Glaiza de Castro prefers traditional courtship: “Stick pa rin ako doon sa old school na dumadaan sa proseso na pumapanhik ng ligaw.”

Inamin ni Glaiza de Castro na istrikto rin ang kanyang mga magulang sa mga manliligaw niya. Pero sabi ng aktres, “Kung ang isang intention naman ng isang lalaki ay mabuti, wala siyang dapat ikatakot o ikabahala o ikailang.”


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Glaiza de Castro sa Party Pilipinas noong Linggo, April 14, sumentro ang usapan sa kanyang pamilya at sa kanya mismo.

Lingid sa kaalaman ng marami, kasama pa rin ni Glaiza sa iisang bahay ang kanyang mga magulang at lima pang kapatid.

Ipinagmamalaki ng aktres na very strong ang bonding ng kanilang pamilya.

Saad niya, “Oo, siguro dahil na din sa kung paano nila [her parents] kami pinalaki—talagang nakatutok sila sa amin.

“Tsaka yung bond na rin naming magkakapatid... kasi yun ang priority talaga namin.

“Sinimulan yun ng lolo ko sa lahat sa amin. Hindi sa nanay ko, o sa tito o tita ko, lahat talaga kami ay nagtutulungan."

MOTHER KNOWS BEST. Sa pagdiriwang ng 59th birthday ng ina ni Glaiza na si Cristina Castro Galura noong Linggo ng gabi ay magsasama-sama raw ang kanilang buong pamilya.

Kuwento ng Kapuso actress, “Para nga sa birthday ng nanay ko, yung isang kapatid ko ay galing pang Zamboanga. Tapos, yung ate ko ay uuwi pa galing Dubai.

“Ganoon kami kasaya. Iba ang feeling of security kapag magkakasama-sama kami.”

Nagpapasalamat din si Glaiza sa mga kabutihan na ginagawa ng kanyang ina para sa kanila.

“Hindi ko pa naman napi-feel ang age niya kasi sobrang ang lakas pa naman niya, thank God!

“Masaya, kasi everything is going well sa pamilya. Masaya din ako sa mga nagagawa niya sa pamilya.

“Si Nanay talaga ang parang spokesperson namin. Yung nagba-bind sa lahat. Kaya proud ako na na meron akong nanay na katulad niya."

Dugtong pa niya, “Although hindi naman… minsan hindi kami magkaintindihan, di ba?

“Pero ang importante ay yung communication.

“In the end, yung hindi naluluma yung sinasabi nila na ‘mother knows best.’

“Isang napakalaking factor niya sa buhay naming lahat.”



CHRISTIAN FAMILY. Kasapi ang pamilya ni Glaiza sa People’s Baptist Church at malaking factor daw sa masayang pamilya nila ang pagiging isang Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Oo, kasi doon na kami lumaki, e.

“Bata pa lang ako ay doon na ako nagtse-church.

"Tapos, yung brother-in-law ko pa ay isang pastor, manugang ng ate ko ay pastor din.

“Ganoon na kami... family and church, nagkadikit na yun.

“Every Sunday ay magkakasama kami, kasi yun na din ang bonding namin.

“Halos lahat kami kumakanta sa service—ako, nanay ko, tatay ko.”



GOING SOLO. Ang sobrang closeness ba ng kanilang pamilya ang dahilan kung bakit hindi pa makapamuhay nang nag-iisa si Glaiza tulad ng ibang artista?

Sabi ng 25-year-old actress-singer, “Oo, kasi para sa akin, importante talaga sa akin ang pamilya, e.

“Sabihin man natin na yung iba ay kailangang matuto on their own, to make decisions on their own, darating tayo diyan.

“Ako kasi, hindi naman ako nagmamadali... ini-enjoy ko ang moments ko with my family.”

Aminado siya na pinaghahandaan na rin naman niya ito.

“Sa ngayon, nagpi-prepare na rin ako.

“Ginagawa ko ngayon ay yung for independent-living nga, kasi hindi naman lahat ng panahon ay nandoon ang pamilya.

“Darating din talaga sa point na hihiwalay ka.

“Pero, I’m blessed na doon sa pagpi-prepare ko sa pagiging independent ay kasama ko pa rin ang pamilya ko.

“Kasi sila din yung nagiging gabay ko.”

Ano naman ang pakiramdam ng magulang niya sa paghahanda niyang ito?

Aniya, “Pinag-uusapan namin. There was a point na tinanong nila ako na, ‘O, gusto mo na ba mag-solo?’

“May ilang pangyayari din siyempre na hindi maiiwasan na magkaroon ng problema, di ba?

“Inevitable naman kasi na darating at darating sa point na magsosolo ka talaga, na mag-aasawa ka. Yung ganoon.

“Kaya siguro sinusulit ko na din at iniisip ko na huwag munang umalis.

"Kasi, ito yung time na kailangan pa rin naming magsama.”



STILL SINGLE. Ang sobrang closeness din ba ng pamilya nila ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin si Glaiza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kinu-consider ko ang opinion ng family ko, especially ng parents ko, doon sa lalaking magde-date sa akin o gustong manligaw.

“Malaking factor yun sa akin.

“Kasi, sa ngayon ay hindi talaga ako puwede sa isang liberated lifestyle.

“Stick pa rin ako doon sa old school na dumadaan sa proseso na pumapanhik ng ligaw.

“Ewan ko kung ilan na kaming ganito... importante yun, e!"

Hindi naiwasan na maikumpara ng PEP ang sitwasyon ni Glaiza kay Sarah Geronimo, 24.

Kilala rin kasing close-knit ang pamilya at istrikto ang mga magulang ng Pop Princess sa mga manliligaw rito.

Sabi ni Glaiza tungkol dito, “Kung ang isang intention naman ng isang lalaki ay mabuti, wala siyang dapat ikatakot o ikabahala o ikailang.

“I can’t speak of Sarah kasi hindi ko naman alam kung ano ang totoo.

“Ayaw ko siyempre magbigay ng opinyon ko, kasi wala naman akong alam.

“Ako naman, ang parents ko, parang strict din. Lahat naman yata ng parents ako ay ganoon, di ba?

“Siyempre, they just want the best for their children.

“Pero, kapag nakausap din naman sila noong ano, kung sino man yung nanliligaw sa akin, parang tropa na din lang—sila pa yung nagri-reach out.”



FINANCES. Pagdating naman sa money matters, lalung-lalo na sa mga kinikita niya, ano ang arrangement nila ng parents niya?

Saad ni Glaiza, “Nag-uusap kami ng nanay ko pagdating sa ganyan.

“Pag dumarating ang suweldo, pinag-uusapan namin yung percentage.

“Like, ito yung para sa personal account ko, ito yung para sa family, ito yung sa ibang expenses. May ganoon.

“May say pa din ako sa mga kinikita ko.

“Before kasi, kapag may kinikita ako, lahat ay ibinibigay ko sa kanila. Tapos, binibigyan na lang nila ako.

“Pero ngayon, pinag-uusapan na namin, in preparation nga sa pagiging independent ko.

“Siyempre, gusto ko na ring mag-ipon at kung may mga gusto akong bilhin ay hindi na ako lumalapit sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya meron akong personal account."

Pagmamalaki pa niya, “Updated ‘yang si Nanay. Like, ‘Ito yung mga kinita mo, ito yung mga babayarin.’

“Ako na nga ang nahihiya sa kanya minsan... parang ayaw kong pag-usapan.

“Basta sa pera, alam ko na hindi magiging problem namin ‘yan. Masaya ako na nakaka-support ako sa family.

“Hindi siya dapat pagmulan ng anumang away sa pamilya.”



U.S. TOUR. Tutulak si Glaiza papuntang Amerika sa Mayo.

This time ay sinisiguro niya na hindi siya maiiwanan ng eroplano tulad ng nangyari sa kanya sa Malaysia.

Tatawa-tawang sabi niya, “Oo nga. Sisiguruhin ko na hindi na ako tatanggap ng work one day before ako umalis.

“Inaayos na ang visa ko and sabi ni Kuya Chino [her handler] ay hindi naman daw sila tatanggap ng work for me sa States na hindi sigurado.

“End of May ang alis namin at excited na talaga ako papuntang California.

“Bibisitahin ko na rin yung mga tito at tita ko, mga pinsan ko at childhood friends ko... baka mag-e-extend ako.

“Hay, sobrang excited talaga ako at mamamasyal kami nang todo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN