Enzo Pineda on finally achieving leading-man status: “The challenge is still there.”

Enzo on his initial frustrations prior to his big break: “Minsan may mga times talaga na na-frustrate talaga ako, minsan nga naiyak pa nga ako, na sabi ko, ‘Ano ba nangyayari sa akin? Saan ba talaga ako dapat lulugar? So, at least now I know, di ba? I have a clear view on ano ba ang career path ko ngayon. So, happy ako that GMA helped me and gave me this opportunity, di ba?”


First time na mag-lead role ni Enzo Pineda sa Kakambal Ni Eliana.

Sa tingin ba niya ay tama lamang ang timing o natagalan bago siya nabigyan ng malaking break ng GMA-7?

“Well, I think tama lang. Even though I wanted this before, wala, e... para sa akin kung binigay sa akin ito ng GMA dati, baka mapahiya lang ako.

“Baka hindi ko magampanan yung role ko nang maayos. Maybe because I needed more experience in life.

“I mean as an actor you have to go with the flow, e. Kung ano yung mga na-experience mo sa buhay, kailangan mong tanggapin.

“So, para sa akin yung three years na yun na pinagdaanan ko sa showbiz made me who I am right now as an actor...

“Na meron nang... may paghuhugutan na, di ba? Meron nang mga... puwede nang mag-drama. I mean, may mga times talaga na naging frustrated din ako sa mga bagay-bagay.

“Yun nga yung mga times na may mga challenges ako sa buhay, yun yung nag-push sa akin to do better and now I’m here and para sa akin, kung gusto mo talaga, makukuha mo.

“So, ayun... nandito ako ngayon and I’m happy,” panimulang pahayag ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

PAST FRUSTRATIONS. Ano specifically ang mga bagay na naka-frustrate sa kanya dati?

“Well, siguro when it comes to... kung worth it ba yung time ko sa showbiz.

“Dumating kasi yung point na ganun, e. Parang, ‘Am I doing my job right?’ Or ‘Am I doing something wrong? What should I do? Should I reinvent myself, at an early age ?’

“Maraming pumapasok sa isip ko, e. Pero nung nag-acting workshops kami, parang I got good grades from that or parang unexpectedly na I was chosen to be the best actor for the GMA League Of Actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun yung point na dumating sa akin na, ‘Yeah, I think I can do this, puwede akong maging dramatic actor pag pinaghirapan ko siya.’

“Siguro yung acting workshops kasi, I know some people parang mahirap mag-acting workshop, minsan nakakatamad, pero ako, alaga ako ng acting workshops, e.

“Product ako so all I can say is nakakatulong talaga siya in expressing myself.

“Kasi yung buhay ko before, maybe I wasn’t that expressive before, pero kung ngayon, yung workshop talaga nakatulong talaga sa akin as a person... to love myself, to express how I feel... so, ganun akong tao talaga kasi iyon yung nakatulong sa akin,” saad niya.

May pagkakataon ba na muntik na niyang talikuran ang pag-aartista?

“Hindi naman quit, pero minsan may mga times talaga na na-frustrate talaga ako, minsan nga naiyak pa nga ako, na sabi ko, ‘Ano ba nangyayari sa akin? Saan ba talaga ako dapat lulugar? What is my image?’

“Even my image sabi ko, ‘Ano ba, sexy ba ito, pa-cute or what?’ Di ba?

“So, at least now I know, di ba? I have a clear view on ano ba ang career path ko ngayon. So, happy ako that GMA helped me and gave me this opportunity, di ba?

“So, pinag-aralan talaga and being given importance is a good feeling so happy ako dun,” dagdag niyang kuwento.

WAITING FOR RIGHT TIME. Tinanong din namin kay Enzo kung may pagkakataon na nainggit siya kay Rocco Nacino na kasabayan niya sa StarStruck.

Mas marami kasing magagandang break na naibigay kay Rocco, kahit na pumangatlo lamang ito kina Steven Silva at Enzo noon sa StarStruck V.

“Well, may mga times talaga na... I mean not just for Rocco but for other people as well,” pag-amin niya.

“Na parang, ‘Ayan, I’m doing my best but I think parang wala yatang napupuntahan. So, what’s wrong with me?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siguro parte ng challenge sa buhay na… impatient ako, e... gusto ko mabigay kaagad sa akin, e.

“E, tinuruan siguro ako ng Diyos kung paano maghintay for the right time and hindi dahil kailangan kong maghintay pero I need to be deserving of that opportunity bago pa ibigay sa akin.

“Kasi for some people, di ba parang ang taas ng suwerte nila, di ba and everything? But in my case, sa buhay ko, ako wala akong nakukuha or naa-achieve pag tamad ako.

“Yun lang.”

VINDICATED? Ngayon ba, with his lead role sa Kakambal Ni Eliana, sa palagay ba niya ay vindicated na siya? Napatunayan na ba niya na may karapatan na siyang maging leading man?

Aniya, “The challenge is still there. Actually me having a show is good but ako, hindi ko pa napapatunayan sa sarili ko.

“Ito yung way ko para patunayan ko sa sarili ko. It’s not just for Kakambal Ni Eliana but for a lot of shows na... may in-audition din ako na show, let’s say for GMA News TV, mga ganun.”

Ito raw ay para sa ilang series ng GMA News TV tulad ng Bayan Ko.

Gusto raw ni Enzo na ang mga roles na ibibigay sa kanya sa TV o pelikula ay malayo sa pagkatao o karakter niya sa tunay na buhay.

“As much as possible I want to try any role, kahit anong role na matsa-challenge ako. Para sa akin yung malayo sa akin, the better.

“Mas natutuwa ako kasi mas malaking contentment yung nakukuha ko run.

“Pag binigay sa akin something similar to me, okay lang I appreciate it pero personally gusto ko yung malayo sa akin or yung mga drama talaga para mapatunayan ko ang sarili ko,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN