Dominic Roco still not on speaking terms with dad Bembol Roco: "Huwag munang pilitin. Baka it would worsen pa the situation."

by Glenn Regondola
Apr 9, 2013
Wala raw magagawa si Dominic Roco kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa pagmamatigas niya na makipa-ayos sa ama na si Bembol Roco. Saad niya, “Kung anuman ang sabihin ko, I don’t think it won’t change kung ano man ang tingin nila sa akin. If I say something good or bad about my father, it’s their choice to say what they think. I’m just saying what I feel, it’s my opinion. Wala, e. People are asking what’s h

July 2012 pa ang huling artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa hindi pakikipag-communicate ni Dominic Roco sa kanyang ama na si Bembol Roco.

Sa artikulong iyon ay inamin niya na dalawang taon na silang hindi nag-uusap ng kanyang ama na meron nang ibang pamilya.

Binanggit din ni Dominic na hindi siya gumagawa ng paraan para magkausap sila and vice versa.

Nang makaharap muli ng PEP ang aktor sa presscon ng latest offering ng Viva Films, ang Coming Soon, muli namin siyang inusisa tungkol dito.

After three years ba ay meron nang nabago at kung nakakapag-usap na sila ng ama?

Sagot ni Dominic, “Ganun pa rin, we still don’t talk.

“Yeah, we don’t talk hanggang ngayon.

“When I say we don’t talk, I mean there’s nothing to talk about.

“It’s not that I want to be rude that I don’t want to talk to him.

“But if I have something to say, I would talk to him. But there’s nothing to say.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pipilitin ang sarili ko para makipagplastikan kasi hindi ako ganun.

“So, wala.”

Pero at least inamin niya na kung merong pagkakataon na mag-usap silang mag-ama ay open naman siya.

Saad niya, “If I have the chance to talk to him, then I would.

“Pero sa ngayon, there’s nothing to talk about.

“So, huwag munang pilitin. Baka it would worsen pa the situation.

“I don’t know, maybe in the right time.”



FATHER AND SON. Binanggit namin kay Dominic na sa pananaw ng ibang tao ay hindi maganda na ang anak ang nagmamatigas sa kanyang sariling ama

Totoo ba sa kanya yung kasabihang: “Ang magulang ay hindi kayang tiisin ang anak pero ang anak ay kaya”?

“It’s how they view it,” sabi ng batang aktor.

“Kung anuman ang sabihin ko, I don’t think it won’t change kung ano man ang tingin nila sa akin.

“If I say something good or bad about my father, it’s their choice to say what they think.

Continue reading below ↓

“I’m just saying what I feel, it’s my opinion.

“Wala, e. People are asking what’s happening and I just say what’s happening.

“Hindi ko naman sinisiraan ang tatay ko, di ba? I’m just saying kung ano ang nararamdaman ko.”

Blood is thicker than water, wika nga. Wala na bang chance para mag-reconcile sila?

Sagot ni Dominic, “Yeah, but right now, there are no signs. Wala.

“Honestly, I don’t think it should come from us, di ba?

“Right now, kung ano ang situation, then fine with me.

“But time heals all wounds as they say it.

“Yung pain narito pa rin, nararamdaman ko pa rin, pero nawawala din ‘to.

“Right now, I’m just concentrating on loving my mother and making her happy.”



BROKEN FAMILY. Kapag dumating ang time na maging isang family man na siya, hindi raw pinangarap ni Dominic na lumaki ang kanyang anak sa isang broken-family setting.

“Sino ba naman ang may gusto niyan, di ba?” sabi pa niya.

Continue reading below ↓

“Pero right now, ayoko pang isipin ang mga ganyan.

“It’s still too big a responsibility para isipin ‘yan. Hindi ko pa ipinapasok sa utak ko.

“How to be a father? Hindi ko pa pinag-iisipan ‘yan ngayon.”

Malaking bagay ang father figure para sa isang pamilya.

“Oo, naniniwala ako diyan,” mabilis niyang tugon.

“Sino ba naman ang gustog lumaki na walang father, di ba?

“Hindi naman kami ang umalis, siya [his father] naman. Siya naman ang nang-iwan.

“Of course, I dream of an ideal family life, pero the thing is hindi nangyari.

“So be it.”

Kaya ba natatakot siyang magmahal muli after Maxene Magalona? Pitong buwan din ang itinakbo ng kanilang relasyon.

Nangingiting sagot ni Dominic, “Hindi naman. It’s just na wala akong time for it.

“Hindi naman ako nakikipag-date kasi lagi lang akong nasa bahay.

“I don’t get the chance to meet other people, wala, I’m just waiting for the right time.

Continue reading below ↓

“Tingnan natin kung ano ang mangyayari, I don’t wanna rush.”



FUTURE PLANS. Sa April 12 ay 24 years old na si Dominic.

Ano ang mga plano pa niya sa buhay?

Seryosong sagot niya, “Marami-rami pa din naman.

“Like, I wanna go abroad and travel more.

“Ano… dami kong nare-realize and I think I’m maturing enough.

“And I think, yung growth ko, it’s really helping a lot with my character sa mga ginagawa ko.

“Wala pa naman yung napaka-definite. I want more jobs,” pagbibiro na niya.



PROMISING ACTOR. Bilang aktor, isa si Dominic sa sinasabing pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon, pero hindi gaanong nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ito.

Sabi niya tungkol dito, “Naniniwala ako na my time will come.

“Maybe hindi pa ngayon. Hindi natin alam.

“Meron kaming gagawing indie film ni Elwood Perez.

“It’s going to be a part of a masters’ showcase next year and I’ll be working with my brother [Felix Roco].

Continue reading below ↓

“I’m excited to do that. I hope it would be something else kasi maganda ang role namin dito.”



COMING SOON. Pero bago ito ay nakatapos na siya ng isang pelikula, ang Coming Soon.

Sabi ni Dominic, “Ang role ko dito, ako si Darwin. Isang hopeless romantic na computer geek ng grupo.

“Ako yung taga-gastos sa barkada kasi ako yung mayabang dito.”

In real life ba ay ganun din ba siya?

“Yung mayabang, I don’t think I am,” nakangiti niyang sagot.

“Minsan, napagkakamalan, pero the truth is hindi ako yun. Tahimik lang akong tao.

“Yung paggastos sa barkada, if I have extra money, then I would.

“Ganun dapat sa barkadahan. Kung sinong meron, e, siya muna ang taya. Pag nagkaroon naman ng opportunity yung iba, di sila naman.”

Sanay naman talaga siya sa barkada.

“Yes, of course. Part na ‘yan ng buhay natin. Hindi ko ma-imagine kung paano tayo mabuhay na walang barkada.

Continue reading below ↓

“You just have to choose it. May iba naman kasi na hindi magandang influence.

“It’s your choice now.

“Pero masarap ang may grupo. Like, kung may problem ka, sila talaga yung matatakbuhan mo.

“Sila yung mahihingaan mo ng problem mo and gives you advices, tipong ganun.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala raw magagawa si Dominic Roco kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa pagmamatigas niya na makipa-ayos sa ama na si Bembol Roco. Saad niya, “Kung anuman ang sabihin ko, I don’t think it won’t change kung ano man ang tingin nila sa akin. If I say something good or bad about my father, it’s their choice to say what they think. I’m just saying what I feel, it’s my opinion. Wala, e. People are asking what’s h
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results