PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krista Miller poses for men's magazine a few weeks after Sunshine Cruz's FHM issue came out

Krista on Sunshine: “Siguro hindi sorry yung kaya kong ibigay sa kanya kundi comfort, kasi yun yung kailangan niya, e.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 10, 2013
Kahapon, April 9, ay nag-pictorial ang starlet na si Krista Miller para sa isang ilulunsad na men's magazine. Dahil dito ay marami ang nagsasabing tila nakikipagkumpitensiya siya kay Sunshine Cruz na cover girl ngayon ng FHM magazine. Pero sabi ni Krista, “Bahala na sila kung anong gusto nilang sabihin. Basta ako, ginagawa ko lang yung trabaho ko, kung ano ang ipapagawa sa akin na pose, iyon ang gagawin ko. Wala naman akong ginagayang peg ng ibang artista.

Kahapon, April 9, ginanap ang sexy pictorial ng starlet na si Krista Miller sa isang hotel sa may Pasay City.

Ang pictorial ay para sa isang bagong ilulunsad na men’s magazine sa Mayo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Krista na ang blessings na tinatamasa niya ay walang kaugnayan sa kontrobersiyang patuloy na ibinabato sa kanya, partikular na ang isyung siya diumano ang third party sa hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

“Kung ano man mga natatanggap kong blessings, hindi naman ito about pa rin sa issue or nakikipagkumpitensya ako sa kabila.

“Siguro kung ano man ang mga natatanggap ko ngayon, dahil na lang sa sarili ko na iyon.

"Nakikita din ng ibang tao na may kakayanan din ako.”



NOT AFRAID TO BE COMPARED. Hindi rin daw natatakot si Krista na ikumpara ang kanyang sexy cover sa FHM April 2013 issue kung saan si Sunshine ang featured covergirl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Bahala na sila kung anong gusto nilang sabihin.

"Basta ako, ginagawa ko lang yung trabaho ko, kung ano ang ipapagawa sa akin na pose, iyon ang gagawin ko.

“Wala naman akong ginagayang peg ng ibang artista.”

Pahayag pa ng isa sa mga party people ng Boracay Bodies ng TV5, masaya siya sa dami ng blessings na kanyang natatanggap sa ngayon kahit pa hindi pa rin siya tinatantanan ng intriga.

Aniya, “Thankful ako kay God kasi despite sa mga nangyayari sa akin ngayon, napansin ko kasi parang the more na binabato ako ng intriga, the more ang ibinibigay sa akin [na blessing].

“Parang yung mga ibinabato sa akin na mga masasakit, pinapalitan ni God ng blessings.

“Nakikita Niya kung gaano ko talaga gusto maabot ang trabaho ko. Sobrang happy ako.”



EMOTIONAL KRISTA. Sa kasagsagan ng panayam, bumigay naman at naging emosyonal si Krista.

Ito ay sa dahilang malapit na raw siyang bumigay noon dahil sa mga batikos na kanyang natanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong una, sobrang matapang pa ako.

“Nung dumating sa point na sumuko ako, nawalan ako ng gana, na parang hindi ko na kaya ang ganitong buhay, yung parents ko yung nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Sila ang naging motivation ko.

“Sa ngayon, sa Instagram, kahit paggising ko sa umaga, ayan na, ang dami nang fake accounts na talagang binabatikos pa rin ako.

“Pero dedma na. Siraan nila ako nang siraan, gawin nila lahat ng kaya nilang gawin.

“Basta ako, kung ano ang pangarap ko, doon ako.”

Ang labis daw niyang dinamdam ay noong ang mga magulang na niya ang pinuntirya ng bashers.

Sabi ni Krista, “Yung mga sinasabing ‘homewrecker, kabit, maninira ng pamilya,’ paulit-ulit kasi.

“Pero yung pinakamasakit, yung about sa family. Yung idinadamay na nanay mo at tatay mo.

“Doon ako napuno, dun ako sumuko.”

Sa ulat naman ni Ginger Conejero sa TV Patrol kagabi, sinabi muli ni Krista na gusto niyang magpaliwanag kay Sunshine sa tamang panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi raw kasama dito ang paghingi ng “sorry.”

Sabi niya, “Siguro hindi sorry yung kaya kong ibigay sa kanya kundi comfort, kasi yun yung kailangan niya, e.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahapon, April 9, ay nag-pictorial ang starlet na si Krista Miller para sa isang ilulunsad na men's magazine. Dahil dito ay marami ang nagsasabing tila nakikipagkumpitensiya siya kay Sunshine Cruz na cover girl ngayon ng FHM magazine. Pero sabi ni Krista, “Bahala na sila kung anong gusto nilang sabihin. Basta ako, ginagawa ko lang yung trabaho ko, kung ano ang ipapagawa sa akin na pose, iyon ang gagawin ko. Wala naman akong ginagayang peg ng ibang artista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results