Richard Yap explains his aloofness: “Ganoon talaga ako... I tried to be ma-PR as possible, pero, hindi kasi ako yun."

Hindi raw uubra kay Richard Yap ang mga “temptations” ng showbiz. Aniya: “I think at my age, I know better. You know, you have to keep yourself away from these things.”


Sina Richard Yap at Daniel Padilla ang dalawang bagong mukha ng Amigo Segurado products.

Nagkaroon ng press launch ang nasabing brand kagabi, April 4, sa 55 Events Place, kung saan ipinakilala ang dalawang Kapamilya “heartthrobs” as endorsers.

Dito tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard kung bakit silang dalawa ni Daniel ang napiling pagsamahin.

Ayon sa 45-year-old actor, “Yun na nga, sinabi nila na gusto nilang ma-ano ang dalawang market—for the younger market to the more mature market.”


ROAD SHOW. Kumusta naman ang initial leg ng worldwide tour ng Be Careful With My Heart?

Nakangiting kuwento niya, “Okay naman, I think it was very successful because we saw a lot of people there.

“Sabi naman ng mga producers, it was sold-out daw. I trust them that they were honest naman. Marami namang tao na nandoon.

“A lot of people who went to Abu Dhabi went also to Dubai. Twice sila nanood. So, I think, they enjoyed it.”

Sa Amerika at sa Canada naman daw ngayong May ang susunod nilang show.

Hanggang kailan pa ba ang Be Careful With My Heart?

“They haven’t told us yet kung hanggang kailan, but we feel that the story is going to be a long way.”


TEMPTATIONS. Hindi naman maikakaila na “late” na kumpara sa maraming artista ang pagpasok ni Richard sa showbiz. Sa katunayan, pamilyadong tao na siya noong sumikat.

Well-liked siya at maraming babae ang tumatawag sa kanya ng "Papa Chen" at "Sir Chief," paano siya nakakaiwas sa tukso?

“I think at my age, I know better,” ang seryoso niyang tugon.

“You know, you have to keep yourself away from these things.

“If you see something that is not right, you try to stay away kaagad, and my wife is always with me.

“So, that helps keep me grounded… good.

"So, you know, you also have to think of your family also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung mga “screaming fans” niya, yung mga kinikilig talaga sa kanya, ano ang nararamdaman niya sa mga ito?

“Nakakatuwa, e, you make them happy. You make people happy.

“For me, kung yun lang ang magpapasaya ng mga tao, okay na para sa akin yun. Kasi, we’re here— I mean, we’re here in this world for a reason.

“If you can make other people happy, it’s a very satisfying job already.”

Sanay na ba siya sa tagumpay at kasikatan na meron siya ngayon?

“Well, I don’t think it’s something that you should be resting on.

“Even if you do something that is successful, you should always try to improve yourself to do better. So, I think success is relative.”


PHENOMENAL. Yung Be Careful With My Heart, masasabing phenomenal ang naging success nito.

“Yes, even sa amin,” nakangiting sang-ayon naman ni Richard.

What’s next pagkatapos ng Be Careful With My Heart?

Kasi, sa estado niya, dapat mahigitan o ma-sustain niya yung naging epekto niya sa manonood dahil sa kanilang teleserye ngayon.

“Ako kasi, when I started in showbiz, I never expected anything.

“So, I started in Binondo Girl, I didn’t expect na may susunod pa.

“And then, it was offered to me, nagdalawang-isip pa ako kasi, I wasn’t sure if I want to go in showbiz full-time.

“So, noong pinasok na namin and it was, sabi nila, phenomenal nga and it was successful, I don’t want to pressure myself and think na dapat yung next kong project, mas maganda, mas successful.

“Basta, we take things one day at a time.”

Pero naiisip niya na may pressure na sa part niya?

Ayon kay Richard, “Kasi ako, flexible ako, kung hindi na ako puwede sa showbiz, I can go back doing business.

“So, I don’t really have to pressure myself na kailangan maging successful ako rito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of success, anu-ano ang mga naging pagbabago sa kanya simula noong mas naging popular siya?

“I think, I’m still the person I was. Kung minsan moody ako, it’s because I think, I was already like that before.

“Kapag pagod ako o gutom ako,” natawa niyang sabi.

“Hindi ako nagbago. Siguro mas nakikita lang ako, mas noticeable lang kasi, I’m on TV.”

Sa personal na buhay niya, lalo na sa married life, walang nabago?

“Well, we’ve grown closer together because of the business. Palagi na lang kaming magkasama.

“Kasi, before, when I was still working, I have time to go out pa. Minsan magdyi-gym ako or magbi-billiards with my friends.

“Ngayon, wala talagang oras, so, trabaho-bahay, bahay-trabaho.”

Sa lahat ng pinupuntahan niya, kasama niya ang misis niya?

“Hindi naman sa lahat,” ang natatawa niyang sagot.

“Minsan, on the set, hindi na siya sumasama sa set. Kasi, she has to take care of the kids also. Yun lang…”


CELEBRITY DAD. May dalawang anak si Sir Chief, sina Ashley, 16, at Dylan, 10.

Naapektuhan na rin ba ang mga ito ng kasikatan niya?

“Sa school naman, hindi naman kasi, more or less, yung mga friends niya, palaging nasa bahay.

“So, more or less, they knew me already.”

Kapag nagpupunta siya sa school, hindi ba siya pinagkakaguluhan ng mga teachers nito?

“Sa mga parents, sa teachers, sa students, hindi naman masyado.

“Parang nasanay na rin sila. Minsan, kapag may nagpapakuha ng picture, sila ang kumukuha.”

May gusto rin ba na mag-artista sa mga anak niya?

“Siguro after they finish their studies. I want them to finish their studies first.

“My children, medyo artistic, e. Mahilig sa music, sa art. I tell them to finish their school first before they think about it.”

Kumusta naman si Melody na real-life wife niya? Hindi ba ito natatakot sa posibleng maging epekto ng showbiz sa kanilang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi takot, e, because she’s helping me out. She prepares my things.

“Actually, kapag minsan, nasa out-of-town kami, walang make-up artist, walang stylist, siya na ang gumagawa sa akin.”

Wala rin daw talaga siyang production assistant o P.A. na kasa-kasama.


REAL RICHARD. Samantala, may mga nagtanong naman tungkol sa pagiging aloof niya minsan.

“Ganoon talaga ako, even before. I don’t get to warm up to people very much.

“It took a long time for me to really know people. Hindi ako madaldal when it comes to maging kaibigan with other people.

“I tried to be ma-PR as possible, pero, hindi kasi ako yun. I don’t want to be plastic na, ‘Kumusta kayo?’

“It’s not me, e. I just want to be myself.”

Kinamusta din namin si Richard sa closeness na meron na sila ng leading lady niya sa Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Richard, “Kami ni Jodi, we’ve been together for a long time.

“Marami na kaming pinagdaanan, so, we talk to each other a lot, so, we could say that we are good friends.”

Napag-uusapan din nilang dalawa ang ilang personal na bagay?

“Yeah, about our kids, about family life.”

Pati lovelife?

“Hindi naman, hindi ko naman pinapakialaman ang lovelife niya,” ang natatawang sabi niya.

Dapat daw, may planong isapelikula ang Be Careful With My Heart, pero, mukhang hindi raw kakayanin ng schedules nila.

Pero ayon kay Richard, “I have a cameo role for Extra, yung movie ni Gov. Vilma Santos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN