PEPtalk. Newbie actress Kim Rodriguez denies involvement in Enzo Pineda-Louise delos Reyes split

Kim says, "Nililinaw ko lang, hindi po ako yung dahilan ng kanilang paghihiwalay, nila ni Louise. Kasi mahirap na po kasing manghimasok sa may relasyon, e."

Click here to view Kim’s PEPtalk video!


Sa huling bahagi ng PEPtalk kasama ang cast ng Kakambal Ni Eliana, ang lead actress naman nito na si Kim Rodriguez ang makaka-one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) staff writer na si Kathleen Benavidez.

Sa interview kay Kim, lumipat ng location ng PEPtalk sa library ng Summit Media headquarters.

Naging mas intimate ang mood ng interview at mas nakilala ng PEP staff ang makulit at bubbly na personality ni Kim.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ay kung meron nga bang namumuong rivalry sa pagitan nila ng co-star niyang si Lexi Fernandez at kung sinu-sino nga ba ang kanyang mga crush sa showbiz.

Ngunit bago napunta diyan ang usapan, narito ang kanilang interview:

NAME CHANGE. Unang nakilala si Kim bilang “Kim Komatsu.” Ngunit ngayong meron na siyang title role, pinalitan na ang kanyang apelyido at ginawa itong Rodriguez.

Saad ni Kim, “A, kasi ang Kim Komatsu, galing siya sa stepfather ko. Ang Rodriguez naman is sa lola ko.

“Bilang yung lola ko naman ang nagpalaki sa akin, bilang throwback sa pagmamahal niya sa akin, e, yung Rodriguez yung ginamit ko.”

Kathleen: “Balita namin Kim, lumaki ka daw sa lola [mo]. So, nasaan na ba yung parents mo?"

Kim: “Ayun, kasi bata pa lang ako, yung mommy ko pumunta na sa Japan. Bali, doon siya nagwo-work.

“’Tapos kaya niya ako iniwan sa lola ko ngayon, kaso nga lang yung lola ko, e, she passed away last 2009.

“Kaya kasama ko ngayon sa bahay yung tito ko, bali yung kapatid ng mommy ko.”

Kathleen: “So, nasaan yung mother mo ngayon?”

Kim: “Nasa Japan siya, nagwo-work. Kasama siya nung kapatid ko.”

Kathleen: “And meron pa rin kayong communication naman?”

Kim: “Yeah, every day naman siya tumatawag—a, hindi naman araw-araw [tumatawag] pero araw-araw kaming nagtsa-chat.

“‘Ma, may taping ako bukas,’ ganyan.”

Kathleen: “And anong feeling niya na ito nga, ilo-launch ka na? Na may sarili ka nang show na ikaw yung bida?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kim: “Siyempre kahit ako, sobrang saya ko. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala na ako yung lead.

“’Tsaka yung mommy ko, parang siya yung pinakamasaya sa buong mundo.”

LEAD ROLE. Laking-pasasalamat din ni Kim sa GMA dahil binigyan siya ng pagkakataong maging bida sa isang drama series. Sa bahaging ito, tinanong ng PEPtalk host na si Kathleen kung ano nga ba ang pakiramdam ng magkaroon na siya ng lead role.

Kim: “Siyempre thankful and honored ako. Hindi ko naman akalain na ako yung pipiliin ng GMA, kasi maraming magagaling na artista, e. Kaya hindi ko talaga expected na ako yung makukuha ng GMA.

“’Tsaka thankful ako kasi pinagkatiwalaan ako ng GMA na ipakita yung talento ko sa pag-arte.”

Kathleen: “Sa tingin mo, bakit? Kasi, di ba si Lexi, nakasama mo daw siya sa Tween Hearts...?”

Kim: “Nagkaabot kami, oo.”

Kathleen: “Bago pa yun, parang ang dami na nilang shows and ang dami ring tween stars na ang dami na ring shows before, pero ikaw yung unang nabigyan ng break. Tingin mo, bakit?”

Kim: “Hindi ko rin alam, e. Pero siguro ano parang may nakita sila sa akin na babagay sa role ni Eliana.”

Kathleen: “Ano sa tingin mo yun?”

Kim: “Kasi si Eliana parang mabait, parang maamo yung mukha. Wow, ibig sabihin maamo yung mukha ko?

“Mabait siya. ’tapos si Eliana kasi, lumaki siya sa lola din niya... Sa lolo pala. So, ako, lumaki rin ako sa lola ko.”

Kathleen: “Hindi ka ba natatakot na, since meron ka nang lead role, hindi ka ba natatakot na maikumpara sa ibang primetime actresses ng GMA?”

Kim: “Siguro, lahat naman ng artista naikukumpara... Na-practice ko ‘yan. Ready na ako.

“Ready na rin kasi hindi lang naman ako yung nakumpara, e.

“Parang maraming artista na rin kasi di mo naman maiiwasan yun, e. ’Tsaka kung maikumpara man ako, e, dedmahin ko na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE LIFE. Hindi na rin pinalagpas ng PEP na tanungin kung ano nga ba ang masasabi niya dahil nadawit ang kanyang pangalan sa hiwalayang Enzo Pineda at Louise delos Reyes.

Natatawang sagot ni Kim, “Ako talaga?”

Paliwanag pa ng baguhang actress, “Kasi ako, hindi ko naman talaga alam yung nangyari sa kanila, e.

“’Tsaka, hindi—nililinaw ko lang. Hindi po ako yung dahilan ng kanilang paghihiwalay nila ni Louise. Kasi mahirap na po kasing manghimasok sa may relasyon, e.

“Lalo na hindi ko po alam yung nangyayari sa kanila. At saka si Enzo, mabait ‘yan.

“Magkaibigan lang kami ni Enzo at saka nagkakilala lang kami ni Enzo nung taping namin ng Eliana, e. Hindi kami close, pero nung nag-start na yung taping, doon kami nagka-bonding, doon kami naging close.”

Kathleen: “Sa tingin mo ba may chance na ma-fall ka sa isa sa mga co-stars mo like si Enzo…?”

Natatawang sagot ni Kim, “Agad-agad?”

Kathleen: “Or magkagusto man lang?”

Kim: “Magkagusto? Hindi ko alam pero parehas naman silang guwapo. Parehas din malambing. Hindi ko alam, e.”

Kathleen: “Pero sino yung showbiz crush mo?”

Kim: “A, puwede ba yung mas ahead sa akin o ka-level ko lang?”

Kathleen: “Kahit sino, kahit [mas] matanda sa ‘yo.”

Kinikilig na sagot ni Kim, “Si Ano... Si Kuya Richard Gutierrez at si Dennis Trillo.”

Kathleen: “So, pangarap mo silang maka-work?”

Kim: “Si Kuya Dennis, nakasama ko siya sa Sinner Or Saint. Siya yung ano ko, kuya ko doon. Doon ako na-in love. Na-in love talaga? [Doon ako] nagkagusto sa kanya. Ay, ano ba?”

Kathleen: “So, na-mention mo na nilalambing ka nila Kristoffer and Enzo. Paano ba kayo set? Feeling ko ang saya-saya nyo sa set kasi ang kukulit ninyo.”

Kim: “Sobra! Di ba nakasama mo na sila? Sobrang saya nila, as in kahit umagang-umaga, alam mo yung parang... Di ba, pag-umaga parang inaatuk-antok pa? Pero sila, ang alive na alive na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Hoy kamusta!’ Parang hindi nagkita nang matagal, pero kahapon magkasama lang kami. Parang ganun... Masaya kami sa set.”

RIVALRY WITH LEXI. Dumako rin ang usapan kung meron nga bang selosang nagaganap sa pagitan nila ng co-star na si Lexi Fernandez dahil mas nauna siyang nabigyan ng title role kaysa kay Lexi.

Kathleen: “Pati ba si Lexi close na kayo?”

Kim: “Oo, nag-start yung—kasi dati isang beses ko pa lang siya nakakasama sa show, e, bali sa Tween Hearts.

“Bali yung last na taping niya, e, yun naman yung unang araw ko. Kaya nung una, hindi pa kami ganun ka-close. Nangangapa pa ako bilang bago nga ako.

“’Tapos yung simula nga nung workshop namin, e, yun sobrang close na naming lahat.”

Kathleen: “Sa inyo ba ni Lexi, wala bang nagaganap na rivalry since yun nga, nauna ka pang i-launch kesa sa kanya?”

Kim: “Wala naman, wala namang ganung feeling! Hindi mo mararamdaman na may ganung feeling. Masaya kami...yun.”

KAKAMBAL NI ELIANA. Sa bahaging ito, kinilala naman ni Kathleen ang character na gagampanan ni Kim sa Kakambal Ni Eliana.

Kathleen: “So, paano ka ba nila iwi-win dito sa Eliana? Paano nila iwi-win si Eliana, si Kristoffer at si Enzo? Paano nila makukuha si Eliana dito sa show?”

Kim: “A, ‘yan ang mga dapat nila [viewers] abangan!”

Kathleen: “I-describe mo nga yung role mo dito?”

Kim: “Ako po dito si Eliana na may kakambal na ahas. Ano, iisa lang yung spinal cord namin, kaya kapag nakakaramdam ako ng emosyon, masaya, malungkot, lumalabas siya.

“Katulad ngayon, masaya ako baka lumabas siya. Gusto mo palabasin ko?”

Natatawang sagot ni Kathleen, “Wag na!”

Kim: “Ayun lumalabas siya pag nakakaramdam ako ng emosyon. Lalabas siya dito [sa balikat] o kaya sa kabila tapos pupulupot siya sa braso ko.”

Kathleen: “Ano bang conflict ni Eliana dito? Bakit meron siyang kakambal na ahas?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kim: “Kasi nung bata ako, kasi mama ko dito si Tita Jean Garcia.”

“Hi, Tita Jean!” biglang bati ni Kim.

Dagdag pa niya, “’Tapos ano, tatay ko dito si Jomari Yllana. Bali silang yung mag-boyfriend, ganun.

“’Tapos nasa snake farm sila, ’tapos nagkagustuhan sila, ’tapos si Mama ko, natuklaw siya ng ahas. ’Tapos yun nung [nailuwal] na ako, may kakambal na akong ahas.”

Kathleen: “Anong ginagawa nung ahas? Harmful ba siya pag nagagalit ka?”

Kim: “Hindi naman... Kasi si Naha [yung ahas] kasi opposite ko siya, e.

“Ako kasi mabait ako dito. As in kahit inaaping-api na ako, mabait pa rin ako. Pero siya, parang siya yung tagapaligtas ko.

“Pero siya yung parang tagapagligtas ko, pero ako, ayaw kong nililigtas niya ako. Kasi ayaw kong nakakasakit siya ng ibang tao.”

Sa pagtatapos ng kanilang interview, ipinakita ni Kim ang kanyang “hidden talent.”

Dahil idol niya ang primetime queen na si Marian Rivera, ginaya niya ang dance moves ni Marian bilang si Marimar.

Click here to view Kim’s PEPtalk video!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN