Alden Richards on being linked to "Elmo’s girls" Julie Anne San Jose and Lauren Young: “Yun nga po, sinasabi po nila sa akin, ‘Lahat na lang inaagaw mo.’"

Sa kabila ng pag-amin ni Alden Richards na hindi talaga siya singer ay magkakaroon na siya ng solo album. Ito naman ang mensahe niya sa mga bumabatikos sa kanyang pagkanta: “Hindi naman po ako singer talaga. Sa lahat po ng mga talents, yun po ang wala ako, pagkanta talaga. Kung gusto ninyo pong i-download ang kanta ko at mapakinggan, okay lang po. Kung ayaw ninyo po, okay lang din po sa akin. Kasi, ayoko naman pong ipilit."


Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards sa taping ng Mundo Mo’y Akin kahapon, April 10, sa Kamias Road, Quezon City.

Ang Mundo Mo’y Akin ay ang GMA-7 primetime series na muling pinagbibidahan nina Alden at Louise delos Reyes.

Sa gitna ng taping, pinayagan si Alden na sumaglit ng isang oras sa GMA Network Center para naman sa band rehearsal.

Paliwanag ni Alden, ang rehearsal ay para sa launching ng kanyang single sa Party Pilipinas ngayong Linggo, April 14.

“Nag-rehearsal lang po ako. Pinayagan naman po nila akong makaalis sa taping ng isang oras para nga po mag-rehearse.

“It’s for my single, sa album ko po under Universal Records, ang ’Haplos.’

“Yung album ko po, sa May pa po siya lalabas, pero yung single ko po na ’Haplos,’ nakalabas na po siya sa iTunes @ mymusicstore sa Internet.”



TENSE. Habang nagkukuwento si Alden, nakikita naming excited siya pero halatang kinakabahan din.

May kaba nga ba siyang nararamdaman para sa launching ng kanyang single sa Linggo?

“Opo,” pag-amin ng Kapuso heartthrob.

“Kasi, before pa lang po, marami na ang kumukuwestiyon—hindi naman daw po ako singer.

“Pero siyempre po, two years na rin ako sa showbiz, alam ko naman po na hindi naman po lahat sa iyo, hindi naman po lahat, kaibigan mo, e.

“Hindi naman lahat, okay sa ginagawa mo.”



QUESTIONABLE TALENT. Ano ang nararamdaman niya kapag kinukuwestiyon ang kakayahan niya bilang isang recording artist?

“Okay lang po,” sambit niya.

“Hindi naman po ako singer talaga. Sa lahat po ng mga talents, yun po ang wala ako, pagkanta talaga.

“Kung gusto ninyo pong i-download ang kanta ko at mapakinggan, okay lang po.

“Kung ayaw ninyo po, okay lang din po sa akin.

"Kasi, ayoko naman pong ipilit."

Ayon pa kay Alden, masaya naman siya na maging sa larangan ng pagkanta ay pinagkakatiwalaan siya at nabibigyan ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, excited po ako rito sa album ko, excited na excited po,” nakangiti niyang sabi.



STRONG CHEMISTRY. Sa pagdalaw namin kay Alden sa taping ng Mundo Mo’y Akin, mas konti lang daw ang eksenang kukunan sa kanya.

Parang dumalaw lang sila ni Louise sa bahay ni Perlita, na ginagampanan naman ni Sunshine Dizon.

Kahit na “pinapangit” si Louise sa primetime series nila, nandoon pa rin ang kilig sa pagitan nila.

Ano naman ang masasabi ni Alden sa bago niyang teleserye?

“Masaya po kasi panibago pong story itong sinusubaybayan nila. Hindi kagaya before na sobrang drama.

“At least ngayon, mas panibagong factor, nandiyan din si Lauren [Young]. Kaya nakakatuwa po na marami ang nakaka-appreciate.

“Hindi lang po ang chemistry namin ni Louise, kung hindi maging ang chemistry namin ngayon ni Lauren, masarap po.”

Natutuwa si Alden sa mga natatanggap niyang komento sa kanilang dalawa rin ni Lauren.

May strong physical chemistry raw sila onscreen sa kabila ng ngayon pa lang sila nagkakaroon ng “moments” sa kanilang serye.

Aniya, “Masaya po talaga kasi masasabi kong nagwo-work yung character namin as Jerome and Darlene, so maraming salamat po talaga.”

Aminado si Alden na kahit siya ay nakikita yung “chemistry” sa pagitan nila ni Lauren.

“Opo e, nakikita ko rin po,” sabi niya.



SWITCHING. Natawa naman si Alden nang tanungin kung nagkataon kayang walang Elmo Magalona na nali-link noon pa kay Lauren, posible bang magustuhan o ligawan niya ang young actress?

“Mabait naman po si Lauren, maganda, pero sa ngayon po, hands-off muna po,” sabi niya.

Yun nga lang, tila nauugnay si Alden sa mga tinaguriang “Elmo’s Girls” na sina Lauren at Julie Anne San Jose.

Si Julie Anne, na nali-link din kay Alden, ay ka-loveteam ngayon ni Elmo.

Si Lauren, na rumored girlfriend Elmo, ay ka-loveteam ngayon ni Alden.

“Yun nga po, sinasabi po nila sa akin, ‘Lahat na lang inaagaw mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, ang isang secure na sagot ko pong masasabi sa kanila, trabaho lang ako.

“Wala naman po silang nakitang hindi magandang nagawa ko sa kung sinumang mga nali-link.”

Wala pa rin talaga siyang lovelife?

“Wala pa rin, wala pa rin po talaga… I swear,” giit niya.

Dagdag niya, “Sasabihin ko po talaga sa inyo kapag meron na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN