Saab Magalona reveals mysterious intruder at Lauren Young’s condo unit

Ikinuwento ni Saab Magalona (kaliwa) ang insidenteng nangyari sa condo unit ng kaibigan niyang si Lauren Young (kanan): "Pumasok yung guy kasi akala noong guy, condo niya yun! Pero hindi. Ang weird kasi, nakapasok sa room niya. Andun si Lauren natutulog, tapos pagpasok daw ng room niya, binuksan yung ilaw. So nagising si Lauren, tapos ang malabo daw, in-off daw yung ilaw tapos parang nakasilip lang. Tumayo siya, pinaalis daw niya."


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Saab Magalona, napag-usapan naman ang isa pang kaibigan niya na si Lauren Young, na rumored girlfriend ng kapatid ni Saab na si Elmo Magalona.

Manager ni Saab ang mommy niya na si Pia Magalona, na recently ay mina-manage na rin ang career ni Lauren Young.

Sabi ni Saab, “Natuwa naman ako kasi Lauren is one of my best friends.”

Nakonsulta ba siya tungkol dito?

“No. Lauren just told me, she told me kasi we’re friends naman before pa.

“She said na, ‘I think I’m gonna talk to your mom and see if there’s a possibility for her to manage me.’

“And then sabi ko, ‘Go lang.’ Tapos, okay naman, nag-meeting sila.

“Wala kaming... as in totally wala kaming alam ng family ko.

“Alam ko lang na may balak si Lauren magpa-manage and apparently they had a meeting.

"Wala kaming alam sa mga nangyari.”

CONDO INCIDENT. Naikuwento naman ni Saab ang insidente kamakailan lamang kung saan isang hindi kilalang lalaki ang pumasok sa condo unit ni Lauren.

Kuwento ni Saab, “She just told me last night na pinasok yung condo niya.

“Wala, walang nawala.

"Pumasok yung guy kasi akala noong guy, condo niya yun!

“Pero hindi. Ang weird kasi, nakapasok sa room niya.

“Andun si Lauren natutulog, tapos pagpasok daw ng room niya, binuksan yung ilaw.

“So nagising si Lauren, tapos ang malabo daw, in-off daw yung ilaw tapos parang nakasilip lang.

“Tumayo siya, pinaalis daw niya.

“Sabi ni Megan [Young, Lauren’s sister], ‘Bakit hindi mo tinanong kung tagasaan siya?’

“E, siguro nga bagong gising. Pinaalis niya.”

LIVING ALONE. Mag-isa lang si Lauren sa condo nito at mabuti na lang daw at walang masamang nangyari dito.

“Thank God, thank God!” sambit ni Lauren.

Paano nabuksan ang condo ni Lauren?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, sabi niya, alam daw niya naka-lock.

“Pero ang thing naman is, ako kahit ako, pag bumisita ako doon, nagsa-sign rin ako. So, di ba?”

Ni-report ba ni Lauren sa mga awtoridad ang nangyari?

“Hindi ko na alam kung anong nangyari,” sabi ni Sam.

Ano ang reaksiyon ni Elmo sa nangyari kay Lauren?

“Hindi ko alam, hindi ko pa nakakausap si Elmo,” sabi niya.

LAUREN’S STORY. Binasa ni Saab sa PEP ang text sa kanya ni Lauren ang tungkol sa insidente.

I was asleep and I woke up coz some old man turned on my lights. Pumasok siya sa condo hanggang room ko thinking it was his.

Scary! Then pinaalis ko siya, he forgot to wear his shoes pa. As in I had to hold the door open and guide him out for him to leave or else he wouldn’t have.

Sabi naman ni Saab, “A, siguro matanda na so na-disorient.”

Kahit nagkamali ang lalaki ng pinasukang condo unit, paano ito nakapasok kung naka-lock ang pintuan ni Lauren?

Sagot ni Saab, “Hindi. Sabi ni Lauren, alam niya naka-lock, pero malay natin.

“Sinabi namin sa kanya, kumuha siya ng double lock, mga ganun-ganun, di ba?

“Nakakatawa nga, sabi ni Lauren akala niya yung bading namin na friend.

“Kaya natawa pa siya noong una, biglang na-realize niya na ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN