Matteo Guidicelli on persistent talk about relationship with Jessy Mendiola: “Jessy is an inspiration right now… she inspires me at yun lang.”

Matteo Gudicelli on his experience doing Paraiso: “It really changed my life in many ways—in my work, in my acting… discovering myself more, finding new friends.”


Kahit consistent sa pagsasabing “unlabeled relationship” ang mayroon kina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola, marami ang naniniwalang totoong may namamagitan na sa kanila.

Makikita sa mga naglabasang kuha nila sa Cebu, kung saan nagbakasyon ang young actress sa hometown ni Matteo, na sweet na sweet ang dalawa.

Iinuwento naman ni Matteo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging pagkikita nila ni Jessy sa Cebu.

“Hindi… nasa Cebu talaga siya. Tapos, nandoon din ako.

"Actually malayo ako, nasa Bantayan ako, tapos nasa Plantation Bay siya.

“Noong Saturday, sabi ko, I have to take Jessy out. Ako, lugar ko yun… I brought her out for few days, yun lang.”

Balita ring pormal nang ipinakilala ng Kapamilya actor si Jessy sa kanyang pamilya.

Pagkumpirma ni Matteo, “Yeah, na-meet niya family ko, okay naman, they like her. She’s nice to her, positive naman lahat.”

NO TIME. Career at ang sports ni Matteo ang ibinigay niyang dahilan kung bakit hindi pa siya handang i-push sa mas malalim na relasyon nila ni Jessy.

Sabi niya, “Hindi ko alam, wala namang label or anything. Basta we’re just close.

“Basta iisipin ko ang trabaho ko muna, yung triathlon ko.

“Siyempre, she’s a special friend. I will always be there for her kaso lang my priorities are my work and my sports first.

“Jessy is an inspiration right now… she inspires me at yun lang.

“Wala… busy, e, wala tayong time for that.

"Basta, I want to concentrate on work and triathlon.”



ASSURANCE. Since unlabeled at wala pang exclusivity ang kanilang relasyon, hindi ba nagwo-worry si Matteo kung may manligaw at lumabas si Jessy?

Tugon niya, “Oo naman, it’s okay.

“Basta ako, I will always be there for Jessy, she’s very special to me… nandoon ako para sa kanya.”

Unang naiugnay si Jessy kay JM de Guzman na very open sa malalim na damdamin niya para sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Matteo kung nagpaalam o nagsabi ba siya kay JM ng tungkol sa kanila ni Jessy.

Tugon niya, “Hindi, wala namang problema sa kanya. Wala naman akong ipapaalam.

"We still say ‘hi’ to each other—wala namang problema.”

Tiniyak naman ni Matteo na sa sandaling maging sila ni Jessy ay hindi niya ito itatago at aaminin sa publiko.

“Hindi naman, oo, aamin ako… ako pa?”



PARTNERS AGAIN. Hangad ni Matteo na sana ay magkasama silang muli ni Jessy sa isang proyekto pagkatapos ng matagumpay nilang tambalan sa Precious Hearts Romances (PHR) Presents Paraiso.

Sambit niya, “Sana magkasama kami… sana… sana.”

Memorable para kay Matteo ang teleseryeng ito dahil bukod sa marami siyang magagandang memories sa Paraiso ay marami rin siyang natutuhan habang ginagawa ito.

“Nami-miss ko talaga lahat ng katrabaho ko—from our directors and staff and everybody else.

“And masaya naman dahil ito ang pinakamahabang PHR series—umabot siya ng six months.

"So, ayun… so very, very blessed.

“It really changed my life in many ways—in my work, in my acting… discovering myself more, finding new friends.

“I’m so happy to be part of this show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN