Kristoffer Martin on proving his worth as leading man: “Hindi ako magbibigay ng five, hindi ako magbibigay ng six, ibibigay ko yung ten!”

Kristoffer on waiting for his big break: “Actually no, hindi naman ako ano... hindi naman ako nagmamadali, e. Okay naman, hindi ako nagmamadali, mas gusto ko yung pinaghihirapan ko ito, hindi yung boom, sikat agad. Ang hirap kasi pag nasa itaas ka na ang hirap i-maintain, e.”


Sa tanong kung ano ang kakayanin pa niyang gawin para sa career niya, sinabi ni Kristoffer Martin na…

“Open naman ako sa lahat, e, kasi sa una pa lang inano na kami about sa mga kissing scenes, ganyan-ganyan.

“Nagawa ko na naman yan sa Pahiram Ng Sandali, ’yon ...open naman ako,” panimulang bungad ni Kristoffer nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kakambal ni Eliana noong Miyerkules, April 10 sa 17th floor ng GMA Network Center.

DINGDONG AS IDOL. Iniidolo ni Kristoffer si Dingdong Dantes.

“Si kuya Dong, kasi nakatrabaho ko na si kuya Dong sa Pahiram [Ng Sandali], nakikita ko yung passion niya sa pag-arte.

“Plus si kuya Dong nakapagtapos ng college, maganda yung takbo ng career niya. Hindi lang siya artista, e... kumbaga may mga commitments rin siya sa ibang bansa so iyon yung iniidolo ko kay kuya Dong.”

Gumanap pa siyang young Dingdong sa Endless Love noon.

“Sobrang tinitingala ko si kuya Dong kasi hindi niya inaano na artista siya, e. Gusto niyang andiyan yung pagiging artista niya, nandito yung gusto niya sa buhay, so naba-balance niya yung dalawa so yun yung nakakatuwa kay kuya Dong.”

MISUNDERSTOOD. Napag-usapan naman ang misinterpretation ng ibang tao kay Kristoffer.

“Nasabihan na ako ng ibang press na mayabang,” pag-amin niya.

”Lilinawin ko lang, siguro ganun lang talaga yung dating ko, kasi maski sa school, e, nung high school ako pag naglalakad, tapos ayun medyo mahangin daw ako, nami-misinterpret na mayabang daw ako, nami-misunderstood yung pagkatao ko.

“Kaya sinasabi ko once you get to know me naman, sobrang lovable kong tao, sobrang kengkoy kong tao, sobrang kalog kong tao— kaya kong sakyan yung mga trip mo, kaya ko pang lagpasan, ganun akong tao.

“Siguro pa-mysterious effect lang ako, ganun ako.”

COMPETITION WITH ENZO? Sa Kakambal Ni Eliana na pinagbibidahan ng newcomer na si Kim Rodriguez, mga leading men niya sina Enzo Pineda bilang si Julian at si Kristoffer bilang si Gabo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong namin kay Kristoffer kung may effort ba sila ni Enzo na magpatalbugan bilang silang dalawa ang leading men ni Kim.

“What do you mean, competition? Wala! Actually ngayon, kami ni Enzo, naging close kami suddenly, nagdo-DOTA [Defense of the Ancients online video game] kami, actually naging bestfriends kami eventually, naging mas close kami ngayon.

“Mas nagkakaintindihan kaming dalawa lalo na sa situation niya, natutulungan ko siya sa situation ko, natutulungan niya rin ako so parang nakikita ko yung may some personalities ako na nakikita ko sa kanya, nasa sa akin din.

Mapapanood rin sa Kakambal Ni Eliana (na ieere na sa Lunes, April 15) bilang kontrabida ni Kim si Lexi Fernandez bilang si Margarita, Jomari Yllana, Antonio Aquitania, Chynna Ortaleza, Sherilyn Reyes, at si Jean Garcia.

Nasa cast rin sina Carmen Soriano, Eva Darren, Carlene Aguilar, Mosang, Leo Martinez at si Jay-R, sa direksyon ni Roderick Lindayag.

First lead role ito ni Kristoffer; may e-effort ba siya na mas galingan pa niya para huwag siyang masapawan ni Enzo?

“Ayoko ng ganun, e, kasi pag ganun ang inisip ko parang binastos ko yung kaibigan ko, e.

“Alam ko trabaho pero siyempre hindi pa rin mawawala yung feeling na, ‘Ay, kaibigan ko ito!’

“Trabaho, trabaho pero ako gagawin ko lang ang best ko, no competition, I’m just doing my best.

“Hindi ako magbibigay ng five, hindi ako magbibigay ng six, ibibigay ko yung ten!

”Pero huwag mong iisipin na competition kasi ginagawa ko yun para role, para sa character, para doon sa soap.”

MAKE OR BREAK ROLE. At dahil nga una niyang itong pagbibida, maituturing na make or break para kay Kristoffer ang role niya sa Kakambal Ni Eliana.

“Oo, may ganung factor, e, so pag hindi ko inayos ito, kasi ipinagkatiwala sa akin ng network itong soap, e, so aalagaan ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas aalagaan ko ito kasi ito yung parang first lead na gagawin ko so hindi ko ito babasta-bastahin.

“Inaral ko talaga ito, nag-workshop kami, sineryoso namin ang workshop, walang oras na nasayang sa pag-aaral ng acting, walang nasayang na oras sa pag-aaral sa character.

“So, ang masasabi ko lahat naman kami ready naman, lahat kami ready naman.”

Sa palagay ba ni Kristoffer, natagalan bago siya binigyan ng big break ng GMA?

“Actually no, hindi naman ako ano... hindi naman ako nagmamadali, e.

“Okay naman, hindi ako nagmamadali, mas gusto ko yung pinaghihirapan ko ito, hindi yung boom, sikat agad.

“Ang hirap kasi pag nasa itaas ka na ang hirap i-maintain, e.

“Kailangan lagi kang nasa itaas, once na bumagsak ka, mahihirapan ka ng umangat. Mas maganda yung galing ka sa ibaba kahit gaano man yan katagal basta alam mo yung goals mo, alam mong gusto mong umangat, dahan-dahan naangat ka, mas tatatak ka sa tao kasi pinaghihirapan mo.”

GETTING TO KNOW KIM. Close na sila ni Kim.

“Nag-undergo kami sa workshop. Sa workshop kasi ang pino-focus ni Miss Anne Villegas, siya yung nag-facilitate ng workshop, yung relationship exercise kasi hindi ka makakapagtrabaho dun sa kasama mo pag hindi kayo kumportable sa isa’t-isa.

“So, na-build yun sa aming lahat, sa amin ni Kim lalo kasi sa first week, sa pilot week nandun na kami magkaka- encounter na kami ni Kim.

“So, iwas-ilangan ako, kasi tinatanggal ko yung ilang ko sa tao kasi ang focus ko, trabaho, trabaho, trabaho.”

Gaano na sila ka-close ni Kim?

“Siguro ano mas close kami ngayon kesa nung Tween Hearts at Oros.”

Isang indie movie ng GMA ang Oros.

“Kasi nung Tween Hearts at Oros, halos hindi kami nag-uusap, nag-uusap-usap pero hindi yung ganun.

“Ngayon lagi kaming nag-uusap, magkatabi kami ng upuan, ganyan-ganyan, nag-uusap, nagsi-share siya, nagsi-share din ako, kulitan kami. Actually lahat naman kami, may bonding kaming lahat kasi nasa iisang tent lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, masaya ako kasi ayun nakakagawa ng bagong friends, ng bagong relationships.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN