Angeline Quinto denies lesbian relationship: "Kung mayroon, bakit di nila ilabas sa akin?"

Ipinaliwanag ni Angeline Quinto ang pagkakaroon niya ng kilos-lalaki, na nagiging dahilan tuloy upang intrigahin siyang tomboy. Sabi niya, “Di ako nahihiya na sinasabihan ng mga tao na may pagka-brusko, may pagka-boyish, pero ganoon ako. Darating ang araw na maaayos ko ang lahat na maging finesse ako.”


Open at prangka si Angeline Quinto sa mga nagugustuhan niyang mga aktor—mula kay Coco Martin hanggang kay Sam Milby.

Pero hindi pa rin mamatay-matay ang mga isyung kumukuwestiyon sa pagkababae ng Kapamilya singer-actress

Ngayon naman ay nababalitang may ka-“on” daw ng Star Power grand champion na isang empleyada ng ABS-CBN.

Bagay na agad na pinabulaanan ni Angeline sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hamon niya, “Alam ninyo, may mga naririnig akong ganyan. Kung mayroon, bakit di nila ilabas sa akin?

“Kumbaga, para magkaalaman na kung ano ang totoo.

“Siyempre, may mga kaibigan ako na dito nagtatrabaho, pero wala namang ganoon.

“Ano ba ‘yang mga issues na may dyowa ako, baka close friend ko?”



UPBRINGING. Ano ang reaksyon ni Angeline sa patuloy na pagkukuwestiyon sa kanyang kasarian?

Tugon niya, “Sa akin naman kasi, simula’t sapul, laging tinatanong sa akin ‘yan…

"Sa akin, hindi ako lesbiyana.

“Sinasabi ko sa inyo na lumaki ako sa Sampaloc.

“Hindi ako nahihiya na sinasabihan ng mga tao na may pagka-brusko, may pagka-boyish, pero ganoon ako.

“Sinasabi ko nga, darating ang araw na maaayos ko ang lahat na maging finesse ako.

“Hindi man ngayon, kasi sobra akong nag-e-enjoy sa ganito, ayoko namang baguhin ng agad-agad ang sarili ko.

“Baka mas lalong ma-ano ang mga tao sa akin.”



END OF AIRING. Nagwakas na noong Biyernes, April 12, ang afternoon soap ni Angeline sa ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin

Nalungkot daw ang singer-actress sa pagtatapos ng pinagbidahang serye, pero masaya rin siya dahil mabibigyan niya ngayon ng panahon ang mga out-of-town at out of the country shows niya.

“Ako naman, siyempre hindi ko naman maitago na malungkot kasi every T-Th-S [Tueday-Thursday-Saturday] nagte-taping kami.

“Pero alam ko naman na ngayong natapos na ang Kahit Konting Pagtingin, balik na uli ako sa buhay pag-raket, out-of-town, out of the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun din ang na-miss ko noong dumating ang Kahit Konting Pagtingin, so excited ako na bumalik sa buhay ko tulad noon.

“Siyempre mami-miss ko yung mga nakatrabaho ko sa Kahit Konting Pagtingin

“Sa bawat tweets ng bawat tao, sa tuwing napapanood nila ito tuwing hapon.”



RATINGS GAME. Totoo bang hindi naabot ng Kahit Konting Pagtingin ang ratings na inaasahan dito ng management kaya nasibak agad ito sa ere?

Sabi ni Angeline, “January 28 kami nag-start, so halos three months.

“Yun din po ang tinatanong ko sa iba. Ang sabi nila, kumbaga, hanggang doon na lang ang istorya.

“Kapag pinilit naming pahabin, baka di magustuhan ng tao, maging pangit ang kalabasan, kumbaga.

“Hindi naman, okay naman ang ratings namin—yun ang alam kong nag-iisang dahilan kung bakit kailangan nang matapos.

“Saka, alam ko may papalit na bago na matagal nang na-canned.

"Yung sa amin naman, talagang biglaan din."

Hindi kaya nagkaroon ng pagkukumpara sa leading men niyang sina Sam Milby at Paulo Avelino, at nahirapan ang Kahit Konting Pagtingin sa masyadong mataas na ekspektasyon ng mga tao?

Sagot ni Angeline, “Hindi ko alam, pero sana magtuluy-tuloy.

"Pero, inaamin ko na nahihirapan ako sa pag-arte.

“Nag-enjoy naman talaga, lalo na sa mga nakasama kong mga bigating artista, yung mga direktor namin, sila Sam and si Paulo.

“Nag-usap-usap nga kami noong mga nakaraang araw, sabi ko kina Sam and Paulo na mami-miss ko silang dalawa.

“Sana, dumating yung time uli na magkatrabaho uli kami.

“Kaya lang, baka matagalan pa kasi may kanya-kanya rin silang mga teleserye na gagawin.”



COMPETITION. Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin noon, inamin ng isa sa mga executive na ang inspiring story at ang mainit na pagtanggap sa Be Careful With My Heart ang isa sa rason kung bakit nabuo ang seryeng pinagbibidahan ni Angeline.

Ano ang masasabi ni Angeline dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kasi, ito namang Kahit Konting Pagtingin, ginawa naman siya para sa hapon.

“Ang Be Careful, talaga namang sobrang lakas noon.

“Dahil sa umaga sila, kailangan din naman ng isang katulad nila para sa hapon naman.

“Kaya doon inilagay ang Kahit Konting Pagtingin para bago naman makapanood ng mga balita ang ating mga Kapamilya… magawa nilang tumawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN