Vilma Santos’s first indie film submitted to Cannes; director Jeffrey Jeturian now a fanatic of the Star For All Seasons

Lalo raw bumilib ang direktor na si Jeffrey Jeturian sa Star For All Seasons na si Vilma Santos dahil sa professionalism nito habang ginagawa nila ang pelikulang Ekstra. Sabi ni Direk Jeffrey, “I was a Vilmanian since birth. Ngayon, after working with her, fanatic na ako! Dati, makapag-direct lang ako ng first film ko, sabi ko, puwede na ‘ko mamatay. Ngayon, nai-direct ko na si Ate Vi, puwede na ako uli mamatay, hehe!”


Nai-post sa Facebook fanpage ng indie film ni Jeffrey Jeturian na Ekstra/The Bit Player—kunsaan bida ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos—na nagpadala ang producers nito ng screener para sa 66th Cannes International Film Festival.

Noong Huwebes, April 11, naka-post sa naturang fanpage na wala pa silang natatanggap na anumang balita mula sa festival programmers kung makakasama sa prestigious international film festival ang pelikulang ito ni Governor Vi ngayong taon.

Pero umaasa ang mga taong involved sa Ekstra na maku-consider ito.

“No word is ‘good’ for now. It means the movie is still in contention. Announcement is anytime in mid-April.

“Anlapit na nyan… we badly need all the prayers we can muster to storm the gates of heaven.

“She [Vilma Santos] truly deserves to walk the red carpet,” ayon pa sa nag-post sa Facebook fanpage.

Official entry sa Director’s Showcase section ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa July 2013 ang Ekstra.

Kung sakaling makalusot ang Ekstra sa Cannes, ito ang pangalawang Cinemalaya entry na matatanggap bago pa man ito ipalabas sa mismong local film festival ng independent films.

Ang Busong ni Auraes Solito at pinagbidahan ni Alessandra de Rossi noong 2011 ay natanggap para sa Directors’ Fortnight section ng Cannes bago pa man ito nag-debut sa Cinemalaya.



FANATIC. Labis daw ang kasiyahan ng award-winning film director na si Jeffrey Jeturian dahil natupad ang matagal na niyang panalangin na makatrabaho si Vilma Santos sa isang pelikula.

Nag-post si Direk Jeffrey ng kanyang ipinadalang text message sa producer ng Ekstra na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.

Sabi ng direktor, “Please thank Ate Vi for me kasi ang laki ng sacrifice niya para lang matapos yung movie in time.

“Record-breaking sa bilis considering her schedule!

“I was a Vilmanian since birth. Ngayon, after working with her, fanatic na ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati, makapag-direct lang ako ng first film ko, sabi ko, puwede na ‘ko mamatay. Ngayon, nai-direct ko na si Ate Vi, puwede na ako uli mamatay, hehe!”

Isa sa mga nirerespeto at hinahangaang film director si Jeffrey Jeturian. Halos lahat ng kanyang mga nakatrabahong artista sa kanyang mga pelikula ay nanalo ng acting awards here and abroad.

Kabilang sa mga nabigyan ng acting awards ni Direk Jeffrey ay sina Gina Pareño (Kubrador), Ina Raymundo (Tuhog), Cherry Pie Picache (Bridal Shower), Anna Capri (Pila Balde), Racquel Villavicencio (Bisperas), Julia Clarete (Bisperas), Dante Rivero (Tuhog), Alfred Vargas (Bridal Shower), and the late Nida Blanca (Sana Pag-ibig Na).

Naging aktibo rin si Direk Jeffrey sa pagdidirek ng mga teleserye sa ABS-CBN; tulad ng The Wedding, Rosalka, Juanita Banana, Reputasyon, Mundo Man Ay Magunaw, at ang toprating morning series na Be Careful With My Heart.

Sa isang interview kay Direk Jeffrey ay naikuwento nito kung paano naibigay kay Governor Vilma ang project na Ekstra, na isinulat niya with Zig Dulay and Tonette Jadaone.

Lahad niya, “Previous to Ekstra, we had sent a few materials for Vilma to consider but nothing came of it.

“It was Ferdy Lapuz who broached the idea of having Vilma play the role of a movie bit player or in colloquial parlance, an ekstra.

“This is something I am familiar with, having worked in TV/movies all my professional life and a part of the showbiz industry I want to tackle and expose, as it is in the extras’ plight that the oppressive conditions in the industry is reflected most lucidly.

“So we developed the material, sent it to Ate Vi for her consideration and fortunately, she got fascinated with the script and role too, for her to accept it.”

Bumilib si Direk Jeffrey sa ibinigay na commitment ni Governor Vi para sa project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na busy ito sa kanyang trabaho bilang governor ng Batangas, hindi raw binigo ni Vilma ang mga tauhan ng Ekstra pagdating ng araw ng shooting nito.

“We are left with Saturdays only to shoot the film.

“But by God’s grace, we were able to finish filming with Ate Vi shooting for twelve days within two months, a record-breaking schedule considering that it takes her other films between six months to a year,” papuri pa ni Direk Jeffrey sa professionalism ng tinaguriang Star For All Seasons.

Bukod kay Governor Vi, kasama rin sa Ekstra sina Cherie Gil, Pilar Pilapil, Richard Yap, Eula Valdes, Ronaline Enriquez, Tart Carlos, Abby Niesta, Marlon Rivera, at Vince de Jesus.

May special guest roles naman sina Piolo Pascual at Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN