Regine Velasquez on Ogie Alcasid’s rumored transfer to TV5: "As long as you’re happy, you’re comfortable, and you won’t feel frustrated."

Bagamat hindi pa makapagbigay ng kumpirmasyon si Regine Velasquez tungkol sa balitang paglipat ng asawa niyang si Ogie Alcasid sa TV5, sinabi ng Asia’s Songbird na magiging masaya siya kung anuman ang maging desisyon ng kanyang mister.


Dalawang linggong nagbakasyon sa Amerika ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, at ang anak nilang si Nate, para dumalaw sa mga kamag-anak at kaibigan nila roon.

Bago pa nag-Holy Week sila umalis pagkatapos na pagkatapos ng repeat ng Foursome concert nina Regine, Ogie, Martin Nievera, at Pops Fernandez.

Last week lang sila bumalik ng Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine, tinanong namin siya kumusta ang naging bakasyon nilang mag-anak sa U.S.

“Masaya. Medyo nakakapagod lang, pero masarap,” tugon ng Asia’s Songbird.

Dahil dalawang linggo silang nagliwaliw abroad kaya talagang bumawi sila sa bakasyong ito.

“Wala, wala talaga kaming work. Talagang bakasyon.

“Sa akin, yun ang sulit.

“Minsan kasi nira-raket ko pa, e. Bakasyon tayo, pero may nira-raket ka pa, e.

“Yun, talagang vacation.

“And ngayon lang ako nag-vacation sa States na ganyan katagal, first time, kaya talagang na-enjoy ko.”

NEXT DESTINATION. Dahil dito, nagpaplano na raw sina Regine at Ogie ng susunod nilang bakasyon abroad.

Paliwanag ng Kapuso prime talent, “Kasi talagang na-enjoy namin.

“Sabi ko nga, dapat pag-ipunan naming mag-asawa yung susunod naming bakasyon.

“Hindi naman kasi kailangan every year. Kapag nakaipon kami, e, di good.

“And according to my husband, gusto raw niyang mag-Europe tour kami.

“Puwede namang hindi mahal. Sisimplehan mo lang yung… like the hotel.

“Gusto niya ng ganung adventure, e.

“Tapos si Nate naman, nakakatuwa rin, e, kasi parang feel niya ring magbakasyon.

“Sobrang excited siya sa mga nakikita niya sa paligid niya.

“Basta, we will try to save money and then saka namin i-schedule yung next destination namin.”



NEW THINGS ABOUT NATE. May nadiskubre ba siyang bago kay Nate?

“Naku, ang dami! Iba na siya. Tao na siya.”

Hindi na siya “little monster”?

“Hindi naman talaga siya monster or little monster. Ever since talaga, mabait yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsisimula lang siyang maging monster,” biro ni Regine.

Dagdag niya, “Nagti-terrible two na siya, e. Pero cute.

“Cute siya talaga. He’s adorable.”



RUMORED TRANSFER. Pagdating naman sa napabalitang plano ni Ogie na umalis sa GMA-7 at lumipat ng TV5, wala pa ring maibigay na kumpirmadong impormasyon tungkol dito si Regine.

Higit isang buwan na lang kasi at magkakaroon na ng kasagutan ang speculations tungkol sa paglipat ni Ogie sa Kapatid network. Sa June matatapos ang kontrata ng singer-songwriter sa Kapuso network.

“Hindi ko alam,” sabi ni Regine.

“Maybe it would be best if you talk to him about that.

“Kasi ako, siyempre alam ko naman, pero hindi naman ako yung…

“It’s not appropriate for me to be talking about it kasi hindi naman ako yung taong concerned.

“Parang pangit naman if it’s gonna come from me, di ba?”

Kung saka-sakaling matuloy ang paglipat ni Ogie, magkakahiwalay na sila ng istasyon.

“Ng istasyon lang naman, hindi naman bilang mag-asawa,” nangingiting sabi ni Regine.

Paano inihahanda ni Regine ang kanyang sarili sa posibilidad na pag-alis ni Ogie sa Kapuso network?

Sagot ng Asia’s Songbird, “I don’t need to prepare myself.

“He’s my husband. He comes home to me. There’s no problem.

“Wala namang ano yun, kasi trabaho naman yun. It’s totally different from our relationship.

“Kaya nga sinasabi ko sa kanya, e, tinatanong niya ako kung ano ang desisyon yun.

“Kung tama ba raw yung magiging desisyon niya. Kung anuman daw yung pagdedesisyunan niya.

“Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘As long as you’re happy, you’re comfortable, and you won’t feel frustrated…’

“Yun ang ayaw ko, e, mapu-frustrate siya.

“So, happy ako kung anuman yung magiging desisyon niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN