Boy2 Quizon on kissing scene with veteran character actress Lilia Cuntapay: “Feeling ko kini-kiss ko ang lola ko.”

Boy2 Quizon on why his eight-month relationship with Rufa Mae Quinto didn’t last: “Dahil hindi nga namin alam kung kami na. Alam mo yung sobrang naging magkaibigan kayo to a point na nang maging kayo, parang hindi niyo na lang na-realize at yung adjustment from being friends for a long time, hindi kami nahirapan?”


Film producer na rin si Boy2 Quizon.

Isa siya sa tatlong major producer ng pelikulang Coming Soon na ipapalabas sa mga sinehan sa April 17.

Ang Coming Soon ay prinodyus ng Fearless Productions at Brown Sugar Entertainment. Kasama niyang co-producers dito sina Ronald Singson at Neil Arce.

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy 2 na mayaman na siya dahil pa-prodyus-prodyus na lang siya ng pelikula ngayon.

Sagot ni Boy2, “Hindi naman, ito lang kasi ang nagawa ko noong medyo nag-lie low ako. Nag-concentrate talaga ako sa production. Nakapag-produce ako ng TV show na lumalabas every quarter, yung Prankista. It’s a prank show in GMA-7.

“Yung na-produce ko one season lang. E, hindi ko naman kayang i-produce yun every week. Kasi, isang taon naming na-shoot yun.

“We shot it, out-of-town. Yung next, papalabas sa May. Yung Prankista 2.

“Kung makikita mo yun, prankster siya, pero, it’s something also that I want to transcend yung message na kapag napanood mo, hindi ka maiirita kay Boy 2 na nagpa-prank siya ng tao, kasi kahit sarili niya, pina-prank niya.”

Ang gusto ba niya, maging producer talaga?

“I wanna be a producer, ever since,” pag-amin niya,

Mas gusto niyang maging producer kaysa maging aktor?

“Kasi, may mga ginagawa akong projects ngayon na hindi naman ako kasali. Hindi ko nga alam kung bakit ako napupunta roon.

“But you know, my passion for acting is always gonna be there. It’s because, lumaki na ’ko riyan.

“But I cannot say na mag-i-stop na ’ko sa acting because in reality, kailangan ko pa rin umarte. But kung producer, yes, I can say yes,” diin niya.

KISSING SCENE WITH LILA CUNTAPAY. Sinabi raw ni Boy2 na gagawin niya ang lahat para sa pelikula nilang Coming Soon.

At ginawa nga niya ito dahil may kissing scene sila rito ni Lilia Cuntapay, ang award-winning character actress na madalas na gumanap bilang multo sa mga Pinoy horror movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon nga kay Dos, “Actually, hindi ako nahihiya. Doing that, ako pa ang nag-conceptualize ng scene na yun, e. At yun ay dahil sa kagustuhan niya kay Glaiza [de Castro]. Yun ang nangyari, na-visualize niya kasing masyado.

“Na yung realization ng part na yun na hinalikan pala niya si Lilia, nasa latter part na ng movie where, kilala ako ng ibang tao, mga nanay-nanayan ko sa press na sobrang naasar na ang mga producers sa akin dati dahil sobrang pihikan ko sa role.

“But with this one, you know what... maybe, I’m one of the producers, so kailangan kong maging game. Hindi ako puwedeng maging “coming soon” lang dito,” natawang biro niya sa sarili.

“Gusto naman naming bigyan ng justice at pinapakiusap ko lang din sa lahat ng tao, sa mga media, tratuhin niyo kaming baby. Na sana, yung part nong kung paano namin ginawa ang movie na ito, hindi kami madala.

“At least, we did it and it’s an awareness to everyone that at least, we’re doing something... na gusto lang namin kayong patawanin, yun lang.”

Noong kahalikan niya si Lilia, ano ang naramdaman niya?

Nangiti si Dos saka sinabing, “Actually, ang mahirap na part do’n, yung hinahalikan mo si Lilia ng four o’clock ng madaling-araw. Yung kay Lilia Cuntapay na part, tapos na kasi ang movie namin, hindi pa nagagawa yung eksenang yun.

“Noong pinapanood na namin ang editing, sabi namin— ako, si Neil, si Direk Joyce [Bernal]— nag-pass sa editing. We needed her advice sa isang taong may straight direction talaga sa paggawa ng movie.

“Then, when we saw the movie, she said na, bakit hindi natin dagdagan ng part. Hindi ko naman akalain na magsu-shoot pa pala kami.

“E, malapit na ang playdate. Nag-call lahat, sa akin. Sinabi ko lang, sayang sana ginawa pa natin ang kay Lilia, alam kong nakakatawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun nga, hindi ako nagdalawang-isip.

“Bottomline, you know this movie, ayoko namang magbigay ako o pumasok lang dahil producer ako. Ayoko ng ganoon.”

Nagsabi raw si Lilia na magtu-toothbrush muna siya dahil nahihiya naman ito sa kahalikang si Boy2.

Sabi naman ng young comedian, “Si Nanay Lilia has been there. Kasi, si Nanay Lilia, pelikula pa lang ng lola ko, nag-A.D. [assistant director] na ’yan, e.”

Puwede niyang sabihin na para niyang hinalikan ang lola niya?

“Feeling ko kini-kiss ko ang lola ko!” natatawa rin niyang sabi.

LOVELIFE. Pagdating sa usaping lovelife, kumusta naman siya sa aspetong ito?

“Feeling ko, pinaka-coming soon siguro ‘yan!” natatawang sabi niya.

Gaano katagal na ba siyang walang lovelife?

“Last year—meron akong dineyt, non-showbiz."

Walong buwan din daw sila ni Rufa Mae Quinto, pero ngayon, masasabi niya raw na magkaibigan na lang talaga sila.

Ayon kay Dos, “Mas matagal kasi ang pagiging magkaibigan. Mas matagal kasi ang pagiging magkaibigan [namin] because of Bubble Gang.”

Bakit hindi nagtagal ang relasyon nila?

“Dahil hindi nga namin alam kung kami na,” paliwanag niya.

“Alam mo yung sobrang naging magkaibigan kayo to a point na nang maging kayo, parang hindi niyo na lang na-realized at yung adjustment from being friends for a long time, hindi kami nahirapan?”

Ngayon, ano na ang estado nilang dalawa?

“We are very good friends. In fact, she’s very supportive with this to the point na [she would say] ... ’kung kailan niyo ’ko kailangan diyan, pupunta ko anytime.’”

Pero hindi raw nakapag-cameo role si Rufa Mae sa Coming Soon dahil sumabay ito sa project naman ni Rufa Mae sa Viva Films.

Aniya, “E, Viva rin ang may hawak nito, yung distribution.”

Naku-curious naman kaming malaman kung paano nila nasabing magkaibigan na nga lang sila. Paano sila nag-desisyon na balik sa pagiging magkaibigan na lang sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, it started with... actually, hindi na kami nakapag-usap nang ganoon. It’s more on automatic na. That time, I was belting with my grandfather. July yun nangyari, e.

“Sobrang spaced-out talaga ako noong mga panahon na yun. Siya naman, she was doing a lot of things for her career.

“Tapos ako rin, parang spaced-out talaga ’ko na hindi ko alam. Pero, it’s a good thing dahil kung ano ang meron kami ngayon, mas naging okay pa.

“Kaibigan na solid talaga.

“At least, hindi nasira yun,” pag-amin niya.

Itinanggi naman ni Boy 2 na may naging marriage proposal na naganap sa pagitan nila noon. May lumabas kasi na kesyo papunta na sa kasal.

Ayon kay Boy2, “You know what, it started na may ginawa kaming project, sa Brownsugar, isa yun sa mga bagay na hindi na namin natuloy. Actually, we already shot 30 percent of that movie. Maraming gustong i-produce dati, hindi ko na lang nabigyan ng panahon gawin.

“Kasi, committed nga kami into other things. Nag-umpisa yun kasi, ikakasal kami sa pelikulang yun. It was false— hindi naman sa sinasadya na sabihin namin na ganoon, pero, nagmukha tuloy na ganoon.

“We didn’t expect na seseryosohin.”

Pero parang si Rufa Mae, tila may “disappointment” na sa mga nagiging karelasyon nito, wala talagang natutuloy sa altar?

“You know what, knowing her, sa pagkatao talaga niya, I can say na at sinabi ko talaga sa kanya, you know what... if it’s bound to happen, it’s gonna happen.

“And knowing her, marami pa siyang gustong gawin especially in show business. And she’s doing a movie now with Viva and I heard a lot of good things about it.

“Na hindi pa man pinapalabas ang movie na ito, talagang pinaghirapan niya. Pati ang acting workshop. Yung proseso of doing a movie...yung trying to repackage herself, makikita mo,” pagpuri niya sa kaibigang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman ito nang tanungin namin kung marrying guy ba siya.

Aniya, “Naniniwala naman ako ro’n. Siguro one day. Hindi ako lumaki na kumpleto kami. Hindi ako lumaki na happy family kami... na marami akong Tita, Tito. Daddy ko rin, may mga kapatid ako sa labas.

“I want na one day, I’ll settle down too.”

REMEMBERING LOLO DOLPHY. Sa huli, kinumusta naman namin ang naging buhay niya sa loob ng kulang isang taon simula nang pumanaw ang lolo niya na si Mang Dolphy noong July ng nakaraang taon.

“Sobrang bilis ng buhay,” sambit ni Boy2.

“And simula nang mawala ang lolo ko, doon mo makikita, with a man who did a lot of things for the industry, nakakatuwang isipin na binubuo na ang rebulto niya. I think, they’ll be launching it soon, sa Manila.

“Nakakatuwa na sa mga young generations, makita siya na may ngiti and it’s something na for me, ang bilis ng buhay. I cannot say that I can be him but right now, kailangan kong i-appreciate ang ginagawa ko at gawin ko pa nang tama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN