John Estrada airs grievance against ex-wife Janice de Belen; says, “Gusto ko lang sabihin na never ko pinabayaan ang mga anak ko.”

John readily admits that he’s not a perfect dad. He says, “Masama ang loob ko, kasi through all these years... Believe me, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. I’m not a perfect dad, but who is?”


Galit si John Estrada sa pahayag ng kanyang ex-wife na si Janice de Belen na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak.

Sa report ni Ginger Conejero ng ABS-CBN News kahapon, April 5, sinabi ni John na hindi siya nagpabaya sa kanyang mga anak.

Sabi ni John “I think this is the right time. My kids are grown up. May utak na silang sarili nila. And gusto ko lang sabihin na never ko pinabayaan ang mga anak ko.”

Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Janice na hindi pa siya handang makipag-usap sa dating asawa at kung meron man silang komunikasyon ay dahil lang sa kanilang mga anak.

Sabi pa ni Janice, “It’s not about me... Sa akin, simple lang. It has nothing to do with me, it has nothing to do with my past with him. It’s just simple, support your children right.”

FOLLOWING COURT ORDER. Nilinaw din ni John na may sinusunod siyang court order kung saan nakasaad dito kung magkano ang dapat niyang ibigay sa kanilang mga anak bilang suporta.

Sabi niya, “Yung sinasabi ni Janice na magiging okay kami if I support my kids right, korte na po ang nagsasabi— kasi dinala niya ako sa korte na I didn’t contest— ito dapat ang ibigay mo sa mga anak mo, yun talaga.

“Ano pa bang hindi tama na korte na nagsabi na ito dapat ang ibibigay ko sa mga anak ko? And I give more.”

Nagbigay naman ng detalye ang actor-TV host sa mga suportang ibinigay niya sa mga anak.

Aniya, “I love my kids. Isa nag-graduate na ng college na mula naghiwalay kami [ni Janice], ako nagbabayad ng tuition, medical, dental. May monthly sila, may pa-kotse pa sila.”

Dagdag pa nito, “E, bakit kailangan ko naman sabihin sa tao ’yun? Bakit naman kailangan ipagyabang ’yun o isiwalat sa publiko? Why?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin naman itinatanggi ni John na minsan ay nahuhuli siya sa pagbibigay ng sustento sa mga anak.

Kuwento pa niya, “Totoo ’yon, may times talaga na hindi ako sa oras, pero na-compensate ’yon. Hindi ibig sabihin hindi ako nagbibigay.

“Na-late ako, totoo ’yon, pero hindi ibig sabihin hindi ko na-meet ’yon through all these years. Thirteen years ang pinag-uusapan natin... Ganoon na ba tayo kababaw talaga?”

NOT A PERFECT DAD. Hindi naman matanto ni John kung bakit kailangang isapubliko ni Janice ang usapin sa kanilang mga anak.

Sabi niya, “Masama ang loob ko, kasi through all these years... Believe me, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. I’m not a perfect dad, but who is?

“At saka kung siya may pagkukulang siya sa mga anak ko, kailangan ko ba sabihin sa publiko ’yon, na eto ka? O siguro sa pagkatao na ’yon.”

Sinabi rin ni Janice sa isang panayam na hindi hindi siya papayag na mag-interview kung si John ang interviewee.

Tugon ni John dito, “Gusto ko lang naman sabihin po na hindi ko naman din hinangad na maka-one-on-one si Janice in an interview.”

Dagdag pa niya, “Alam ko ’yun, na medyo imposible ’yon. So yung sa akin lang, lumabas na baka naman pinipilit sa side ko. No, no, no, hindi po talaga... At saka never naman na-bring up ’yon, na magkakatrabaho kami, so I just don’t get it.”

JOHN’S WISH FOR JANICE. Sa huli, sinabi ni John na sana daw mahanap na ni Janice ang totoong kaligayahan nito sa buhay.

Mensahe pa niya, “You know what, I’m a happy man. Sa blessings na binibigay sa akin ng Diyos, sa asawa na binigay sa akin, sa bagong anak na binigay sa akin, sa mga anak ko kay Janice, ang swerte kong tao. I couldn’t ask for more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I wish Janice the same. I want her to be happy in her life. You know, maiksi lang ang buhay. I really hope, I wish the best for you. Sana talaga maging masaya ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN