Jason Francisco on attacking John Prats: "Alam natin sa isa’t isa bakit nagawa ko ‘yan."

May dahilan daw si Jason Francisco (nasa larawan) kung bakit nagawa niyang saktan si John Prats. Sabi niya, “Kasi nga, masyado akong tahimik na tao tapos akala… siguro akala nila hindi ako nakikisama kaya minsan pina-prank nila ako ba. Pero, okay lang ‘yan sa akin. Hindi ko ‘yan masyadong dinadamdam kahit masyadong too much na minsan. Pero, ang reason kasi sa mga nangyari, hindi ‘yan. Kaya kong tanggapin lahat ng jokes, pranks, basta hu


Marami ang nagulat sa pananakit ni Jason Francisco kay John Prats sa taping ng Banana Split sa Music Museum noong March 21.

Sa mga unang report, ipinagtanggol lang daw ni Jason ang kanyang ex-girlfriend na si Melai Cantiveros sa pagbibiro ng mga kasamahan nito sa Banana Split.

Sumunod dito, naglabasan din ang isyung diumano’y pambu-bully raw noon kina Jason at Melai sa programa, na nag-udyok kay Jason para saktan si John.

Dalawang taon nang wala sa Banana Split si Jason.

Sa panayam ng The Buzz kay Jason na ipinalabas kahapon, April 7, ipinaliwanag niya ang tungkol sa isyung ito.

“Hindi naman totally bully. Siguro, kapag may bago, ganyan talaga.

“Pero, alam ko yan, ‘yan yung barkada na tinatawag.”

Pero dugtong niya, “Minsan siguro, na-feel ko rin…

“Kasi nga, masyado akong tahimik na tao tapos akala… siguro akala nila hindi ako nakikisama kaya minsan pina-prank nila ako ba.

“Pero, okay lang ‘yan sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ‘yan masyadong dinadamdam kahit masyadong too much na minsan.

“Pero, ang reason kasi sa mga nangyari, hindi ‘yan.

“Kaya kong tanggapin lahat ng jokes, pranks, basta huwag lang kay Melissa [Melai].”

Ang diumano’y mga biro kay Melai ang naging dahilan ng “untoward action” na iyon ni Jason kay John.

Sabi ng ex-Pinoy Big Brother housemate, “Palagi kong sinasabi na iba naman yung nakakatawa sa pinagtatawanan talaga. Alam mo yun?

“Lagyan lang natin ng limit ba at saka respeto ba, kasi babae pa rin ‘yan.”



GIVE ME A CHANCE. Sa kabila nito, humihingi ng paumanhin ni Jason kay John, sa pamilya nito, at sa iba pang naapektuhan dahil sa naturang pangyayari.

“Huminhingi ulit ako ng paumanhin sa nangyari.

“Kasi nga, hindi ko naman talaga ‘yan ginusto. Hindi naman talaga ako ganyan na tao.

“At saka, hindi ko naman ‘yan gagawin nang walang reason ba…

“Pero ganunpaman, alam ko naman siyempre na mali ang nagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinihintay ko na lang si Kuya John na makausap para mas maintindihan namin ang side namin bakit nagkaganyan ang pangyayari.

“Minsan, ang feelings mo siguro, hindi ko na-open sa kanya.

“Bigla na lang nabuo sa akin at nagganyan ang pangyayari.

“Talagang humihingi ako ng pasensiya sa lahat.

“Unang-una, sa Banana Split family dahil doon nangyari ang lahat. Tapos, kina Direk Bobot [Mortiz].

“Naano rin ako sa sarili ko kasi parang naano ko yung taping nila ba.

“Kaya sana, Kuya John, bigyan mo ko ng chance na makausap ka.

“Kilala mo naman ako. Hindi naman ako ganyan na pagkatao.

“Pero alam mo naman ‘yan, alam natin sa isa’t isa bakit nagawa ko ‘yan.

“Sorry talaga.

“Sana, bigyan mo lang ako ng chance. Yun lang yun, bigyan mo lang ako ng chance.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN