Senatorial candidate Jack Enrile dubs WikiLeaks documents as “rumors and hearsay”

by Rommel R. Llanes
Apr 15, 2013
Si Jack Enrile nga ba ang bumaril sa De La Salle University student na si Ernest Lucas Jr. sa isang party sa Makati noong 1975? Ito ang nilalaman ng kontrobersiyal na dokumentong inilabas ng WikiLeaks nitong nakaraang linggo.

Nitong nakaraang linggo, lumabas sa website ng WikiLeaks ang kopya ng isang dati’y “classified” information mula sa isang dating U.S. Ambassador sa Pilipinas.

Sa information na ito, nabanggit ang tungkol sa pagkakasangkot ng senatorial candidate at kasalukuyang Cagayan congressman na si Juan Ponce “Jack” Enrile Jr. sa pagkamatay ng isang estudyante, ilang taon na ang nakararaan.

Ang WikiLeaks ay isang online international non-profit organization na naglalabas ng mga “classified” o sikretong dokumento, media, at impormasyon mula sa mga anonymous o ayaw-magpakilalang sources.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpa-publish ng WikiLeaks ng mga dati’y “confidential” U.S. diplomatic cables (na sinimulan nilang gawin noong 2010), lumabas ang isang diplomatic cable document mula kay dating U.S. Ambassador William H. Sullivan para sa Department of State ng U.S. Government.

Sa dokumentong ito, ipinahayag ni Sullivan ang kanyang paniniwala na may kinalaman ang noo’y Secretary of National Defense na si Juan Ponce Enrile Sr. upang maimpluwensiyahan ang hindi pagtuloy ng pagsampa ng kaso sa noo’y teenager pa lang na si Jack o Jackie Enrile.

Continue reading below ↓

(CLICK HERE for Sullivan’s document.)

Ang sinasabing kaso ni Jackie ay ang diumano’y pagkakapatay niya sa De La Salle University student na si Ernest Lucas Jr. sa isang party sa Makati noong 1975.

Naging high-profile case ito noong taong iyon dahil dalawang matataas na opisyal sa Kabinete ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang sangkot.

Ama ng noo’y 17-year-old na si Jackie ang Secretary of Defense, habang ang ama naman ni Ernest ay ang Philippine Navy commander na si Ernesto Lucas Sr.

Sa mga balitang lumabas sa pahayagan noong taong iyon, nagkaroon ng mainit na kumprontasyon sina Jackie at Ernest sa isang party na eksklusibo lang para sa mga nag-aaral sa Ateneo de Manila University.

Humantong ang kanilang kumprontasyon sa pagkakapatay kay Ernest sa pamamagitan ng tama ng baril sa noo nito.

Ayon sa dokumento ni Sullivan, nagkaroon ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at nagrekomenda na kasuhan si Jackie.

Continue reading below ↓

Ngunit sa desisyon ng noo’y Chief State Prosecutor na si Rodolfo Nocon, inabsuwelto ang batang Enrile sa pagkakapatay kay Lucas at nirekomenda ang pagsailalim sa Military Tribunal ng aide o bodyguard ni Enrile na si Sgt. Danilo Cruz.

Nakalagay sa cable document ni Sullivan: “In rejecting National Bureau of Investigation's recommendation that charges be filed against [the] young Enrile, Nocon argues Enrile neither executed any direct overt act which contributed to [the] death of Lucas nor conspired with or ordered Sgt. Cruz (his bodyguard) to kill Lucas. Nocon also recommended that Sergeant Danilo Cruz be tried by Military Tribunal for Lucas homicide.”

Nagpahayag ng kanyang pagdududa si Sullivan sa impluwensiya ng Secretary of Defense noon na si Juan Ponce Enrile Jr. sa kinahinatnan ng kaso ni Jackie.

Pahayag ni Sullivan: “Despite Enrile's protestations about not wishing unduly influence his son's case, handling of homicide charges against Enrile Jr. appears rather rank. Jackie did not even appear in person at hearings since he was 'attending classes.' While taking sworn statement accords with recognized Philippine procedure, in cases of this importance material witnesses are normally interrogated in person by [the] investigating fiscal. [The] Government relied on his deposition.”

Continue reading below ↓

Naabsuwelto nga si Jackie at umamin ang bodyguard-aide niyang si Sgt. Cruz na siya ang bumaril kay Ernest.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Sgt. Cruz na nabaril niya si Ernest sa aktong pagdedepensa kay Jackie.

Nahatulan si Cruz ng 12-taong pagkakakulong.

Ngunit sa isa pang cable message ni Sullivan, sinabi niyang may mga kumakalat namang usap-usapan na si Jackie talaga ang bumaril o nag-utos na barilin si Ernest.

“Some maintain Enrile Jr. was drunk and actually shot Lucas or ordered his security guard, also drunk, to shoot him,” sabi ni Sullivan sa kanyang mensahe.

(CLICK HERE for the rest of this message.)

IT WAS JACKIE. Sa isang interview naman ng GMA News sa tinaguriang “Running Priest” na si Father Robert Reyes, sinabi nito na ayon sa kanyang sources, si Jackie mismo ang pumatay kay Ernest at hindi si Cruz.

Si Fr. Reyes ay tiyuhin ni Ernest.

Sa kuwento raw ng mga nakausap niyang saksi sa pagkakapatay kay Ernest, pinaaalis daw noon ni Jackie si Ernest sa eksklusibong party ng mga Atenista.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag daw ni Ernest na naroon lang siya para tingnan ang kapatid nitong babae na nasa party rin nung gabing iyon.

Nagkaroon daw ng mainit na pagtatalo at pagkatapos, “Jackie goes back to the house and gets the gun from his aide and pumps a bullet into the forehead of my nephew,” sabi ni Fr. Reyes.

Sa interview naman ng 24-Oras nung nakaraang Miyerkules, Abril 10, kay Fr. Reyes tungkol sa WikiLeaks documents ni Sullivan, sumang-ayon siya sa paghihinala ng dating U.S. Ambassador sa kaso ni Jackie at sinabing may cover-up talaga sa imbestigasyon sa pagkakapatay kay Ernest.

“There was a travesty of justice, may whitewash, may pananakot, at wala talagang matinong probe o imbestigasyon na naganap,” ani Fr. Reyes.

“Hindi ako naniniwala [na ang aide ang bumaril] kasi ang unang mga testimonya ng mga kaibigan niya si Jackie Enrile [ang bumaril kay Lucas],” patuloy pa niya.

JACK DENIES. Sa text message naman ni Jack sa mga reporters bilang reaksyon sa mga dokumento ni Sullivan, tinawag niyang “rumors and hearsay” lang ang mga ito.

Continue reading below ↓

"Please note that Sullivan states that the basis of his report were rumors and hearsay. I believe I have answered this before thoroughly in print, TV, radio, and the Internet, and would like to move forward talking about my advocacies and what we together can and should do for our country and our people," sabi ni Cong. Enrile.

Sa isang campaign sortie sa Iloilo City nung Linggo, Abril 14, tinawag niyang “fiction” ang dokumento ni Sullivan, at paninira lang sa kanya ang pang-ungkat sa pagkakasangkot niya sa pagkamatay ni Ernest at iba pang personalidad.

Bukod kasi kay Ernest, naikabit din ang pangalan ni Cong. Jack Enrile sa pagkamatay ng 1980's actor na si Alfie Anido, ng isang businessman na nagngangalang Ricardo Manalad Jr., at isang lalaking nagngangalang Santillan.

Alam na raw ni Cong. Enrile na mangyayari ang mga paninirang ito sa panahon ng pangangampanya niya para sa pagka-senador.

“We are expecting more attacks, more black propaganda, more crazy allegations that are thrown at us,” pahayag niya pa sa mga reporter na naroon.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Juan Ponce Enrile
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Jack Enrile nga ba ang bumaril sa De La Salle University student na si Ernest Lucas Jr. sa isang party sa Makati noong 1975? Ito ang nilalaman ng kontrobersiyal na dokumentong inilabas ng WikiLeaks nitong nakaraang linggo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results