Jake Cuenca on his gay fans: "Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanila. Kasi, alam ko naman na malaking market ko ‘yan."

Alam ni Jake Cuenca na malaking porsiyento ng kanyang fans ay mula sa gay community. “Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanila. Kasi, alam ko naman na malaking market ko ‘yan. And I embrace that… I really, really embrace that.”


Sa unang pagkakataon, gagawa si Jake Cuenca ng isang indie film na tumatalakay sa gay relationship.

Iikot ang istorya ng Lihis sa dalawang leftist rebels na gagampanan nina Jake at Joem Bascon.

Gagalawan nila ang masalimuot ng mundo ng pakikibaka laban sa establisimento na noo’y sinusubukang pag-ugnayin ang konserbatibong kaisipan sa mga makabagong paniniwala.

Sa gitna nito, nagkaroon ng relasyon ang dalawang rebelde na pilit kakalabanin ang hindi pa katanggap-tanggap ang ganitong klase ng pag-iibigan.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, ang Lihis ay entry sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa press conference ng Lihis noong April 11, sa RJ Bistro Makati, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may love scene sina Jake at Joem sa pelikula.

Tinanong namin si Jake kung ano ang nakapag-motivate sa kanya para tanggapin ang pelikula.

Mabilis niyang tugon, “Direk Joel Lamangan and Ricky Lee.

“Ako, tulad ng sinabi ko, matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Joel talaga.”


Si Joel ang direktor ng pelikula mula sa script ni Ricky.



READY FOR THE ROLE. Hindi ito unang beses ni Jake na tatalakay ng ganitong karakter, pero sa palagay niya ay hinog na siya para sa ganitong role.

Gumanap na rin siya noon bilang bakla sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Saad niya, “Siguro, it was ten years in the making to do a film like this.

“Ito kasi, may touches siya… Sa kagustuhan niyang mag-out noong panahon na ‘yan, mas conservative ang tao.

“Pero nangingibabaw pa rin ang kagustuhan niya to move freely and to move the way he’s really supposed to be moving.

“And as much as gusto niya, lumabas at lumabas at kapag kasama mo na ang taong mahal mo…

“Minsan, nangingibabaw, minsan lumalabas na kusa. Minsan akala niya babae siya kapag kasama niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COMFORTABLE. Mas kilala si Jake bilang “chickboy.”

Pero sa totoong buhay ba ay na-imagine niya ang sarili na magkagusto rin sa kapwa niya lalaki?

Sagot niya, “Well, I’m very comfortable naman with my sexuality but again, I have so much respect for gay people.

“I owe it to them. Siguro, I wouldn’t be where I am today if it’s not for them, screaming for them in the Bench fashion show.

“Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanila. Kasi, alam ko naman na malaking market ko ‘yan.

“And I embrace that… I really, really embrace that.”



CHOICES. Kasama rin sa Lihis ang nali-link kay Jake na si Lovi Poe. Pero hindi sila ang magkapareha rito kundi magkaribal pa nga para sa pagmamahal ni Joem.

Sabi ni Jake, “Oo nga. Actually, noong unang inalok sa akin ang pelikula, originally, baligtad sana ang role. Kay Joem sana ang role ko.

"Nakita ninyo kami ni Lovi sa isang pelikula dati, yung My Neighbor’s Wife, so I wanted to do the role.

"Parang mas hindi ako. Kung tutuusin, si Joem must have done gay roles also.

“So, sabi ko, ’Baka mas magandang magbaligtad tayo, tutal nagawa mo na yung ganitong role.’

“Ako rin naman, yun na ang ine-expect sa akin ng mga tao, yung ganyang role na lalaki, may asawa.

“So, sabi ko, doon na lang ako sa isang role na mas progressive ang pagiging gay niya. Yun na lang ang pinili ko talaga.”



PERIOD SETTING. Dekada ’80 ang setting ng kuwento na ito ng Lihis kunsaan mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga karakter na ginagampanan nina Jake at Joem.

May limitasyon ba si Jake sa paggawa ng ganitong klase ng pelikula?

“Ako, wala!” natawang sagot niya.

“Gusto ko lang talagang matuto sa pelikulang ito because it’s Direk Joel Lamangan and 110 percent, nandoon ang tiwala ko kay Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joem, handa raw ito kung talagang kinakailangan sa eksena ng frontal nudity.

Sabi naman ni Jake, “Kung kailangan ni Direk siguro. Pero kinausap naman kami na hindi aabot sa ganoon.

“Siyempre, may certain nudity na kinakailangan para maipalabas ang katotohanan ng eksena na okay lang naman sa akin yun.

“Pero, wala namang frontal na kailangan.

“We’ve started the scene na parang nagliligawan. We did a lot of breakdown scene that we did on the first day.”



PRECEDENT. Bago pa man ang Hollywood film na Brokeback Mountain, nauna na raw ang script na Lihis na ito ni Ricky Lee.

Ayon kay Jake, “Sabi nga ni Ricky Lee, even before Brokeback Mountain came out, buhay na ang script na ito.

“Ang hirap lang daw maghanap ng producer.

“Actually, noong inalok nila sa akin ito, wala pang producer, hindi pa handa lahat.

“Pero ang nangyari, siguro blessing na rin, napasok siya sa isang festival na lahat ng magagaling na director.

“So, merong venue na mapanood talaga ng lahat ng tao.”



ON LOVI POE. Diretsahan naming tanong si Jake kung sila pa rin ni Lovi.

Sagot niya, “Okay naman, okay naman.

"Ano kami, parang na-maintain naman namin ang pagkakaibigan.

“Hindi ko naman itinatago ang fact na espesyal siya sa akin.

“Pero yun na nga, this time around, parang after all my showbiz relationships, parang gusto ko namang itago sa sarili ko.

“Never na nagwo-work out kapag masyadong vocal. Kapag nag-break, nagiging magulo.

“Wala naman akong itinatago, wala naman akong tinataguan.

“Ang ibig ko lang sabihin, siguro what you get is what you see, so bahala na ang taong mag-brand.”

Puwedeng sabihin na hanggang ngayon, sila pa rin?

“Na-maintain, wala namang nagbago from the time we did My Neighbor’s Wife and up to this point, okay pa naman kami.”

Nali-link din kasi si Lovi kay Rocco Nacino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jake tungkol dito, “Well, siya na lang ang tanungin ninyo doon.

"Basta ako, it’s still the same when we did My Neighbor’s Wife.

“And ako, special siya sa akin at kung anuman ang iniwan namin sa pelikula.

“Pero ako, gusto ko lang ngayon na medyo slow.

“Again, parang masyadong naging magulo na rin ang past relationship ko. Masaya ako sa pacing ng life ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN