Jeric Gonzales on loveteam partner Thea Tolentino: “Basta masaya po kami ngayon sa samahan namin, pero wala pong ligawan, trabaho po muna.”

Jeric on being much closer to Thea Tolentino now: “Kami ni Thea po talaga mas lalong gumanda yung samahan namin simula sa Teen Gen at lalo na nung napunta kami ngayon sa Love & Lies, lalo po kaming naging close.”


Humigit-kumulang sa walong buwan na sa showbiz ang male Protégé winner na si Jeric Gonzales.

At sa tanong kung ano na ang pagbabago sa buhay niya...

“Marami po. Tulad po na nag-move na po ako sa condo po, yung prize po sa Protégé, na-turnover na po nung January,” pahayag ni Jeric sa PEP.ph. (Philippine Entertainment Portal).

Kasama raw niya ang mother niya sa naturang two-bedroom condo unit sa Adriatico, Malate, Manila.

Okay lang kay Jeric kahit malayo ito sa GMA-7 studios.

“Okay lang po, sakto naman sa nanay ko, sa BSP [Bangko Sentral ng Pilipinas] po siya nagwu-work so walking distance lang.”

Nakuha na rin niya ang cash prize niya sa Protégé na isang milyong piso.

“Nasa bangko po, hindi pa po nagagalaw, buo pa po.”

NOT COURTING THEA. Kinumusta naman ng PEP ang tungkol sa samahan nina Jeric at ang ka-loveteam niyang si Thea Tolentino.

Bukod sa Teen Gen tuwing Linggo, magkasama rin sila sa Love & Lies na pinakabagong drama series sa primetime block ng Kapuso network.

Wala pa bang nabubuong relasyon sa pagitan nila ni Thea?

“Wala po,” sabay tawa ni Jeric.

“Kami ni Thea po talaga mas lalong gumanda yung samahan namin simula sa Teen Gen at lalo na nung napunta kami ngayon sa Love & Lies, lalo po kaming naging close.

“Kasi nung sa Protégé po, medyo hindi pa kami ganung ka-close even though magkababayan kami, parehas kaming taga-Calamba, hindi pa po kami masyadong magkasundo.

“Pero nito po, lately talagang naging comfortable po kami sa isa’t isa.”

Hindi pa ba umaabot sa punto na gusto na niyang ligawan si Thea? Bawal ba silang magligawan?

“Hindi naman po pero sayang po, ang focus po kasi namin sa career po, nag-i-start pa lang po kami.

“Kasi sa akin po ganun masaya po kami sa career namin, at masaya po ako sa mga n-achieve namin na magkasama kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasaktan ba o magseselos si Jeric kapag may nanligaw kay Thea?

“Hindi naman po kasi natural naman po yun, maganda po si Thea, e.

“Pero nasa sa kanya na po iyon kung i-entertain niya.

“Si Thea po, basta masaya po kami ngayon sa samahan namin, pero wala pong ligawan, trabaho po muna.”

FAMILY BONDING. Nitong nakaraang Holy Week ay nag-bonding raw silang buong pamilya.

“Sa Pagbilao, sa Quezon po, taga-Quezon po yung mother ko.”

Tiago na raw ang tawag sa kanya ng mga tao sa naturang probinsiya. Tiago ang pangalan ni Jeric sa Teen Gen.

“Opo, Tiago, nag-mark sa kanila.

“Masaya po, masaya po... proud sila, lalo na yung mga dati kong nakakasama dun kasi madalas po akong nagbabakasyon dun, so nung nagpunta na ako dun...

“Siyempre po wala namang ipinagbago. Proud sila sa akin, sinasabi nila sa akin, pinapanood po daw nila ako.

“So, ’yon, sobrang masaya po ako, hindi ko ma-imagine na ganoon, ang bilis ng mga pangyayari.”

In an interview before ay nasabi ni Jeric na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang kotse; nakabili na ba siya ng kotse?

“Wala pa po, pero may family car po kasi kami.”

Bakit ayaw niyang ibili ng kotse ang isang milyon niyang premyo?

“Pinag-iisipan ko pa po e.”

Paano kapag may nag-regalo sa kanya ng kotse?

“Naku, ang mahal po nun! Wala naman po siguro.”

GAY BENEFACTORS. Kung may bading na mag-offer sa kanya ng kotse, ano ang magiging reaksyon niya?

“Magugulat po ako, siyempre. Pero hindi ko po tatanggapin kasi masyadong mahal po iyon. Hindi ko po alam yung reason kung bakit ka bibigyan ng ganun.”

Naligawan na raw siya ng bading noong hindi pa siya artista.

“Marami po kasi ganun naman po talaga yung ano, e. Hindi po natin maaalis sa kanila yun pero ako po as ano... bilang lalaki po, ginagalang ko naman po yung ano nila bilang gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hanggang doon lang po.”

Ang pinaka-bonggang panliligaw sa kanya ng isang gay.

“So far wala pa naman po, puro mga regalo lang na pagkain.”

Hindi pa artista noon si Jeric, at schoolmate raw niya ang mga nanligaw at “nagparamdam” sa kanya.

“Mga nangungulit lang po tapos nagbibigay po ng pasalubong kahit hindi naman usual na dapat magbigay.”

Paano niya dine-discourage ang mga gay suitors?

“Sinasabi ko po na ano... bilang lalaki, sa babae lang po yung ano ko... pero nirerespeto ko po yung ano nila, na may gusto sila sa akin, natutuwa po ako bilang ganun.

“Na humahanga sila sa akin, ganun po.”

Ngayong artista na siya, wala na raw nanliligaw sa kanya na gay.

WANTS TO PURSUE ACTION FILMS. May dream role si Jeric…

“Dati po kasi, yung maging isang leading man lang, pero nitong nag-Love & Lies po ako, nung nakita ko yung action scenes, parang interesting po talaga.”

Kaya gusto niya ngayong maging action star.

“Parang ang ganda po, parang ang sarap pong maging action star.”

Kaya hinahangaan niya sina Robin Padilla at Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

“Kailangan ko lang pong magpalakas pa ng katawan at mag-training.”

Panay ang workout ngayon ni Jeric.

NURSING GRAD. Nursing graduate si Jeric at buo pa rin ang plano niya na kumuha ng board exam para maging registered nurse.

“Sa ngayon po wala pa muna sa isip ko kasi blessed ako na maraming projects na dumating sa akin so focus po muna sa showbiz.”

Pero gagawan daw niya ng paraan na makapag-board exam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN