Mark Herras on revitalized career: "Kaya nga nagpakaayos ako dahil natakot ako na bigla akong mawala."

Ipinagpapasalamat ni Mark Herras ang pagiging supportive ng girlfriend niyang si Ynna Asistio sa pinagdaanan niya. Kuwento ni Mark, “Sinabi ko sa kanya na hayaan niya na muna akong ayusin ang buhay ko, ang career ko. Then, I made up na lang for her. Now, we’re good naman.”


Balik-sigla ang career ni Mark Herras matapos mabalitang nagpapabaya siya sa kanyang career at sa iba pa niyang commitments.

Naging very visible na ulit siya sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas at busy rin sa daytime soap na Unforgettable.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Studios last Sunday, April 14, ipinaliwanag ng Bad Boy of the Dance Floor ang tungkol dito.

“I’m happier now.

"Alam ninyo naman siguro yung mga nangyari sa akin noon—yung mga issues. Yung unprofessionalism ko sa taping, kasi lagi akong late.

“Siguro eto, etong nag-turn ako ng twenty-six, mas naging diretso ako.

"Mas naging maganda ang pananaw ko sa buhay.

"Mas naging focused ako sa trabaho... mas natutuwa si Direk Gina [Alajar, direktor ng Unforgettable].

“Kapag may gusto siyang ipagawa sa isang scene, nagagawa ko naman.

“Then, kapag wala ako sa Party P, like every Monday, nagwe-wakeboarding kami.

“So, mas relaxed na ako and I’m happy with my career right now."

Sabi pa niya, “I’m happy before, kaya lang, sunud-sunod ang mga ginagawa ko noon at halos wala na akong time para magpahinga pa, e.

“Mas diretso ang utak ko ngayon.”



BURNOUT. Ano nga ba ang nangyari sa kanya noon?

Ani Mark, “Pinagdaanan naman ng lahat ng artista ‘yan, e—yung minsan ay tinatamad ka, unprofessional ka.

"But, I’m happy na GMA is giving me all the trust.

“Nakikita nila ang mga problema ko, but they want me to grow up, not really teaching me a lesson.

"Pero hindi sila bumitaw. Yung support nila sa akin ay nandoon talaga.

“Na-realize ko na we only live once, di ba? Yung career mo ay hindi naman panghabambuhay.”



REALIZATION. Dumating ba siya sa point na natakot siya na isang araw ay wala nang offers sa kanya, lalo’t mabilis ang turnover ng mga artista ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Mark, “Well, nandoon yun, e. Hindi naman mawawala yun.

“Kaya nga nagpakaayos ako dahil natakot ako na bigla akong mawala.

“Siyempre, ayaw ko namang masayang ang mga pinaghirapan ko.

“Ayaw kong dumating sa point na wala akong trabaho, tapos ibebenta ang bahay ko for that, di ba?

“So, inayos ko lang ang buhay ko... ayaw ko talaga siyang [career] mawala.

“Mabuti at marami ang tumutulong sa akin sa GMA—yung mga boss ko—ayaw ko naman silang mapahiya.”



SUPPORTIVE YNNA. Itinanggi naman ni Mark na isa sa mga dahilan ng pagtamlay ng career niya ay dahil kay Ynna Asistio, ang girlfriend niya for five years na.

Sabi ng actor-dancer, “Yung sa amin ni Ynna, isa siya sa mga naging relasyon ko na naging magaan... na walang gaanong problema.

“Almost one month na... basta, kung nagkaroon man kami ng problem noon...

“Sinabi ko sa kanya na hayaan niya na muna akong ayusin ang buhay ko, ang career ko.

“Then, I made up na lang for her. Now, we’re good naman.”

Forgive and forget na rin nila ang minsang kamuntik nang humantong sa hiwalayan.

Nangingiting kuwento ni Mark, “Noon kasi, mahilig akong tumambay sa friends—gimik-gimik.

“Yung relationship naman kasi namin needs a space naman kasi once in a while.

“Kasi noon, halos hindi kami naghihiwalay. Araw-araw nagkikita, magkasama."

Dagdag pa niya, “Hindi naman sa nagsasawa ako o nagkakasawaan kami.

“Ini-enjoy ko lang talaga yung pagiging single ko na parang bagets pa ako.

“Anyway, pinag-usapan na namin ‘yan... usap-usap lang.

“Hindi naman talaga kami naghiwalay, kaya hindi ko naman kailangang ligawan siyang uli.”



MARRIAGE. Sa tagal na nila, hindi naman daw mahirap ayusin ang problema sa kanilang relasyon.

Ani Mark, “Five years na kami, e. So, hindi mahirap ayusin.

“We have a strong relationship.

"If ever na stable na ako sa sarili ko, sa career ko, sa business ko... yung kaya ko nang magbuhay ng pamilya, I wanna marry her, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ynna na ba talaga ang gusto niyang makasama for life?

Sagot ni Mark, “Yeah, for now. Oo, siya na nga.

“Si Ynna, one for her, napakabait. Wala kang masasabi sa kanya.

“Wala kang puwedeng isumbat sa kanya na negative. Napakabait na tao.

“And I love her very much.”

Iginiit din ni Mark na hindi siya magiging hadlang kung ano man ang career plans ng girlfriend.

“No, hindi,” sambit niya.

“Whichever na makakabuti sa kanyang career, I will not step sa way na gusto niya.

“Maaaring pag-usapan namin, pero kapag nakikita ko namang maggu-grow siya, e, okay lang.

“Hindi naman niya hinadlangan yung gusto ko... naintindihan niya ang mga nagawa ko.

“So, dapat ganoon din ako sa kanya,” pagsisiguro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN