Regine Velasquez on three nominations at World Music Awards: "Mananalo ba ako dun?"

Inamin ni Regine Velasquez na hindi na siya ganun ka-excited na makakuha ng nominasyon at rekognisyon sa larangan ng pag-awit at pag-arte. Paliwanag niya, “E, kasi na-experience ko naman na yung mga kailangan kong ma-experience. Although this is the first time that I was ever nominated sa isang World… kung ano man ‘yan. Kita mo nga, hindi ko alam kung ano’ng pangalan. I’m excited like what I’ve said, pero ewan ko, hindi ako&am


Nominado sa tatlong kategorya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa World Music Awards (WMA), isang online-voting music awards para sa fans ng mga sikat na recording-concert artists sa buong mundo.

Nominated si Regine sa mga kategoryang World Best Female Artist of the Year, World Best Live Act of the Year, at World Best Entertainer of the Year.

Bukod kay Regine, ang isa pang Filipino performer na nominated sa WMA ay si Sarah Geronimo.

Sorpresa kay Regine ang mga nominasyon niya sa World Music Awards.

“Hindi ko nga alam yun, e. Parang naguluhan nga ako,” sabi ni Regine sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room niya sa H.O.T. TV noong Linggo ng hapon, April 7.

Habang nagmi-makeup sa sarili ang singer-actress-host ay inihayag niya ang saloobin sa mga nakuhang nominasyon.

“Happy naman ako, nakita ko lang sa Internet yun,” sabi niya.

Paano ba niya nalaman ang pagkaka-nominate niya sa WMA? May nagsabi ba sa kanya?

“Nakita ko lang sa Twitter. Parang everybody is asking to vote for me.

“Sabi ko, ‘Ano ba itong kaguluhan na ito?’ Yun na pala yun.”

NOT EXPECTING. Bagamat hindi pa nakakausap ni Regine ang kanyang management team tungkol sa nominasyon niya, naniniwala siyang pinadalhan na rin siguro sila ng formal notice tungkol sa partisipasyon niya sa malawakang poll-voting award-giving body na ito.

“Hindi ko alam… mananalo ba ako dun?” nagdududang tanong ng Songbird.

Napakarami raw kasing artists sa buong mundo na nominado rin sa mga kategorya kung saan siya nakapuwesto.

Ibig sabihin, hindi siya umaasa?

“Wa [hindi] na! Okey na yung ganon,” sagot niya.

Paano ba lalaban ang Pilipinas gayong sikat sa buong mundo ang mga katunggali nilang recording artists at concert performers?

Sabi ni Regine, “Mahirap, e… by voting ito.

“Kasi sila, international, e. So, mas malaki or mas maraming magbu-vote obviously sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi sigurado si Regine, pero sa pagkakatanda niya, first time niyang ma-nominate sa WMA.

Sabi ni Regine ay naguguluhan siya sa kanyang nomination. Ibig bang sabihin ay hindi siya masyadong excited dito?

“Ahm… sapat lang. Sapat lang,” nakangiting sagot niya.

“Siyempre, like what I always say, it’s exciting to be part of mga ano… mga ganyan, di ba?

“Saka, yun nga, hindi ko naman inaasahan kaya mas exciting. Kasi wala ka ngang inaasahan na manu-nominate.

“And I think Sarah is also nominated.”

Ano naman ang nararamdaman niya for Sarah?

“So, sana, manalo siya,” sambit ni Regine.

Parang mas excited siya para kay Sarah kaysa sa sarili niyang nomination?

“Oo, kasi ma-dyonders [matanda] na ako, e!” pabaklang biro ni Regine.

“Saka never naman akong nakialam sa award. Napansin mo ba?” nangingiti pa rin niyang sabi.

Posible kayang isakripisyo ni Regine ang mga boto niya at ibigay na lang niya ito kay Sarah para mas lumaki ang chance nitong manalo sa WMA?

“Bakit hindi? Oo, bakit hindi? Okey lang sa akin.”

Si Sarah ay produkto ng talent search na Star For A Night na hinost ni Regine noon.



NOTHING TO PROVE. Sinasabi naman ng fans ni Regine na wala na siyang dapat patunayan pa dahil sa buong Asia raw ay siya pinakamahusay na female singer. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi naman. Parang... I don’t know.

“Kasi feeling ko, hindi mo naman nasusukat sa award.

“Tao ang nagbibigay sa iyo nun, e. Kung manalo ka, e, di you’d be happy.

“Pero it’s not… hindi naman sukatan.”

Hindi ba big deal sa kanya ang awards?

“It is… kung manalo ka! Pero hindi naman… I don’t know… weird lang siguro ako.”

Kung sakaling padalhan siya ng invitation sa WMA awards ceremony, pupunta ba siya?

Tugon ni Regine, “May anak ako, baka hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap na ngayon, siyempre hindi na ako basta-basta nakakaalis.

“Saka ngayon nga, siguro dahil iba na rin yung ano ko… yung priority ko.

“Kaya nga hindi na rin ako as [excited] as before. Alam mo yun?

“Iba na, e. Nagbagong-buhay na ako. Nag-iba na.”

Para ngang hindi na siya masyadong excited. Hindi gaya dati na talagang damang-dama niya lahat ng mga kagananap sa kanyang showbiz at singing career.

Paglilinaw ni Regine, “Hindi naman… nag-shift na lang talaga yung priority ko.

“Hindi na ito yung pinakaimportante sa akin.

“Kasi dati, parang ano lang, di ba?”



BIG CHANGE. Ang laki na nga ng ipinagbago ni Regine mula nang mag-asawa at magkaanak siya.

Kung noon ay tila larger than life ang kanyang reaksiyon kapag may nominasyon at rekognisyon siya, ngayon ay tila balewala na ang mga ito.

Sabi ni Regine tungkol dito, “Ahm, I don’t know. Siguro weird lang talaga ako. Hindi ko alam, pero….

“E, kasi na-experience ko naman na yung mga kailangan kong ma-experience.

“Although this is the first time that I was ever nominated sa isang World… kung ano man ‘yan.

“Kita mo nga, hindi ko alam kung ano’ng pangalan.

“I’m excited like what I’ve said, pero ewan ko, hindi ako…

“Baka naman sabihin nila ang yabang ko, pero iba na kasi ang priority ko.”

Pati yata sa career niya ay hindi na ganun kaimportante kung kaliwa’t kanan ang kanyang mga ginagawa?

Sagot ni Regine, “Kasi may anak na nga ako, e. Mas importante na sa akin yung pamilya ko, yung anak ko.

“Sa ngayon, what I’m doing is work. It’s always been work for me.

“Hindi ko naman kailangang-kailangan ng trabaho, pero ngayon kasi… dati pinaplano ko pa yung gagawin ko.

“E, may Nate na ako, e.”

Hindi na ba interesado si Regine na magkaroon ng maraming shows gaya dati na aligaga siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong shows, e. Di ba, meron naman akong Sarap Diva? May H.O.T. TV ako, Party Pilipinas pa… okey na yun.

“I don’t need to ask for more.”

Ayaw niya na ba talagang mag-teleserye?

“Mahirap din kasi talagang mag-teleserye ngayon dahil alam mo naman ang trabaho dun.

“I won’t be able to take care of my family, si Nate…

“Iba ang soap. Mahihirapan ako.

“Siguro pag lumaki-laki si Nate. Pero by that time, medyo matanda na ako.”

Ang huling soap na ginawa ni Regine ay ang I Heart You, Pare! noong 2011, ngunit hindi niya ito natapos dahil nabuntis siya. Pinalitan siya ni Iza Calzado.

Patuloy pa ni Regine, “Gusto ko kasing i-enjoy ang anak ko, e.

“Ang tagal-tagal kong hinintay tapos parang hindi ko aasikasuhin, hindi ko maalagaan nang tama?

“Parang mali yata kung gano’n.

“So, yun talaga ang priority ko over anything sa work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN