Rachelle Ann Go wins Best Actress at 2012 Broadway World Philippines Awards

Rachelle Ann Go wins her first best actress award at the 2012 Broadway World Philippines Awards for the musical play Little Mermaid (2011). After winning an award, passing the audition for the West End revival of Miss Saigon, and working on her second musical play Tarzan, Rachelle realizes that “ibang mundo naman yung pinapasok ko ngayon.”


Lubos ang pasasalamat ni Rachelle Ann Go sa natanggap na parangal mula sa 2012 Broadway World Philippines Awards na ginanap kamakailan.

Napanalunan niya ang Best Actress in A Musical para sa pagganap niya sa musical play na The Little Mermaid, na ipinalabas noong Nobyembre hanggang Disyembre 2011.

Ito ang kauna-unahang acting award na nakuha ni Rachelle sa kanyang siyam na taon sa showbiz.

Nagwagi rin ang kanyang katambal sa The Little Mermaid na si Erik Santos ng Best Crossover Artist award.

“Nakakatuwa, nakakagulat!” bulalas ni Rachelle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kanina, Abril 10, sa Sir Boy’s Food Republic sa Panay Avenue, Quezon City.

“Kasi yung Little Mermaid kasi, hindi ko akalain na mapupunta ako sa gano’n, di ba, sa teatro.

“So noong una tinray [try] ko lang naman ‘yon, tapos naging maganda yung naging feedback ng tao, ‘tas ngayon mayroong recognition from Broadway World.

“So nakakatuwa na na-appreciate nila yung ginawa ko doon, plus yung mga taong sumuporta.”



TARZAN. Kasunod ng pagkakapanalo niya ng naturang award, gagawin na ni Rachelle ang ikalawa niyang musical play, ang Tarzan.

Dito’y makakapareha naman niya ang Broadway actor na si Dan Domenech, na naging bahagi rin ng U.S. TV show na Glee.

Pero imbes na ma-challenge o ma-pressure, mas na-encourage pa raw ang Kapuso singer-actress na pagbutihan ang kanyang performance.

Pagbabagi ni Rachelle, “Kasi dati, iniisip ko, ‘Lord, bakit ako nandito?’

“Kumbaga, ang dami-daming magagaling na theater actor, di ba? Kumbaga, bakit ako… ‘yon yung parang ako...

“Kasi sa Mermaid, hindi ko naman napanood yung sarili ko, hindi ko napanood yung video.

"Hindi ko siya napapanood pa, so hindi ko alam ang ginawa ko.

“So tanong ko, ‘Maayos kaya?’

"Kasi yung feedback ng mga tao, maganda.

"Hindi kaya chika lang nila ‘yon? Hindi kaya yung mga friends ko sinasabihan lang ako para ma-feel-good ako? Hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tas yung sa award, na-encourage ako na okay, okay naman siguro talaga yung nagawa ko.

"And yung path ko, sabi ko, parang pang-musical na nagugulat ako na hindi ko naman siya pinaplano.

“So ngayon, kumbaga, may bigger plans si God, hindi lang siya sa TV or pop music.

"Kumbaga, ibang mundo naman yung pinapasok ko ngayon.”



EQUAL PERFORMACE. Bago dumating kay Rachelle ang Tarzan, na produced by Viva Atlantis Theatricals, ay nag-audition siya para sa West End revival ng musical na Miss Saigon.

Matatandaan na nasabi ni Rachelle sa panayam ng PEP sa kanya kamakailan na “ipinagdadasal” niyang mapili siyang gumanap na Kim, ang lead role sa Miss Saigon, na unang ginampanan ng Filipino Broadway singer na si Lea Salonga.

Nakapasa kasi si Rachelle hanggang sa huling round ng auditions para sa naturang musical, na magsisimula ang production sa susunod na taon sa London.

(CLICK HERE for related article.)

Pero kahit pa malaking produksiyon ang Miss Saigon kumpara sa Tarzan, para sa Kapuso talent ay hindi ito dahilan upang hindi niya ibigay ang kanyang “best performance” dito.

Ani Rachelle, “Uhm, siyempre lahat naman pare-pareho—for me, ha— pare-pareho lang ‘yan.

“Kasi wala naman sa lugar kung saan ka magpe-perform, e, di ba?

"Kahit isang tao lang yung manonood sa ‘yo, dapat kung gaano kabigat yung performance mo sa libu-libong taon, dapat gano’n din yung performance mo sa konting tao.

“And ‘yon lang, story-wise, ang istorya ng Miss Saigon mabigat, ‘yon mabigat talaga, heavy drama, di ba?

"Ito [Tarzan], kumbaga Disney naman ‘to, pambata, for kids.

“So ‘yon naman ang difference nila sa story.

“Pero kung performance, iisa, pareho lang ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN