, e.”

Hindi ba sila nagkakakuwentuhan?

“Kasi even before, hindi naman talaga kami close ni Maxene. Parang iba kami ng circle of friends.

“Pero she’s a nice girl. It’s just that we never had a chance… wala pa kaming show together.

“So, never pa kaming nagkaroon ng chance na mag-usap.”

Bakit masaya si Bela sa boyfriend niya?

“He’s very nice naman. Wala naman kaming problema,” nangingiting sagot niya.



CONSTANT ESCORT. Okay ba sa relationship na ang boyfriend ay hindi taga-showbiz para palagi niyang nakakasama?

Sabi ni Bela, “Feeling ko, depends on the people.

"If you wanna see each other, you’re gonna make a way to see each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I guess, it’s a bonus na he’s not from showbiz.

“So minsan, pag may taping ako, puwede niya akong dalawin or pag nasa house ako… lagi siyang nasa bahay.

"Nakikita siya ng mommy ko lagi."

Kumusta naman ang mommy niya at ang boyfriend ni Bela? Pabor ba naman ang nanay niya kay Neil?

“Oo, okay naman siya sa mommy ko. Lagi naman siyang nagpapakita.

“Hindi naman siya yung parang ibang tao na itinatago talaga.

“Even noong when he was just asking me out pa lang… okay naman siya.”



COUSIN KYLIE PADILLA. Nagkataon namang hindi lang si Bela ang may lovelife, kundi pati ang pinsan niyang si Kylie Padilla na boyfriend naman si Aljur Abrenica.

Nagkakausap na ba sila ni Kylie?

“Oo. Kelan nga ba kami huling nagkita? Noong Sunday sa Party Pilipinas.”

Napag-uusapan ba nila ang mga kanya-kanya lovelife?

“Ahmm… si Kylie kasi very secretive. Kailangan mo pang ilabas sa kanya or…

“Ang ginagawa ko, ang style ko kay Kylie, sinasabi ko lang sa kanya na I’m here for her.

“Kapag nakikita ko na yung mga tweets niya, parang medyo malungkot, ganyan-ganyan, iti-text ko na siya, ‘Hey, Kyle! Are you okay?’ Magri-reply na siya.

“So, very transparent siya pero hindi siya makuwento—secretive. So, yun!

“Pero madali siyang mahulaan pag malungkot siya.

"Pag gusto niyang magkuwento, nagkukuwento siya. Pag hindi, okay lang.”

Bakit naman nalulungkot si Kylie? Dahil ba malayo siya sa daddy niyang si Robin Padilla o dahil sa boyfriend ng young actress na si Aljur Abrenica?

“Ay, hindi. He’s [Robin] back with the family na!

“I don’t know, may mga days lang siguro na iba talaga pag gising mo, hindi maganda yung araw mo. Baka ganoon lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN