Camille Prats gets updates about brother John and Isabel Oli through Isabel’s Twitter account

Aminado si Camille Prats na hindi pa siya gaanong close sa nababalitang bagong girlfriend ng kapatid niyang si John Prats na si Isabel Oli. Pero gumagawa naman daw ng paraan ang Kuya John na magkaroon sila ng bonding ni Isabel, yun nga lang, madalas daw hectic ang schedule ngayon ni Camille kaya hindi ito natutuloy.


Inamin ni Camille Prats na hindi pa siya ganoong close kay Isabel Oli, ang dine-date at nali-link ngayon sa kanyang kapatid na si John Prats.

Nakilala na raw niya si Isabel noon pa, pero hindi pa raw sila nakakapagkuwentuhan.

Kuwento ni Camille sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakasabay ko na si Isabel sa mga guestings sa ilang shows ng GMA-7 noon. Mga casual hi and hello lang kami.

“Never pa kasi kaming nagkasama sa anumang TV series kaya wala akong masyadong maikuwento about Isabel.”

Nakausap namin si Camille sa taping ng kanyang afternoon soap na Bukod Kang Pinagpala noong Biyernes, April 5, sa Amadeo, Cavite.



BONDING TIME. Kuwento pa ni Camille, ilang beses na raw gumagawa ng paraan ang Kuya John niya para magkaroon sila ng bonding time ni Isabel, pero hindi raw matuluy-tuloy.

“Si Kuya John naman, he tries to set a get-together para makilala namin nang husto si Isabel.

“Pero hectic talaga ang schedules ko, e. Hindi nagsu-swak sa araw na puwede sila ni Isabel.

“Three times a week kasi ang taping namin ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay. Tapos every other day naman ay taping ko for Mars sa GMA News TV.

“Kaya walang naiiwan na libreng araw talaga.

“Kung meron mang libreng araw, I spend it with my son Nathan or itinutulog ko na lang.

“Marami na akong oras na hindi naibibigay sa anak ko dahil nga sa trabaho ko.

“Nahihiya na nga ako kay Kuya at kay Isabel kasi ilang beses nang hindi natutuloy.

“Kung puwede nga lang sila dumalaw sa taping namin, why not, di ba? Pero nakakahiya naman na sila pa ang pupunta sa akin.

“Matutuloy naman ang pag-bonding namin. Makatiyempo lang kami ng magandang araw.

“I would really like to know Isabel more.”



FOLLOWING TWITTER. Para maging update daw si Camille sa mga ginagawa nina Isabel at John, sinusundan na niya si Isabel sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng dating child star, “Masipag din kasi mag-tweet si Isabel kaya dun ko na lang nalalaman ang mga lakad nila ni Kuya.

“Sometimes I send her a tweet and she tweets back.

“Hanggang doon muna ang communication naming dalawa.”

Sabi ni Camille, naging close naman siya sa mga babaeng naugnay sa kanyang kuya.

“Lahat naman ng na-link kay Kuya ay nagiging close ko rin; tulad nina Heart [Evangelista], Bianca [Manalo], Shaina [Magdayao], and Rachelle [Ann Go].

“Mas maganda naman yung kilala ko sila, di ba? At maging close din sila sa family namin.

“Yun naman ang hangad ni Kuya, yung approval naming lahat.”

Sa tingin ba ni Camille ay si Isabel na ang babae para kay John?

“Hindi ko masasagot ‘yan, e. Si Kuya lang ang makakasagot niyan.

“Never naman kaming nakialam sa lovelife ni Kuya.

“Kung sino ang gusto niya or mahal niya, lagi naman kaming nakasuporta sa kanya.

“Kung sila nga ni Isabel, abangan na lang natin.

“Sa ngayon, masaya ako dahil nakikita kong masaya ang kapatid ko.”



JASON FRANCISCO. Tinanong din ng PEP si Camille tungkol sa pananakit ni Jason Francisco kay John sa taping ng Banana Split bago mag-Holy Week.

Ayon kay Camille, wala siyang update sa pangyayaring ito.

“Hindi ko na alam ang nangyari diyan, e.

“As much as possible, ayoko na ring alamin ‘yan kasi makaka-stress lang siya.

“Siguro yung lawyers na lang ang puwedeng makapagsalita about that.

“Kahit si Kuya, ayaw na rin niyang pag-usapan masyado ang nangyaring ‘yan.

“Ipinagdarasal ko na lang na maging maayos na ang lahat.

“Mahirap ang ganyan kasi very stressful. Makakaapekto sa maayos na takbo ng buhay natin ang ganyang mga problema.

“I just pray na hindi na mangyari ulit ang ganyan kay kuya.”



DIFFERENT TWIST. Nabanggit naman ni Camille na magkakaroon ng kakaibang twist sa character niya bilang Bessie sa afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unti-unti na raw magiging kontrabida si Bessie at tuluyan na niyang ilalayo si Lara (Mona Louise Rey) sa tunay nitong ina na si Janet (Jackie Rice) at sa nanay-nanayan nitong si Ofelia (Jennica Garcia).

Sabi ni Camille, “Natuwa naman ako sa pagbabago na ibinigay nila sa role ko as Bessie.

“She will slowly be this devious woman na masyadong nang obsessed kay Lara.

“Dahil nga sa kagustuhan niyang magkaroon ng anak, si Lara ang naging object ng obsession niya.

“Noong magkaroon ng amnesia si Lara from the car accident, iniba na nila ang pangalan ni Lara to Cindy.

“Iibahin namin ang pagkatao ni Lara para mabura na ang lahat ng memories niya about Ofelia and Janet.

“Pati si Mona Louise dito ay magiging iba. Magkakaroon na siya ng British accent.

“Kaya exciting ang mapapanood nilang episodes ng Bukod Kang Pinagpala. Mas pinaganda namin para mas lumaki ang kuwento namin.

“Nagpapasalamat din kami sa mga televiwers ng show namin dahil sa magandang ratings na natatanggap namin.

“It inspires us all to work even harder and to give them interesting and thrilling storylines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN